FAITH's Point of View
"Have fun with me Ms. Yro" sabi niya at tangkang hahalikan ako ng bigla siyang bumagsak sa sahig.
Kinabig ako sa bewang ng taong sumapak sa batang manyakis na toh.. Sinubsob ko na lang sa dibdib niya yung mukha ko.
"Can I join?" Halatang galit na tanong ni Eimerson.
Nakipag laban siya sa mga lalaking nandito gamit lamang ang isa niyang kamay. Naka pulopot kasi sa bewang ko ang isa niya pang kamay. Medyo nahihilo na nga ako eh kasi pa ikot ikot kami. Halatang iniilag niya ako sa mga paparating na atake ng mga klaban niya.
Narinig ko ang mga mahihinang mura niya minsan kaya halatang natatamaan din siya dahil sa akin.
"I'll help" sabi ko at kumawala sa kanya.
Sakto namang pag harap ko sa mga ka away may nag spray ng kung ano sa mukha ko.
Tinadyakan ko sa tiyan ang taong yun at sinapak deretso sa mukha.
Pinagsusuntok ko yung mga lalakeng lumalapit sakin. Ang sakit sakit na nga ng kamao ko eh. Parang di sila nauubos.Mayamaya pa nakaramdam ako ng pagkahilo. Dahil dun di ko nailagan yung sipa nung isang lalaki sa akin kaya napadura ako ng dugo. Lumaban pa rin ako sa mga lumalapit sakin kahit na parang tatlo na ang paningin ko.
Napahawak na ako sa ulo ko dahil sa matinding pagkahilo. Nagkaroon na naman tuloy na chance yung kalaban na suntukin ako sa tiyan. Bumagsak ako sa lupa dahil na din ata sa pagkahilo.
Susuntukin niya dapat ako sa mukha ng tumalsik siya kung saan.
"Di ko alam na napapabagsak ka na pala ngayon" sabi ni Eimerson at binuhat ako pa bridal style.
"Im so tired" sabi ko na mamungay mungay na ang mata na nakatingin sa kanya.
Damn he's so hot under the rain.
Bigla kong naalala si Jeyra. Kaya medyo bumangon ako at tiningnan yung kinakalagyan ni Jeyra kanina. Lalo tuloy sumakit yung ulo ko.
"Shit, baka mahulog ka. Wag ka ngang malikot!" Sabi niya at mas hinigpitan ang pagkaka karga sakin.
"Si Jeyra" halos walang boses na sabi ko.
"Andun na sila sa kotse. Dinala na siya kanina ni Adrian" sabi niya kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Can I sleep now?" tanong ko sa kanya.
"Sleep well" sagot niya naman.
***********
ADRIAN's Point of ViewTakbo kami ng takbo ni Rex ngayon. Ang bibilis naman tumakbo ng dalawang yun. Kanina pa nga ako pinagmumu- mura neto ni Rex.
Nagulat ako ng bigla akong madapa. Shit naman nakakahiya. Tawa naman ng tawa si Rex. Tanginang bato yun.
"TANGINA! SIGE TUMAWA KA PA" sigaw ko sa kanya nung makatayo na ako.
"Ang patay gutom mo kasi eh. Dapat kasi nag kotse nalang tayo" sabi niya saka ako binatukan.
"Ano ba! Nadapa na nga ako binatukan mo pa ako" sabi ko sa kanya.
Sakto naman na bumuhos yung ulan. Napatingala nalang ako sa langit.
*PEEEEEEEEEP*
Napatalon ako sa gulat dahil sa busina na yun. Nakaharang na pala ako sa daan.
"HAHAHAHAHAHA ang epic ng mukha mo" Mamatay matay na naman na tawa ni Rex.
Ang saya ng hayop na toh ngayon. Parang kanina lang kulang nalang di ako isumpa sa kakamura.
"Hey, what are you doing here?" Tanong nung driver nung bumusina samin.
"Eimerson, hinahabol kasi namin sila Faith" sagot ni Rex.
"Hop in, sasama ako sa inyo. Tsaka basa na kayo" sabi niya kaya pumasok naman kami agad sa sasakyan niya.
Tumabi ako kay Eimerson dito sa harapan habang nasa likod naman si Rex. Nung napadaan kami dun sa madilim na eskinita pinahinto ko si Eimerson.
"Why? What's wrong?" Tanong niya at tiningnan yung tinitingnan ko.
"Parang naka- rinig ako ng putok ng baril?" Sabi ko.
"Oh come on, madami na talagang sira ulo na mahilig mag laro ng baril ngayon" sabi ni Rex.
"Hindi! Masama ang kutob ko dito eh" sabi ko at bumaba ng sasakyan. Lalo tuloy akong nabasa -___-
Naramdaman ko namang sumunod sila sakin. Marahan kaming naglakad papasok sa eskinita para di maka likha ng ingay.
"WHO THE HELL ARE YOU?" rinig naming sigaw ni Faith kaya nagka tinginan kami.
Mabilis kaming tumakbo para makalapit sa pinanggalingan ng bosses ni Faith. Nakita namin siyang yakap yakap ng isang lalake. Napalingon ako sa dalawang kasama ko. Sa mag kaibang direksyon sila nakatingin. Si Eimerson kay Faith. Si Rex kay Jeyra na walang malay. WALANG MALAY?! Tangina
Nakita ko nalang ang sarili ko na mag isa sa kinatatayuan naming tatlo kanina. Yung dalawa? Ayun sumugod na -___- Tumakbo nalang din ako para kunin si Jeyra.
Binuhat ko siya at itinakbo papunta sa sasakyan ni Eimerson. Muntikan pa nga akong madulas dahil sa maputik na kalsada. Bago pa ako makarating sa sasakyan ni Eimerson may lalaking humarang sakin na may baril.
"Sige dumeretso ka! Mamatay kayong dalawa" sabi niya.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil baka totohanin niya yung sinabi niya. Nagkunwari ako na may nakita sa likod niya kaya lumingon naman siya sa likod.
Sinipa ko yung kamay niya kaya tumalsik yung hawak niyang baril. Tinadyakan ko siya sa tiyan at sinipa sa mukha niya. Nung bumagsak siya sa sahig, sinipa ko yung bandang leeg niya kaya nawalan siya ng malay.
Puro lang sipa yung nagawa ko kasi gamit ko yung dalawa kong braso pang buhat kay Jeyra.
"Ang bigat naman neto ni Jeyra" sabi ko at tumakbo na ulit.
Nakarating ako sa sasakyan ni Eimerson at ipinasok siya sa loob. Di na akong nag abalang bumalik pa dahil alam ko namang kaya nila yun.
Maya maya dumating na din si Rex na humahangos. May dugo sa uniform niya. Di ko naman mawari kong sa kanya yun o sa naka away niya.
"Kamusta siya?" Tanong niya agad at tiningnan si Jeyra.
"May sugat yung noo niya." Sagot ko at tiningnan lang siya sa ginawa niya.
Di nag tagal dumating na din si Eimerson na buhat buhat si Faith.
"Bakit wala ng malay yan?" Takang tanong ko.
"Na sprayhan ng pampatulog" sagot ni Eimerson at itinabi si Faith kay Jeyra.
Grabeng araw naman toh!
*************
Please Vote and Comment.Written by; Peach_Daday
YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Genç KurguA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...