FAITH's Point of View
Dumeretso ako sa locker ko para kunin yung notebook ko. Tamad ako mag dala ng bag eh. Yung cellphone ko nga nasa bahay lang.
Habang naglalakad ako papunta sa Math Class ko, napansin kong nagtatakbuhan yung mga estudyante. Meron pa ngang bwesit na nakabangga sakin.
"ANO BA! HAHARANG HARANG KA SA DAAN EH" sigaw niya sakin.
"For your information miss! Nasa gilid ako. ANO GUSTO MO AWAY o GULO?!" Walang emosyong sabi ko sa kanya.
"Faith? sorry. Sorry talaga di kita napansin" sabi niya ng naka yuko.
Binangga ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nabadtrip ako sa isang yun ah. Ganun pa din ang nangyari. Puro nagtatakbohan pa rin ang nakikita ko. San ba sila papunta?
Napansin kung may pinag-kukumpulan ang mga tao dito kaya na curious ako. Medyo nagulat ako ng marinig ko yung boses ni Jeyra.
"You don't know me. Bitch" - Jeyra.
"Akala mo ba papalagpasin ko ang paghalik mo kay Rex noon? You're wrong dear" sabi ni Kate
"EHEM" pag tikhim ko kaya napalingon sakin yung mga tao.
Tumabi naman sila at nagbigay daan para sakin. Napansin kong nataranta yung dalawang babae dun sa gilid. At nakita ko si Kate na gigil na gigil sa pag sabunot kay Jeyra.
"Kate si Faith"- g1
" Kate tara na" -g2
"Is this how you fight?" Tanong ko at umikot ikot sa kanilang dalawa.
"F-FAITH?" gulat na sabi niya.
"Yes your one and only" sabi ko.
Hinawi ko yung buhok ni Jeyra at tiningnan yung mukha niya.
"Sinampal mo toh?" Tanong ko kay Kate na nanginginig ngayon.
"Y- yes" sagot niya.
Saktong pag sagot niya ay sinampal ko siya ng sobrang lakas kaya natumba siya sa sahig. Medyo natawa ako ng suntukin pa siya ni Jeyra sa ilong. Pinag sasabunutan na din siya ni Jeyra.
"Ahhh omygosh, my hair" pagti titili ni Kate.
Tumakbo papunta kay Jeyra yung mga alipores ni Kate at akmang kakalmotin siya sa braso. Hinila ko naman yung dalawang yun at pinaguntog. Susugurin ko pa sana sila ng may biglang may humawak sakin at umawat kay Jeyra sa kakasampal kay Kate.
"Ano ba?! Napaka takaw gulo niyong dalawa" sabi ni Dean na nasa harap namin.
"R-Rex sinaktan nila ako" sabi ni Kate at yumakap kay Rex.
"Ok lang ba kayo?" Tanong ni Adrian samin.
Yakap yakap niya ngayon si Jeyra. Pano kasi itong isa ayaw na mag pa- awat.
"OMYGOSH MY NOSE IS BLEEDING" tili ni Kate. Maya-maya bigla siyang nahimatay.
Madaming napa singhap. Nasalo naman siya ni Rex kasi papunta kay Rex yung pag bagsak niya. Pero nagulat kaming lahat ng bigla niya itong binitawan. Deretso sa semento yung binagsakan ni Kate kaya paniguradong masakit yun. Nagmulat naman siya ng mata at dumaing sa sakit na balakang niya. Linapitan siya agad nung mga alipores niya.
"Hala kawawa naman si Kate"
"Ang astig na sana ng away nila eh, sana di nalang nila inawat"
"Nagpapanggap lang pala siya na nahimatay"
"Ang po- pogi talaga nila"
"Shit ka Rex bakit mo binitawan?" Natatawang tanong ni Dean
"I hate pretenders" sabi niya at naunang mag lakad.
Sumunod naman kami sa kanya. Sa cottage kami dumeretso. Matagal na din akong di pumupunta dito. Minsan nalang kasi ako mag cutting class.
"Kukuha lang ako ng gamot sa clinic" sabi ni Dean at umalis.
Sinandal ni Jeyra yung ulo niya kay Rex at pumikit. Napansin ko namang nakatitig si Rex sa mukha ni Jeyra na naka pikit.
"Inggit ka?" Bulong sakin ni Adrian. Napalingon naman agad ako sa kanya kasi bigla nalang siyang bumubulong.
"Anong inggit? Mukha kang adik" sabi ko at nag cross arms.
Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko kaya naka kunot ang noo ko siyang nilingon.
"Ayan para di ka na maing----" bago pa niya matapos yung sasabihin niya tumayo ako at lumipat ng upuan. Nauntog tuloy sa kawayan yung ulo niya.
"Hays, kahit kelan ka talaga Faith" sabi niya at humiga nalang sa upuan.
Wala na naman ata silang balak magsi pasok sa mga klase nila sa oras na ito.
"Ito maglagay ka ng Icepack dyan sa ulo mo kasi paniguradong mahapdi yan" sabi ni Dean pagkadating niya at ibinigay kay Jeyra yung mga dala niya.
"Salamat Dean" sabi ni Jeyra ng may malamyang boses. Halatang napagod siya.
"Di pa natin nababayaran yung fee ng cottage na toh ngayon buwan" natatawang sabi ni Rex
📢 Calling the attention of Faith Yro, Jeyra Tuazon, Risalyn Ortigo, Shammel Sablan and Kate Ortigo please proceed to the guidance office now 📢
Nagkatinginan kaming lima dahil sa narinig namin. Ilang beses na inulit yun kaya maya maya ay tumayo na din kami. Sinamahan kami nina Adrian sa Guidance Office.
Pagdating namin dun nandun na sina Kate na may mga benda sa mukha. Mukhang napuruhan ata siya. Buti nga sa kanya.
************
Please Vote and Comment.Written by; Peach_Daday

YOU ARE READING
Wrong Suspicion
JugendliteraturA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...