Jeyra's Point of View
Lalong nanginig ang tuhod ko ng marinig ang pagka basag ng bintana sa side ni Dean. Sino ba sila? Isa ba sila sa mga nakalaban nila Adrian?
"Labas!" sigaw ng boses lalaki mula sa labas.
Akmang tatanggalin ko ang nakatakip na tela samin ng pigilan ako ni Faith. Senenyasan niya din ako na tumahimik.
Di ko alam kung nagagawa ba talaga kaming itago ng kulay itim na tela na toh. Natatakot ako sa maari nilang gawin kung sakaling di kami sumunod sa gusto nila.
"Sandali! Sprained ako oh! Bulag ka?" Rinig kong sabi ni Dean.
Nang medyo tumahimik sa loob ng kotse lumingon ako kay Faith na seryoso ang mukha at parang may pinakikinggan.
"Are you okay?" Pabulong na tanong ko kay Faith.
"This is an invisibility cloth. I wonder where did they get this" bulong din niya na binaliwala ang tanong ko. Tinutukoy niya ay ang telang naka taklob samin ngayon.
"Di din ba nila naririnig boses natin?" Tanong ko. Napatingin ako sa baril na hawak niya nung ikasa niya yun.
"I don't know. There's a possibility na marinig nila tayo, so tone down your voice" sabi niya.
"Where are you going?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya.
"Kailangan natin silang tulungan" sagot niya.
"No we cant. Baka anong mangyari satin" sabi ko din.
"Jeyra, not all the time lagi nalang tayo ang ililigtas nila. We are a gang! Every member should know how to fight on his/her own. Lagi nalang nila tayong nililigtas. We are trained to defend ourselves. And to help the other members." sabi niya na parang kinukumbinsi ako.
May tumulong luha sa isang mata ko. Tama siya, lagi nalang takot ang pina- pairal ko. I am being selfish. Lagi nalang sarili ko ang naiisip ko. Dapat matoto din akong lumaban para sa kanila. Because we are SORORITY.
"But I am scared" sabi ko at humawak ng mahigpit sa baril ko.
"Wala ng oras para matakot. Nasa panganib tayong lahat. Kaya kailangan natin lumaban" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Napapikit ako at tumango tango. Kailangan kong tanggapin na isa akong gangster. Ang gangster ay laging nasa piligro ang buhay.
"Let's do it" sabi ko at lumunok.
Ngumiti siya sakin at sumilip sa labas. Nakisilip din ako at nakita ang paghihirap ni DeanMark. Bugbog sarado na siya pero nagagawa niya pa ring ngumiti. Siraulo talaga yun.
"Where's Rex?" Takang tanong ko.
"Such a genius bastard" nakangising sabi ni Faith habang nakatingin sa kung saan.
Paglingon ko ulit kina DeanMark may hawak na siyang baril ngayon at nakatutok sa isang lalaki.
"Teka anong nangyari?" Takang tanong ko.
"Cool" pag deadma niya na naman sa tanong ko -___-
Nanlaki ang mata ko ng mag- pa putok si Faith. Wala man lang warning. Grabe talaga tong babaeng toh.
Nagkagulo bigla sa labas kaya nanlamig ulit ako. I can't see Rex anywhere. Where is he?
"MAY TAO PA SA LOOB NG SASAKYAN. PASABUGIN NIYO!" sigaw ng isa sa kanila.
"Tara dali lumabas na tayo!" Sabi ko at binuksan ang kabilang pinto.
Ng maka baba ako hinila ko na yung damit ni Faith. Parang tuwang tuwa kasi siyang mag pa putok ng baril na yun.
"Ang gaganda niyo pa naman" sabi ng kung sino at nagpaputok ng baril.
Bigla naman may humila sakin. Ako pala yung puntirya ng hinayupak na yun.
"I know" sabi ni Faith at pinukpok yung ulo ng lalakeng yun.
Napatingin naman ako sa taong nasa tabi ko ngayon at hawak ang braso ko.
"Muntikan ka na dun ah" nakangising sabi ni Rex.
"Paanong di ka kasama ni Dean kanina dun?" Tanong ko.
"Syempre gwapo ako eh" sabi niya at hinila na ako.
Nakita ko naman na binuksan ni Faith yung sa may driver sit kung nasaan si Adrian at hinila siya palabas.
"ADRIAN! POTANGINA KA!" Sigaw ni Faith at pinagsa- sampal si Adrian.
"Ano ba Jeyra! Bilisan mo naman tumakbo" sabi sakin ni Rex kaya napatingala ako sa kanya.
Ang tangkad niya kaya. Eh ako tong di pinalad sa height. Buti pa nga si Faith matangkad eh.
"Pano sila Faith?" Sabi ko.
"Kaya na nila ang mga sarili nila. We need to get a car for us to escape. It's too dangerous" sabi niya at kinindatan ako.
Bwesit tong sleppyhead na toh! Di ko mawari kung anong utak meron siya eh. Nagawa pang magpa- cute sa gitna ng barilan.
"Waaaaaahh omg" tili ko at ilinagay sa ulo ko yung kamay ko saka naka yukong tumakbo.
Patago tago kami ni Rex sa mga pwede naming pag taguan. Pinapa- ulanan ba naman kami ng bala ng mga klaban. Naka takong pa naman ako ngayon. Wrong timing pala bwesit.
"Ikasa mo na yan!" Sabi ni Rex na tinutukoy ay ang baril ko.
Ikinasa ko yun at tumayo saka nagpaputok.
"Wala naman akong natamaan eh" nakangiwing sabi ko.
Napa face palm nalang siya. Hinila niya na naman ako kaya heto na naman kami sa takbo challenge namin.
Binitawan niya yung braso ko at pinulot yung baril ng isang lalaking naka handusay. Ako naman nagpatuloy sa pagtakbo at lumapit sa isang Van na itim.
"Oh kuya! Normal citizen lang ako" sabi ko ng nakataas ang kamay.
Pagbukas ko kasi ng pinto sa driver seat ng Van may kalaban pala -__-
"Patay" namatay yung lalaki
Napalingon ako sa likod ko at nandun si Rex na nakangisi na naman sakin. Tinarayan ko siya at hinila palabas yung walang malay na lalaki. Pumasok ako sa loob at nag soot ng seatbelt. Ayokong matulad kay Adrian noh!
***************
Please vote and commentWritten by; Peach_Daday
Follow me please

YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Teen FictionA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...