Dean Mark's Point of View
"ANO YANG SOOT MO?" pasigaw na tanong ko kay Faith na kakababa lang.
Mukhang nagulat naman siya sa pag sigaw ko.
"Damit?" pabalang na sagot niya.
"Wala pa bang mas ma-ikli dun sa mga damit mo?!" Sabi ni Adrian gamit ang sarcastic na tono.
"Meron" alanganing sagot ni Faith. Nagtataka ata siya sa mga sinasabi namin ngayon.
"Alam mo ba kung anong hitsura mo ngayon?" Sabi naman ni Rex.
Napa- facepalm kaming tatlo nina Rex at Adrian ng bumaba si Jeyra na ganon din ang soot.
"KAYONG DALAWA! GO CHANGE YOUR CLOTHES" galit na sigaw sa kanila ni Eimerson.
Di ko naman siya masisisi. Pinsan niya si Jeyra at may past sila ni Faith. Puro pa naman kami lalake na nandito. Hindi sa may gagawin kami sa kanila ah! Sadyang revealing lang talaga yung mga damit nila.
Nalaman ko lang din na merong past sina Faith nung nadulas si Adrian na sabihin samin. Sa sobrang daldal kasi ng isang yan di niya na minsan napipigilan yung bibig niya sa kakasabi ng kung ano ano. Pero atleast sa kadaldalan niya may nalaman kaming impormasyon ni Faith. Hindi pa namin kasi ganon ka kilala si Faith. Ang tagal na namin siyang kasama pero di pa kami nakaka kalap ng kahit kalahating impormasyon ng pagkatao niya. Masyadong secure ang informations niya.
"Anong meron?" Inosenteng tanong ni Jeyra.
"Yung mas maikli?" Tanong naman ni Faith na di pinansin yung tanong ni Jeyra.
"Yung matinong damit, utang na loob" sabi ni Adrian.
"Teka, bakit?" Takang tanong ni Jeyra at kumapit sa braso ni Faith.
Naka shorts kasi sila ngayon. At talagang shorts kasi ang ikli. Tapos si Jeyra naka fitted T-shirt. Si faith naman naka high waist sando, yung tipong unting galaw niya lang nakikita yung tyan niya kasi ang bilis umangat nun.
"Magpalit na kayo dun" sabi ko sa kanila.
Umakyat naman ulit sila na parang naiirita. Bakit ba kasi ganon ang mga damit ng babae eh.
"Matutulog ang mga yun mamaya diba? Ganon na ba ang pangtulog ngayon?" Sabi ni Rex na naka kunot pa rin ang noo.
"Ok, let's proceed" pang agaw ni Eimerson sa atensyon namin.
"Ok, ang pangalan ng gang nila ay Lightning Phoenix. Si Jenard ang leader at sa kasalukuyan nasa Rank 4 na ang grupo nila. O kaya sabihin na natin na malapit ng maging Elite." sabi ni Rex
"Madumi daw sila lumaban. Tatay ni Jenard ang isa sa leaders ng Underworld. Pangatlo din sa pinaka- mataas ang tatay niya sa lahat ng mafia boss all over the country" sabi ko naman.
"We can defeat them. But we need to secure everyones safety, especially Jeyra and Faith" sabi ni Eimerson.
"Ex ko yun eh" rinig kong sabi ni Faith na pababa ng hagdan.
Napatingin naman kaming lahat sa kanila ni Jeyra na nag uusap habang pababa. Ang bilis nila mag bihis ha.
"Weh? Halaaaa crush ko pa naman yun" pagmamaktol ni Jeyra
"Ano naman, edi jowa in mo" nakangising sabi ni Faith.
"Iiiiiihhh di ako tumatalo eh" sabi ni Jeyra na nakabusangot na ngayon.
Naka pajama na ngayon si Jeyra at yung T-shirt niya pa rin kanina. Si Faith naman naka jogging pants at long sleeve na.
"Bilisan niyo, may pag uusapan tayo" kunot noong sabi ni Rex
Napangisi nalang ako dahil halatang nag seselos siya. Inamin niya kasi samin na may gusto siya kay Jeyra. Nasapak pa nga siya ni Eimerson nun eh. Sabi niya din na biglaan lang daw nung naramdaman niya yun. Nung hinalikan daw kasi siya ni Jeyra iba na yung nararamdaman niya tuwing nandyan siya.
"Huy! Tulaley ka?" Sabi ni Jeyra at sumandal sakin.
Mukhang inaantok na siya. Napatingin ako kay Rex na sobrang sama ng tingin sakin ngayon. Napalingon naman ako sa kaliwang braso ko ng bumigat yun. Nakasandal na din dun si Faith. Parang pinapatay na ako ni Eimerson at Rex ngayon dahil sa mga tingin nila.
Alangan naman pa alisin ko ang dalawang toh, mukhang komportable kaya sila. Nakangising aso naman sakin si Adrian. Alam niya kasi kung anong mangyayari sakin pag tapos neto.
"Mag discuss kana, may quiz rin ba tayo?" Tanong ni Faith kaya sinamaan siya ng tingin ni Adrian.
"Lalaban na kayong dalawa sa next fight. Kasama na namin kayong lalaban" sabi ni Adrian.
Napabangon naman si Jeyra na tuwang tuwa habang si Faith parang wala lang. Bumalik din naman agad sa pwesto niya si Jeyra at nanahimik.
"Wag kang mag diwang. May masamang kutob ako kung bakit biglaan" sabi ni Adrian.
"Why? Is everything alright?" Tanong ni Faith.
"Oo, kung mananalo tayo" Sabi naman ni Rex
"Kailangan niyo ng mas ma- ayos na training. Kasi paniguradong kahit saan tayo mapunta susundan tayo ng grupo ni Jenard. Lalo na at naka engkwentro natin sila" sabi ko ng di tumitingin sa mga mata ni Eimerson at Rex.
"Jenard's father is a powerful Mafia boss. Kaya di tayo pwedeng matalo ng grupo nila" sabi ni Adrian.
"Bakit? Gang ba ni Jenard ang makakalaban natin?" Tanong ni Faith na pinaglalaruan ang buhok niya ngayon.
"Yes"
************
Please Vote and Comment.Written by; Peach_Daday

YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Teen FictionA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...