Chapter 5

1 2 0
                                        

JEYRA's Point of View

Nahihiya ako at the same time na iinis kay Rex. Una, nahihiya ako kasi bigla ko nalang siyang hinalikan. Nanghihila yung mata niya eh -__- . Pangalawa, halatang nilalandi siya nung nurse ngi-ngiti ngiti pa siya.

"Nag seselos ka noh" asar sakin ni Adrian.

"WHAT?" sigaw ko sa kanya.

Buti nalang at mukhang di kami naririnig ni Rex. Nag salpak kasi siya ng earphones sa tenga at pumikit. Tutulog na naman siya
-_____-

"Ay bobo. Di mo gets?" Sabi niya. Pinaltakan ko naman agad yung noo niya.

"Ano ba, kanina mo pa ako sinasaktan ha" sabi niya habang hinihimas himas yung noo niya.

"Sira ulo ka eh" pataray na sabi ko sa kanya.

"Sus, kala mo di ko nabalitaan na hinalikan mo si Rex? Utot mo" sabi niya kaya binatukan ko na naman siya

"Ang sadista mo, itatapon kita sa ilog pasig eh" sabi niya at lumayo.

Takot na mabatukan -___-

"Papasok na muna ako. Kayo na bahala dito" sabi ko at nag ayos ng bag

"Teka lang, baka mawala ka?"

"Ano tingin mo sakin bata? Duh"

Grabe tatlong subject na yung hindi ko napasukan ngayon. First day ko pa naman dito sa VU.

Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako ng mga tao. Panigurado dahil toh dun sa pag halik ko kay Rex kanina. Balita ko kasi famous ang mga yun dito.  

"GOOD MORNING SIR. IM SORRY, IM LATE" sabi ko sa teacher pag pasok ko sa assigned room sakin sa oras na ito.

Trigonometry -___-

Buti nalang may mapa na binigay sakin kanina sa registrar, di ako naligaw.

"Miss Jeyra Tuazon?" Tanong niya. Tumango ako

"Come in" nakangiting sabi niya.

"Hi, Im Jeyra Tuazon. 19 years old." Pagpapakilala ko, utos ni sir eh.

Nakakita ako ng upuan sa bandang gitna kaya dun ako umupo.

"Siya nga yun"

"Girlfriend ba siya? Ang landi niya ha"

"Lagot siya kila Kate"

"Bago lang yan diba?"

"Maharot"

Nakaka- irita umupo dito sa gitna. Kahit saang side pinag uusapan ako.

(********)

Naglalakad ako ngayon papuntang clinic. As usuall pinag titinginan pa rin ako. Tutusukin ko mga mata neto eh.

Pagdating ko sa clinic sinamaan ko ng tingin yung nurse kanina.

"Ahh miss, ito yung cream para kay Miss Faith" sabi niya at may binigay sakin na parang vicks

"Siguraduhin mo lang na safe toh kung hindi malilintikan ka sakin" sabi ko at tinarayan siya

Sakto naman na lumabas yung dalawa at inawat na ako

"San punta niyo?" Tanong ko kela Adrian at Rex.

"Bibili ng pagkain. Bantayan mo muna si Faith baka magising na wala siyang kasama eh" sabi ni Adrian.

"Tsaka wag ka ngang makipag away sa nurse na yan. Baka mamaya ikaw sunod na isugod dito eh" sabi ni Rex na medyo nag aalangan pang sabihin sakin yun.

Yieee concern siya.

Oo na! Crush ko si Rex. Ang ganda kaya ng mata niya. Tapos matangkad, matangos ilong, broad shoulders. Basta almost perfect.

"Huy! Natulala ka na dyan? Aalis na kami" - Adrian

"Bibili lang ng pagkain, bakit kailangan na dalawa pa kayo?" Takang tanong ko.

"Basta wag ka ng madaming tanong"sabi niya at bahagya akong tinulak tulak papasok sa room ni Faith.

Tinarayan ko muna siya bago ako pumasok sa loob. Saktong pag pasok ko nakita ko si Faith na naka upo sa kama.

" Uy, nahihilo ka pa rin ba?" Pambungad na tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako sa mata kaya medyo nagulat ako. Akala ko sasagutin niya yung tanong ko pero nanatili siyang tahimik.

"Ahh sina Adrian at Rex pala bibili lang daw sandali ng pagkain" awkward na sabi ko

Umupo nalang ako dun sa upuan sa gilid. Di pa nga pala kami close neto ni Faith kasi kahapon lang kami nag ka kilala.

"Where is he?" Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit ba kinakabahan ako sa kanya? Parang bawat galaw niya kinakatakotan ko eh.

"S- sino?" Tanong ko.

"Yung taong may gawa sakin neto?" Tanong niya at hinawakan yung benda niya sa may pisnge.

"Ahh nasa kabila, grabe din kasi yung sinapit niya eh" sagot ko.

"Why? Wala pa naman akong ginagawa sa kanya" sagot niya at dumaing kasi napalakas ata hawak niya sa benda niya

"Binugbog na kasi siya kanina ni Rex" sagot ko.

Bumaba siya sa kama at lumabas. Sumunod naman ako sa kanya. Nung tuluyan na kaming naka labas ng clinic, ayan na naman yung mga tingin ng tao.

"Grabe ata yung tama sa kanya. May benda siya sa pisnge eh"

"Ang ganda talaga ni Faith"

"Sino naman yang kasama niya?"

"Ayan yung humalik kay Rex kanina diba?"

"Famewhore"

"Ang ganda nung kasama ni Faith. Bago ba yan dito?"

Kanya kanyang side comments ang naririnig ko ngayon. May negative, may possitive. Pero mas madami yung negative -___- . Ganon ba ka bigdeal sa kanila yun? Tsss.

"Nag lunch kana?" Tanong sakin ni Faith. Napatingin ako sa kanya.

"Di pa nga eh---" natigilan kami parehas ng may marinig kaming tunog ng tiyan.

Napatingin ako sa kanya, habang siya napatingin din sakin.

"GUTOM KANA" sabay na sabi namin kaya natawa kami parehas. Sabay kasing tumunog yung tiyan namin.

"Tara sa cafeteria" sabi niya kaya sumunod nalang ulit ako sa kanya.

"Ano o-orderin mo?" Tanong ko nung papalapit na kami sa pila.

"SET A" sabi niya. Medyo na amaze ako nung nahawi yung mga nakapila kaya ngayon nasa unahan na si Faith.

"Anong set sayo?" Tanong niya at nilingon ako.

"Same nalang din nung sayo" sagot ko.

Grabe pala ang treatment ng mga tao sa kanya dito.

***************
Please Vote and Comment

Written by; Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now