FAITH's Point of View
Ngayong araw lilipat dito sa school namin si Jeyra. Si DeanMark pala ang SSG president dito sa school. That's why familiar yung mukha niya unang kita ko pa lang sa kanya. Si Jeyra naman pinsan ni Eimerson sa mother side.
**▶FLASHBACK◀**
"Alam niyo naman siguro kung ano itong sinalihan niyo diba?" Sabi ni Eimerson at isa isa kaming tiningnan.
"Then?" sabay na sabi namin ni Jeyra.
"We will call our gang as SORORITY" dugtong niya.
"Realtalk lang ah, di kasi ako magaling makipag laban eh. Baka si Faith rin?" Sabi ni Jeyra.
"Naku, basagulera yan si Faith. Wag ka mag-alala jan kasi magaling yan sa kalokohan" Sabi ni Adrian.
Mabilis kong hinubad yung sapatos ko at binato sa kanya.
"Ahh nakita ko nga" sabi ni Jeyra at tumango tango.
Pinulot naman ni DeanMark yung sapatos ko at ibinalik sakin. Natatawa tawa pa siya kaya binatukan siya ni Adrian.
"Don't worry, meron tayong proper training" sabi ni Dean
"Underworld is now waiting for our members to show up" sabi niya.
"Yeah pero kayong dalawang babae ay sa 15th fight pa kayo pwedeng bumaba sa underworld." Dugtong ni DeanMark.
"So your saying na lalaban muna kayong apat ng 15times bago kami makababa dun?" Tanong ko.
"Yes" sabi ni Dean
"What?! That's unfair" reklamo ko at tumaray sa kawalan.
"What happened to your face?" tanong ni Eimerson
Hinawakan niya yung sugat ko sa mukha. Napadaing naman agad ako. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Pake mo?!" sabi ko
"Sure ako na si Dean may gawa nyan" sumbong ni Jeyra.
"Luh? Anong ako?!" Tanggi naman ni DeanMark.
"Sinugatan mo din kaya ako nung isang araw. Binato mo ako ng kutsilyo" sabi ni Jeyra.
"DeanMark" parang nagpipigil na sabi ni Eimerson.
"Ok lang ako, patuloy na natin" sabi ko.
Umalis si Eimerson kaya si Deanmark nalang yung nag-tuloy nung mga sasabihin. Si Rex? Ayun tulog na naman.
"Bilang member ng SORORITY GANG required ang lahat ng members na pumunta sa Head Quarters at Exactly 5pm. 6 lang tayo sa grupo. Ako, si Eimerson, Adrian, Rex, Jeyra, at Faith. Sana rin ay alam niyo na dahil sumali kayo sa grupong ito ay mawawala kung anong rank ang meron kayo noon." Sabi niya at may ipinakita sa amin gamit ang I-pad na hawak niya.
Lahat kami maliban kay Jeyra ay nasa Elite Rank na. At nakalagay dun kung saan kami mapupunta matapos naming sumali sa grupong ito.
Malaki ang possibility na masali sa Elite rank kung mag isa ka lang. Kung wala kang grupo. Pero ka akibat neto ang kapahamakan na laging naka sunod sayo. Pero nagawa ko naman mag survive.
Dahil na din sa pagod na akong takasan lagi ang mga gustong pumatay sakin, naisipan kung sumali sa grupong ito. Ang committee kasi mismo ng UW ang mag uutos na patayin ka kapag nasa Elite rank kana. Lalo na kapag tulad ko na walang grupo.
Kaya heto ako, sasali sa isang grupo at bibitawan ang pinaghirapan kong Elite Rank.
"Jeyra?!" Tawag ni DeanMark kay Jeyra.
"Ano?" - Jeyra
"Lilipat ka ng School" deretsong sabi ni Dean.
"Para namang tatay kung makapang utos tong isa na toh" sabi ni Rex na kakagising lang. Ay mali, mukhang di naman siya natulog eh. Pumikit lang
"Mas magandang madalas tayong mag kakasama para pag may emergency malapit lang tayo sa bawat isa" sabi ni Adrian.
Mukhang seryoso siya ngayon ah. Nagtataka tuloy ako. Pano kaya sila nagkakila kilala.
"Anong lilipat? Dean naman!" Reklamo ni Jeyra at nagkamot ng ulo.
Saming limang nandito ngayon siya lang ang naiiba ng uniform. So ibig sabihin sa Veoli University din nag aaral si Dean. (Vyolay)
"Wala ka ng magagawa. Nakausap na ni Eimerson Parents mo" sabi ni Dean.
"Sino Leader ng Grupo?" Tanong ko.
"Si Eimerson, malaking dagok sa ibang gang pag nalaman nila na si Eimerson ang leader natin." sabi ni DeanMark.
Yeah because he is a mafia boss.
"Faith.. Ano meron sa inyo ni Eimerson?" Tanong ni Adrian.
Kami ni Eimerson? Naku mag bestfriend kami jusko.
Tsismoso talaga toh, akala ko pa naman seryoso na siya.
"Gusto mo pati talambuhay naming dalawa ikwento ko sayo?!" Sarcastic na sabi ni Eimerson na kakarating lang at may dalang first aid kit.
Lumapit siya sakin saka nag smirk. Ano na naman kaya problema ng isa na toh. Di nga kami close eh, kung maka asta naman. Yuck!
"Move" sabi niya kaya tumayo ako sa upuan ko at sumandal nalang sa pader.
"AISH! Umupo ka dito. Linisin natin yang sugat mo" sabi niya at hinila ako.
"Ano ba! Wala naman akong sinabing galawin mo sugat ko ah!" Sabi ko at tinabig yung kamay niya na may hawak ng bulak.
"Linisin na natin, baka ma infect" sabi niya.
"No! Trip kong ganito. Tsaka lumayo layo ka nga! Feeling close ka din eh" sabi ko at nandidiring tiningnan siya.
Napansin ko namang nakatitig lang samin yung apat na bahagyang mga naka nganga.
"Ahh" awkward na sabi ni Adrian ng mapansing naka tingin ako sa kanila.
Napataray nalang ako sa kawalan at tumayo.
"Uuwi na ako" sabi ko at tuluyang lumabas.
Narinig ko pang tinawag nila ako pero di na ako nag abalang lumingon.
Naramdaman kong basa ang mukha ko. Gosh, nagpapa pansin yung mga luha ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko. Apektado pa rin ba talaga ako?
But that was 4years ago.
At sabi ko nun kakalimutan ko na siya eh. Kakalimutan ko na yung mga kasalanan niya. Na papatawarin ko na siya. Pero ito ngayon ang nangyayari.
Napaka bitter ko.
**▶End of Flashback◀**
"SHIT!!! FAAAAAITH" napalingon ako sa tumawag sakin pero------
*BLAAG*
Then everything went black.
**************
Please Vote and CommentWritten by; Peach_Daday

YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Teen FictionA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...