Chapter 27

3 2 0
                                        

Faith's Point of View.

Pag dating namin sa hideout. Another buhatan session na naman ang ginawa namin ni Bella. Malusog pa naman siyang bata kaya ramdam ko talaga yung bigat niya.

"Ako naman, baka pagod kana sa kakabuhat sa kanya eh" sabi ni Eimerson at kinuha sakin si Bella.

"Lakad" sabi ni Bella kaya binaba siya ni Eimerson at hinawakan sa kamay.

Di pa siya gaanong marunong maglakad kaya napapangiti ako kapag minsan ay parang matutumba siya. Hinawakan ko din yung kabilang kamay niya kaya nginitian niya ako.

"Ano ba! Dahan dahan naman sa paghakbang, ang liliit kaya ng binti nung bata" sabi ko kay Eimerson.

"Ay sorry baby ko" sabi niya at hinimas yung ulo nung bata.

Natawa naman si Bella at nagpatuloy sa paglakad niya.

"NAWALA LANG KAYO SAGLIT MAY ANAK NA KAYO AGAD?!" sigaw ni Rex mula sa pinto.

Mabilis naman siyang nabatukan ni Jeyra. Napahimas naman agad dun si Rex at takang tiningnan si Jeyra.

"Bakit nandito ang maldita na yan?" Tanong ni Jeyra

Naptingin naman ako kay Bella na ang sama ng tingin kay Jeyra.

"Tita panget" sabi ni Bella.

Tawa naman ng tawa si Rex dun sa tabi niya kaya sinampal siya ni  Jeyra.

"Magbihis kana dun Faith, pupunta tayo ng school" sabi ni Jeyra at kinarga si Bella.

**************
Pagbaba ko iyak agad ni Bella ang narinig ko.

"Waaaaahhh huhu" -bella

"Bakit pinapa iyak mo yan?" Tanong ko.

"ANG CUTE NIYA KASI PAG NAIYAK" Tuwang tuwa na sabi ni Jeyra at pinang gigilan yung pisnge nung Bata.

"Daddy" sabi ni Bella na nakatingin sa likod ko.

"Kaya ayaw niya mag pa iwan sayo eh" sabi ni Eimerson at kinuha si Bella kay Jeyra.

Habang papalabas sila ng bahay nakatingin pa rin samin si Bella.

"Pangeeeeet" sabi ni Jeyra at nag make face kay Bella

Ayun parang maiiyak na naman yung bata. Itinago niya na lang yung mukha niya sa balikat ni Eimerson.

"Ang salbahe mo" puna ko.

Natigilan siya sa pagtawa at napatingin sakin.

"Salbahe din kasi yung batang yun eh" sabi ni Jeyra at nag cling sakin.

"Pupunta ka talaga ng school ng ganyan?" tanong ko sa kanya.

Naka white fitted tube kasi siya at blue jeans. Sabagay sexy naman kasi siya.

"Eh bat ikaw? Kita pa nga yang pusod mo oh" sabi niya at hinampas yung tiyan ko.

Napahawak naman ako dun at gulat na tiningnan siya.

"Ano ba! Masakit yun ha" sabi ko at binatukan siya.

Natatawa naman siyang hinimas yung batok niya. Naka red off shoulder na above the bellybutton kasi ako. Tsaka white jeans.

"Tara na, 30 minutes late na tayo." Sabi niya at hinila ako palabas.

"Asan pala sila Adrian?" Tanong ko.

"Pumasok sa school. Dapat nga mag tre- training tayo eh. Kaso ayun tinamad sila at sinipag pumasok" sabi niya

"Si Rex? Diba kasama mo yun kanina?" Tanong ko.

"Ahh nasa kotse, siya kasi maghahatid satin sa school" sagot niya.

"MOMMY" sigaw ng maliit na boses.

Napalingon kami ni Jeyra dun. Nasa parkinh na kasi kami.

"Ikaw? Mommy niya?" Takang tanong ni Jeyra

"Ha?" wala sa sariling tanong ko din.

"Faith, come on. Sasama kami sa school niyo. Nagwawala kasi tong isa" sabi ni Eimerson mula sa Driver Seat ng sasakyan niya.

Napalingon ako kay Jeyra na iba ang tingin sakin ngayon.

"Sige na, sa kanila ka na sumabay" sabi niya at pumasok sa isang sasakyan kung saan nandun si Rex

"Mommy" sabi ulit ni Bella na nakangiting nakatingin sa akin.

"Faith, tara na" sabi ni Eimerson at binuksan yung pinto ng sasakyan.

Tumabi ako kay Bella at pina andar na din ni Eimerson yung sasakyan.

"Sigurado kang di mo anak si Bella?"

*skreeeeeech*

Bigla nalang siyang pumreno kaya nahulog sa apakan ng paa si Bella. Di pala naka seatbelt yung bata.

"Waaaaahhh huhuhu" iyak niya.

Mabilis ko siyang kinuha at iinupo sa lap ko.

"Shhh tahan na. Di sadya yun" sabi ko at pinunasan ang mga luha niya.

"Shit, sorry. Nabigla lang ako sa tanong mo" sabi niya at hinalikan sa pisnge si Bella.

"Namula yung kamay niya" sabi ko at hinimas ang kamay ni Bella.

"Of course she's not my daughter. Nagpa DNA test na kami. At isa pa, wala namang nangyari samin ni Rose noon" sabi niya.

"Bad Daddy"-Bella

Ang sama sama din ng tingin niya kay Eimerson. Dahil ata sa pag ka hulog niya kanina.

********************

Please vote

Written by: Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now