Chapter 11

3 2 0
                                        

FAITH's Point of View

"Akala namin di na kayo babalik. Ang tagal niyo eh" sabi ni Adrian at kinuha yung Juice na dapat ay para sakin.

Tahimik lang na umiinom ng Juice niya si Jeyra. Kinuha ko na lang yung burger ko kasi baka madagit pa. Kinuha naman ni Rex yung isang Ice cream.

"Asan si DeanMark?" Tanong ko. Pinanliitan naman agad ako ng mata ni Adrian kaya inirapan ko siya.

Ang dumi talaga ng utak neto. Kelan niya kaya balak linisin yan?

"Andun, bumalik sa office DAW nila. Alam mo na Presidente" sagot niya din ng di katagalan.

"Bakit nga pala siya lang ang President ng school? Diba dapat may President din ang High School" tanong ko.

"Magkaka gulo kasi pag dalawa na ang presidente" maikling sagot ni Rex, na di ko naman na gets.

Di na ako nag tanong pa kasi wala naman akong mapapala dun. Napansin ko netong mga nagdaang weeks naging close kaming grupo sa isa't isa. Mawala lang ang isa hina- hanap na agad. Si Eimerson? Ayun sa trabaho niya. CEO kasi ng company yun eh.

"FAITH" - Adrian

"AY CEO" gulat na sigaw ko.

"Anong CEO ha?" Tanong niya ng nanliliit na naman ang mata. Tutusukin ko mata neto mamaya eh.

"Wala, ano ba yun? Bat nangugulat ka?" Tanong ko para maiwasan yung topic na yun.

"Kasi hihingi sana ako ng burger" sabi niya at inagaw sakin yung burger ko.

Ibinalik niya naman sakin yung juice ko na nangangalahati na. Ang kapal talaga ng mukha ng hinayupak na toh!

"Jeyra pa- inom ako" sabi ni Rex

"Eh! Ayoko nga favorite ko toh eh. Tsaka may laway ko na toh" sabi ni Jeyra at inilayo yung Juice niya.

"Tsk, dali na. Ang arte neto! Nag kiss na nga tayo eh. Ikaw pa nga nanghalik, remember?" Nakangising sabi ni Rex at inagaw sa natulalang si Jeyra yung Juice.

"Ayiiiee" kinikilig na sabi ko. Parang ako pa nga yung namula eh.

"Ayiee ayiee ka jan! Pina- pauwi ka ng tita mo. Dumating daw yung bruhong pinsan mo" sabi ni Adrian na ngumunguya ngayon at hawak ang cellphone niya.

Napatalon naman agad ako sa tuwa. Andito na si Kuya George. Ganyan kami ka close nila Adrian at Rex. Sa kanila na kumo- contact ang Tita ko imbis na sa akin. Sabagay di kasi ako nagdadala ng cp.

"Jeyra tara ipapakilala kita sa kanya" sabi ko at hinila si Jeyra para tumakbo.

"Teka lang baka may chocolates siyang dala, sama kami" sigaw ni Adrian na hinila din si Rex para habulin kami.

Lagi kaming nag- aaway ni Adrian dahil sa chocolates kapag umuuwi si Kuya dito sa Pilipinas. Kaya sobrang bilis ng takbo ko ngayon para lang di nila kami abutan. Nakalimutan ko nga din na hila hila ko pala si Jeyra. Kakakain lang din pala namin -__-

"Teka lang, mamatay na ako sa pagod" sabi ni Jeyra at umupo sa bench sa may madilim na parte netong eskinita. Mas mabilis kasi kaming makakarating sa bahay pag dito kami dumaan.

Wala kaming dalang sasakyan kasi sinundo lang kami kanina ni DeanMark. Di ko namalayan na medyo malayo layo na pala ang natakbo namin mula sa school. Kaya pala grabe nalang ang pagod namin ni Jeyra.

Nagulat ako ng may mag takip ng panyo sa ilong ko. Sanay na ako sa mga ganitong pangyayari kaya hindi ako huminga at siniko sa tagiliran ang taong nasa likod ko. Nakawala ako mula sa kanya kaya sinapak ko siya agad. Sinipa ko din siya sa tagiliran na naging dahilan ng pagbagsak niya sa lupa. Tinutukan niya ako ng baril. Mayamaya pinaputokan niya ako. Buti nalang naka ilag ako ng iputok niya yun.

Dinampot ko yung panyo at itinakip sa ilong niya. Di nagtagal nawalan din siya ng malay. Base sa uniform niya taga Veoli University siya. Liningon ko sa inuupuan niya si Jeyra kanina at nakita siyang hawak hawak ng dalawang lalaki. Di man lang siya nagtangkang manlaban dahil sa baril na nakatutok sa ulo niya.

"Jeyra" mahinang banggit ko sa panglan niya.

Kumukulimlim na ang langit halatang uulan.  Di nga ako nagkamali dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Walang natinag samin para sumilong man lang.

Maya maya pa naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod. Naramdaman ko ding hinahalik halikan niya ang leeg ko. Who the fuck is this guy?

"Let me go you bastard" sabi ko na di makagalaw sa kinatatayuan ko.

Napansin ko din na madami na sila ngayon. Nakikita ko din ang takot sa mata ni Jeyra dahil sa pag haplos haplos sa binti niya nung isang lalaki.

"Why would I?" Tanong niya at ipinasok sa loob ng blouse ko yung kamay niya.

Basang basa na kami sa ulan. Tanging ang mainit niya na lang na palad ang nararamdaman ko sa may bandang tiyan ko.

"WHO THE HELL ARE YOU?"  Pasigaw kong tanong sa kanya.

Kinikilabutan ako sa kamay niyang hinahaplos haplos ang tiyan ko. Pinukpok nila yung ulo ni Jeyra na naging dahilan kaya nawalan siya ng malay.

Im gonna kill them I swear.

"Im your biggest Nightmare, my love" sabi niya at ihinarap ako sa kanya.

Nakikita ko na ng maayos ang mukha niya ngayon. Siya yung lalake sa cafeteria kanina. Tangina ng batang toh! Ang lakas ng loob.

"Biggest Nightmare Your Ass" sabi ko sa kanya at dinuraan siya sa mukha.

"Wanna taste my ass?" Sabi niya at idinikit ang katawan niya sakin.

Naku kung hindi ko lang kasama ngayon si Jeyra malamang kanina pa sila tumba lahat. Baka kasi anong gawin nila kay Jeyra eh.

"What do you want?" Tiim bagang kong sabi.

"Have fun with me Ms. Yro"

**************

Please Vote and Comment.

Written by; Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now