Chapter 23

3 2 0
                                    

Faith's Point of View

Dumeretso na ako sa kwarto ko matapos ang ginawang kabaliwan ni Eimerson kahapon. Naiirita talaga ako sa kanya kaya di na din ako kumain kagabi. Kinalampag pa nga ni Adrian yung pinto ko pero di ko nalang siya pinansin.

Ngayon naman nakatitig sakin ang apat na animoy nagtatanong. Kumakain kasi kami ng almusal. At itong si Eimerson pina nindigan yung sinabi niya kahapon. Linalagyan niya ng kung ano anong pagkain yung plato ko. Ako naman kasi gutom, kain lang din ako ng kain.

Aba masama tumanggi sa grasya

Mukha din siyang timang na ang ganda ng ngiti. Nabulunan si Jeyra kaya napatingin kami sa knya. Ngumiti nalang siya at nag peace sign. Ang awkward ha!

"Mind explaining?" Sabi ni Adrian na deretso ang tingin sakin.

"Stop it! She's eating" saway sa kanya ni Eimerson.

"Okay na ako! Im full" sabi ko at umalis na dun sa dining room.

"Faith! Wait for me" sabi ni Eimerson na hinahabol ako.

"Kumain ka na dun" sabi ko sa kanya.

Ang kulit kulit niya ARGGHHH. Mali talaga na hinayaan kong mapalapit ulit siya sakin.

"Busog na ako" sabi niya at ipinulupot sa bewang ko yung braso niya.

The heck with this man?

"Tanggalin mo yang braso mo" sabi ko.

"Huh?" Patay malisyang sabi niya.

"Isa" sabi ko pero di niya ako pinansin.

"Let's go" sabi niya at hinila ako palabas ng bahay.

"HOY! SAN PUNTA NIYO?! MAY TRAINING TAYO" sigaw ni Dean.

"We'll be back" sabi ni Eimerson at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Basta"

Tinulak niya ako papasok sa loob ng sasakyan kaya di na ako naka palag.

"Eimerson di na ako natutuwa" sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

++++++++++++++++++++++++++

Namutla ako ng mapansin ang isang lugar na di ko akalaing babalikan ko.

"Bakit tayo nandito?" kinakabahang tanong ko.

Di niya ako sinagot at bumaba na ng sasakyan. Parang gusto ko nalang na dumikit dito sa kinauupuan ko at di na matanggal. Yung tipong forever.

Walang forever

"Come on, gusto mo buhatin pa kita?" Tanong niya ng naka kunot ang noo.

Mood swings

Napaka talaga ng lalaking toh. Pipiktusan ko to eh. Dahil sa sadyang short tempered siya. Hinila niya ako palabas ng sasakyan at kinaladkad papasok sa loob ng bahay nila.

Yeah, sa bahay NILA. Nanginig ang tuhod ko habang papalapit kami sa library ng bahay kung saan laging nandun ang mommy niya.

"Eimerson, ano bang ginagawa natin dito" sabi ko at medyo hinihila ang kamay ko sa kanya.

Baka kasi sakaling makawala ako sa kanya. Tatakbo talaga ako ng bongga mapalayo lang sa kanya.

Pagpasok namin sa loob nakangiting sinalubong siya ng mommy niya.

"Son, di mo sinabing pupunta ka? Di kita napaghanda ng pagkain" Sabi niya at nakipag beso beso sa anak niya.

"Wala kasi sa plano ko na pumunta dito eh" sagot naman ni Eimerson ng nakangiti.

Napatingin si Tita Ema sa kamay ni Eimerson. Kaya unti unti siyang sumilip papunta sa direksyon ko, ng makitang may kahawak kamay ang anak niya.

"Hey, young lady" bati niya sakin na sinuklian ko ng ngiti.

"Di mo sinabing may kasama ka?" sabi niya ulit ng nakangiti sa anak niya.

Ngumiti din ako ng alanganin. Di niya ba ako nakikilala?

"Oh sorry, I forgot" sabi niya at inakbayan ako.

Dahan dahan ko namang tinanggal yun kaya napangiwi ang mommy niya. Ang lakas mang chansing ng talipandas na toh!

"What's your name honey? You look so familiar" sabi niya habang tinitingnan ang bawat detalye ng mukha ko.

Maya maya tiningnan niya din ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman agad ako ng hiya kasi naka skinny jeans at t-shirt lang ako. Idagdag mo pang naka tsinelas lang ako.

Ikaw ba naman kasing biglaang isakay sa sasakyan makakapag ayos ka pa ba? Parang kidnap, ganon nangyari eh. Buti nga naligo ako pag gising ko kanina bago ako nag almusal.

Yung mga sugat ko naman magaling na yung iba. Maliban sa ibang part na di nalagyan ng cream. Ang sakit sakit kaya nun.

Gagamutin na lang daw ulit ni Dean mamaya para maging okay na ako. Another kalbaryo na naman yun ng buhay ko panigurado.

"Promise, I think I know you eh" sabi niya at inikutan ako.

"Ahh tita" alanganing sabi ko kaya napatigil siya.

"Rinah?" Gulat na tanong niya at hinawakan yung kamay ko.

Tumango ako kaya mabilis niya akong niyakap.

"BABY KOOO" sabi niya na mahigpit ang yakap sakin ngayon.

"Tita I can't breath" sabi ko kaya mabilis siyang kumalas at humingi ng 'sorry'

"Pwede pa rin naman kitang tawagin sa kung anong naka sanayan ko sayo diba?" Excited na tanong niya.

"Ok lang po" sabi ko at ngumiti din.

"Ang laki ng pinag bago mo. Lalo kang gumanda. Ang ganda na din ng hubog ng katawan mo. Sumasali kaba sa modeling?" sunod sunod niyang sabi.

"Ahh yes Tita pero minsan lang" sagot ko ng alanganin.

Di ba siya galit sakin?

"Ang laki ng pinagbago mo simula nung---" di niya tinuloy yung sasabihin niya ng tumikhim si Eimerson. Tumingin siya kay Eimerson at nag piece sign.

"Ma" parang nagbabantang tawag sa kanya ni Eimerson.

"Sabi ko nga umupo muna kayo dun. Mag re- ready lang ako ng merienda" Sabi ni Tita at kikimbot kimbot na naglakad palabas ng Library.

Umupo kami sa mini- sala netong library. Sa single sofa ako umupo para di maka tabi sakin si Eimerson. Pero ang hinayupak pinag siksikan yung sarili niya sa natitirang space ng upuan.

"Ano ba Eimerson! Ang sikip sikip" reklamo ko.

"Mas okay nga yun eh. Close tayo"

Face Palm

********************
Please vote and comment

Written by; Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now