REX's Point of View
Nakita ko si Faith na naglalakad sa may field. Pero napansin kong parang nakatulala siya. Kahapon din bigla nalang siyang umuwi. Nandito ako sa may cottage dito sa may field. Public cottage lang ito. Available sa kahit sinong estudyante ng VU.
Dito kasi kami magkikita ni Jeyra. Sabi ni Dean samahan ko lang daw muna si Jeyra since bago pa lang siya dito. Madaming cottage dito sa part na ito kumpara dun sa tambayan lang namin.
"Ang pogi niya talaga"
"Pigilan niyo ako baka ma rape ko siya"
"Ang landi mo"
"Rex ang hot mo"
Napalingon ako sa mga nag uusap. Bigla silang nag iwas ng tingin. Pero maya maya nag tilian sila. Napakamot nalang ako sa batok ko. Halatang halata kasi na ako yung pinag u-usapan nila.
Lumingon ako sa direksyon ni Faith. Ang bagal bagal niya maglakad. Napalabas agad ako ng cottage nung makita ko yung bola ng soccer na papunta sa direksyon niya.
"SHIT!!! FAAAAAITH" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.
Rinig na rinig yung impact nung bola nung tumama yun sa kanya. Natumba siya at agad na nawalan ng malay. Isinandal ko siya sakin at bahagyang pina upo.
"Faith! Huy! Gumising ka nga ano ba!" Sabi ko habang niyu- yugyog siya.
"Ok lang ba siya?" Tanong nung lalaking nakatama sa kanya.
"MUKHA BA SIYANG OK?" Sigaw ko sa kanya.
Andami na ding tao na naka paligid samin.
"Di ko naman sinasadya. Nakaharang kasi siya eh" sagot niya.
Ibinaba ko si Faith sa lupa at tumayo. Kinuwelyuhan ko yung gagong lalake na nakatama kay Faith. Madaming napa singhap sa ginawa ko. Andami na palang nakiki- usyuso sa nangyari.
"REX" sigaw ng kung sino nung sinapak ko yung lalake.
"NAKAHARANG? DI SINASADYA? GAGO KA PALA EH! WALANG KA BANG MATA? NASA KABILA YUNG POTANGINANG NET EH" sigaw ko sakanya.
Di ko na namalayan na halos wala na palang malay yung lalake. Madaming suntok na pala yung pinakawalan sa kanya.
"REX ANO BA?!" Bigla nalang may humila sakin
She pinned me on the ground at pumatong siya sakin. Naka kunot yung noo niya na halatang na iirita. Andaming nanonood na estudyante sa nangyayari ngayon.
"WTF! Anong ginagawa mo? Let me go" sabi ko sakanya. Di kami close ng babaeng toh kaya medyo naiilang ako.
"Not unless kumalma ka" sabi niya.
"HINDI PAPARUSAHAN KO PA YUNG HAYOP NA YAN------" ako
*TSUP*
1
2
3
4
5
6"Aray ang sakit" rinig kong daing ni Faith. Dun lang siya umalis sa pag-kaka patong sakin.
Lumapit siya kay Faith habang ako nasa state of shock pa rin.
Tangina hinalikan ako ni Jeyra.
"Faith, ok ka lang?" Tanong ni Jeyra sa kanya.
"FAITH! OK KA LANG?" sabi ni Niel na kakarating lang.
"Hala Sino yung girl?"
"Ang landi niya naman"
"Transferee ata yan"
"Omg si Niel oh"
"Inaasahan ko sa mga ganitong pangyayari sa clinic ko makikitang nakahiga ang sarili ko." Sarcastic na sabi ni Faith. Nakahawak siya sa ulo niya at napadaing.
Lumapit na ako sa kanila. May kumuha na din dun sa lalaking nabugbog ko.
"Dalhin na natin siya sa clinic" sabi ni Niel at hinawakan sa braso si Faith.
"Don't touch me" sabi niya at itinulak si Niel.
"Niel, please iwan mo na muna kami. Mukhan ayaw ka niyang kasama ngayon" sabi ko.
Nag- aalangan pa siyang umalis nung una pero wala naman kasi siyang magagawa.
"Ok ka lang? Dalhin ka namin sa clinic" sabi ko at inalalayan siyang tumayo
"Im fine" sabi niya at nag umpisang mag lakad.
Kami naman ni Jeyra ito naka sunod lang sa kanya. Halatang galit na galit siya ngayon eh. Ikaw ba naman kasi matamaan ng bola
"Namumula yung kabila mong pisnge" sabi ni Jeyra.
"I said Im f-----" faith
Bigla nalang ulit siyang nahimatay. Buti nalang nasalo siya ni Jeyra.
"Dalhin na natin siya sa clinic" sabi ni Jeyra na hindi makatingin ng deretso sa mata ko.
Binuhat ko si Faith at takbo lakad yung ginawa namin para makarating agad kami sa clinic.
(*******)
"ASAN NA YUNG GAGONG YUN?! PAPATAYIN KO SIYA PIGILAN NIYO AKO" pagwawala ni Adrian dito sa clinic.
Sa clinic may 3 rooms pa para sa mga studyante na ipinapasok dito. Bahagya akong natawa nung sinampal ni Jeyra si Adrian.
"Ang OA mo. Tapos na, tsaka wala namang pumipigil sayo" sabi ni Jeyra habang kumakain ng Chips.
Si Adrian naman nakabusangot na bumalik sa upuan niya. Bumukas yung pintoan ng room at pumasok yung nurse.
"Ahh k-kasi" nag aalangang sabi niya at medyo sumusulyap sulyap sakin.
"BAKIT?" Mataray na sabi ni Jeyra.
"Maya-maya magigising na din siya. Di pa siya kumain kahit isang besses ngayong araw kaya nag colapse siya. Yung sa tumama naman na bola, mamaya may ibibigay akong cream para mawala yung pamumula at unting pasa" tuloy tuloy niyang sabi habang pasulyap sulyap sakin. Nginitian ko nalang siya.
May mali ba sa mukha ko? Di naman ako nasuntok kanina kaya imposibleng may pasa ako.
"SIGE PWEDE KANANG UMALIS" sigaw ni Jeyra dun sa Nurse.
Nung naka alis na yung Nurse napatingin ako kay Jeyra. Tinarayan niya nalang ako bigla.
Ano bang problema ng mga tao sakin?
(******)
Please Vote, Share and Comment.
Written by; Peach_Daday

YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Novela JuvenilA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...