Faith's Point Of View
Natatawa ako sa mga kinikilos ni Adrian ngayon. Para siyang wala sa sarili niya. Para bang di pa rin siya tuluyang gising sa pag katulog niya kanina.
Kanina kasi tumatakbo siya papalapit kay Dean tapos nung nasa tapat na siya ni Dean dumeretso siya. Ayun bumungo siya sa puno.
"Ano ba! Umayos ka nga" sabi ko at sinampal siya ng malakas sa mukha.
Wala kasing natatamaan yung mga pagpapa putok niya. Tapos minsan yung mata niya nado- doling.
"Gago dre, grabe ba yung pagka untog mo dun sa manibela?" Sabi ni Dean na tawa ng tawa.
Take note bugbog sarado pa yan. Kaya niya naman pala kasi lumaban pero hinayaan niya muna na mabugbog siya.
"Nahihilo ako masyado pota" sabi ni Adrian at pinukpok ng marahan yung ulo niya.
"AHHHHH" tili ko ng biglang sumabog yung sasakyan na pinagtataguan namin.
Tumama yung katawan ko sa may puno.Nanginginig ang katawan ko pero pinilit ko pa ring bumangon sa pagkakadapa. Malayo layo din ang liniparan ng katawan ko. Andaming bubog ngayon ang naka baon sa balat ko. Shit masakit T__T
"Daldal kasi kayo ng daldal eh" sabi ni Adrian na may tumutulong dugo sa pisnge niya.
Mukhang di na siya nahihilo ngayon. Inalalayan akong tumayo ni Dean. Sugatan kaming tatlo ngayon. Lalo na ako, naka short lang kaya ako. Yung tsinelas ko nga di ko na alam kung saang lupalop na napunta. Ito naman si Dean di na ata niya na- aalala na sprained siya.
"PEEEEEP" busina ng isang sasakyan at bumukas yung pinto nun.
"SAKAY!" sigaw ni Rex.
Agad naman kaming sumakay at kumuha ng baril na nasa loob ng isang kahon. Sasakyan toh nung kalaban. Madaming klaseng baril ang nandidito ngayon.
"GO BABE" cheer ko kay Jeyra, ang bilis bilis niya kasi mag drive ngayon. Usually kasi pina pagalitan niya kami pag mabilis yung takbo ng sasakyan namin.
"Bakit ang dami niyong sugat? Anong nangyari?" takang tanong ni Rex.
"Hinagisan kami ng bomba" Sagot ni Dean. Medyo namamaga na nga yung paa niya eh.
Napalingon ako sa likod ng marinig ang sunod sunod na pag sabog. Sunod sunod ang pag tapon ni Adrian sa mga granada sa mga kotseng nakasunod samin.
"2down 1 more" sabi niya ng nakangisi.
Ang dungis dungis na namin ngayon. Para bang sumabak kami sa digmaan. Kamusta naman kaya yung makinis kong balat? Paniguradong mag mumukhang akong kudkuran dahil sa mga sugat ko neto!
"Putakte naman! Ang dami ng peklat ko neto panigurado" sabi ko at napasabunot sa buhok ko.
Kanina ang ganda ganda ng pagkaka ponytail ng buhok ko. Ngayon kulang nalang malaglag yung panali ko.
"Ang galing ko talaga" sabi ni Adrian matapos ang isa ulit na pag sabog
++++++++++++++++++++++++
Nakarating kami sa Hideout namin ng matiwasay. Sigaw pa nga agad ni Eimerson yung sumalubong samin eh.
"BAKIT BA ANG TAGAL TAGAL NIYONG DUMATING?" sigaw ni Eimerson
Walang sumagot sa kanya at tuloy tuloy kaming pumasok sa loob. Nabangga pa nga namin siya eh.
"What happened?" takang tanong ni Eimerson.
Para kaming mga lantang gulay na naka salampak sa sala ngayon. Nakapikit na nga si Dean eh. Si Adrian sa lapag na mismo humiga.
"Ayun, medyo napa sabak" Sagot ni Rex.
"Ang sakit pa rin ng balakang ko pota" sabi ko at marahang pinindot pindot yun. Ikaw ba naman kasi ang tumama sa malaking puno.
Parang ngayon ko nga lang naramdaman lahat ng sakit na natamo ng katawan ko. Namanhid na ata sa kakatakbo namin kanina eh
"Yung invisibility cloth, iniwan niyo. Ang hirap hirap kaya gawin nun" sabi ni Dean na hinihilot ang paa niya ngayo.
Siya pala may gawa nun? Sabagay sa panahong magkakasama kami, napansin kong mahilig siyang mag imbento ng mga bagay bagay.
"It's okay, gawa ka nalang ulit" sabi ni Jeyra na para bang sobrang dali lang gumawa ng ganun.
"Sino ang mga yun?" Tanong na naman ni Eimerson.
"Red Bulls" maikling sagot ni Rex.
"Baka naghihiganti kasi natalo natin sila. Bumaba din yung rank nila nung natalo natin sila" sabi ni Adrian.
"Possible, pero lumalabag sila sa rules ng Underworld" sagot ni Dean.
"Gamutin niyo muna sarili niyo. Kailangan niyong gumaling kasi may laban tayo bukas ng gabi" sabi ni Eimerson at tumingin sakin.
Tinarayan ko naman agad siya.
Dumeretso kami sa pinaka clinic ng Bahay na toh. Si Dean ang umasikaso samin kasi Medicine student siya. Dapat nga siya muna ang magamot eh. Siya kaya tong may pinakamadaming sugat. Buti pa si Rex at Jeyra ok lang.
"Oh ayan! Ilagay mo sa sugat mo para di mag ka peklat" sabi ni Dean habang inaabot sakin ang isang bilog na bagay.
Binuksan ko yun at nakita kong kulay blue na cream ang laman.
"Ngayon ko ilalagay?" Takang tanong ko.
Ang alam ko kasi ang cream na para sa sugat nilalagay pag magaling na ang sugat. Baka mamaya lumala tuloy tung mga sugat ko eh.
"Mas effective na fresh pa ang sugat kapag nilagay yan. Mabilis na gagaling ang sugat mo. At isa pa wala kang makikitang hint ng peklat pag tuluyan ng gumaling yan" sagot niya at hinampas ang noo ni Adrian na namimilipit sa sakit.
Ang likot likot kasi ni Adrian at kanina pa siya sigaw ng sigaw. Nanlalaki din lagi yung mata niya na kulang na lang di lumuwa.
"Akin na ako na maglalagay" sabi ni Eimerson at inagaw sakin yung hawak ko.
"Ayusin mo ah. Malilintikan ka sakin pag di mo inayos" sabi ko at pina ningkitan siya ng mata.
Bahagya naman siyang natawa at umiling iling. Binuksan niya yung lalagyan ng cream at kunot noong tiningnan ako.
"Sigurado kang magpapa lagay ka neto?" Sabi niya.
"Syempre ayoko mag ka peklat noh-----AWWWWW" tili ko ng lagyan niya yung nasa legs ko.
"Masakit?" Tanong niya ng nakangisi.
"Gago.Ka." sabi ko na naghahabol ng hininga.
Pigil na pigil yung pag tulo ng luha ko.
"Paniguradong iiyak ka mayamya. Iyakin ka pa naman" sabi niya.
***********************
Please vote and comment.
Written by; Peach_Daday
Please follow me
YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Teen FictionA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...
