Chapter 26

3 3 0
                                        

Eimerson's Point of View

****Continuation of flashback***

Ang sakit makita na ang babaeng mahal ko ay kasama ng iba't ibang lalake. Last week ibang lalake yung ka-date niya ngayon iba na naman.

Lagi akong naka sunod sa kanya. Lagi ko siyang minaman manan. Wala siyang ka alam alam na nasa paligid niya lang ako.

Mahirap mag timpi na lapitan siya at itali nalang sakin para di makawala.

Until one day, nalaman ko na pumupunta siya ng palihim sa Underworld. Lumalaban siya ng mag-isa. Lumalaban siya sa mga gang kapalit ng mga impormasyon na kailangan niya. That's why I talk to Dean Mark.

Hindi kami mag kaibigan ni DeanMark pero minsan ko na siyang nakalaban. Natalo ko siya noon pero wala akong hininging kapalit. Kaya inutusan ko siyang bumuo ng grupo na dapat at maging myembro si Faith.

Di ko inasahang magiging myembro ang pinsan kong si Jeyra. Pero nalaman ko ang motibo niya. Naging myembro din ng grupo namin ang dalawang tao na malaki ang pangalan sa Under World.

Adrian and Rex, they are known to be the most unique gangsters. Malinis silang lumaban na nagiging dahilan kaya mabilis nilang naitutumba ang kalaban.


****End of Flashback***

Faith's Point of View

"Faith?! Ang tagal mo na diyan" sabi ni Eimerson mula sa labas ng CR

"Oo, lalabas na" sagot ko din at naghilamos na.

Humarap ako sa salamin at tiningnan ang mukha ko. Namamaga ang mata ko. Paniguradong kahit anong hilamos ang gawin ko ay mahahalata pa din siya.

Napalingon ako sa pinto ng CR ng mag click yun at bumukas. Pumasok dun si Eimerson na naka kunot ang noo.

"Diba sabi ko lalabas na ako?" Sabi ko at humarap ulit sa salamin.

"Bakit ka umiyak?!" naka kunot pa rin ang noong tanong niya.

"Wala toh, kinagat lang ng ipis"

"That cockroach must be rewarded. Talagang pinag pantay niya yung mata mo" sarcastic na sagot niya.

Humarap na ako sa kanya at akmang lalabas na hialahin niya ako para yakapin.

"Bakit?" Takang tanong ko

"Is this about Rose?" tanong niya.

"What about her?" balik tanong ko.

"Nagseselos ka ba?" Tanong niya ulit

Hala sige mag tanongan nalang tayo

"Hindi" deretsong sagot ko.

"Bella is my adopted daughter" sabi niya.

Tumango tango lang ako at tinapik siya sa likod.

"Bella's father is nowhere to find. Matagal na ding patay si Rose" sabi niya at mas yinakap ako ng mahigpit.

"NOOO! MOMMY GUSTO KO" sigaw na isang maliit na boses.

Lumabas agad kami ni Eimerson sa CR at nakita ang batang nakikipag hilahan kay Tita Ema.

"Bella? Di ka naba na sunod sa Mamo mo?" Tanong ni Eimerson at binuhat ang bata.

Kunot noo lang siya netong tiningnan. Natawa ako at napatakip ng bibig ng sampalin ni Bella sa Eimerson. Gulat gulat naman ang Eimerson sa ginawa ng bata.

Iinabot ni Bella ang maliliit niyang kamay papunta sakin. Gusto niyang buhatin ko siya. Ang ganda ganda ng batang toh. Sabagay maganda ang nanay niya eh.

"Mommy" sabi niya at patuloy pa ring inaabot sakin ang kamay niya.

Kinuha ko siya mula kay Eimerson at kinarga. Napangiti ako ng sumandal siya sa dibdib ko at nanahimik.

"Gusto ka talaga niya" sabi ni Tita at lumapit sakin.

Hinimas himas niya ang ulo ni Bella na nanahimik ngayon.

"Ma, kailangan na naming bumalik" sabi ni Eimerson.

"Di ba muna kayo kakain?" Tanong ni Tita at sakin naka tingin.

"Ahh, kumain na po kami bago pumunta dito" sagot ko.

"Bella, tara na kay Mamo. Aalis na sila Daddy eh" mahinahong sabi ni Tita at tinry kunin sakin si Bella.

Pero lalo lang kumapit sakin si Bella. Sa damit ko nga siya naka hawak eh.

"Sama ako mommy" sabi ni Bella.

"Baby hindi pwede, may gagawin yan sila eh" sabi ni Tita na parang nagmamaka awa ka kay Bella.

"No!" sabi ni Bella at isiniksik sa leeg ko yung mukha niya.

"Hayaan mo na tita. Isasama nalang muna namin siya" sabi ko.

"Sigurado ka? Makulit yan" sabi ni Tita

"Okay lang po" sabi ko at sinenyasan si Eimerson para umalis na.

Inalalayan naman ako ni Eimerson habang pababa ng hagdan. Si Bella tahimik lang na nagpapa karga sakin. Sabi nila makulit? Si tita naman nag pa iwan nalang sa library.

Naramdaman kong nag vibrate yung cp ko kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Eimerson.

"Yung cp ko kasi eh, may nag text ata." Sabi ko at alanganing tiningnan siya.

"Asan ba?" Tanong niya.

Tumalikod ako sa kanya para ipakita yung cp ko sa bulsa ng jeans ko sa may pwetan. Kinuha niya yun at medyo pinisil yung pwet ko.

"Bastos!" Sabi ko at sinipa siya na tumawa lang.

"Daddy bastos?" Inosenteng tanong ni Bella sa akin.

Ang lalaki ng mata niya at bilog na bilog. Ang cute cute niya tuloy tingnan.

"Ay, hindi. Mabait si Daddy mo" sabi ko at nagpilit ng ngiti.

Tawa naman ng tawa yung mokong dito sa gilid.

"Che! Mabilaukan ka sana" sabi ko at nauna sa sasakyan niya.

Tiningnan ko din yung message na galing kay Jeyra.

From: Babe

Pinapatawag tayo sa school. ASAP daw

Ano na naman kaya problema ng school na yun samin -___-

Umupo ako sa tabi ni Eimerson nung pumasok na siya sa kotse. Pinaupo ko din si Bella sa lap ko.

"Fuck, ang sarap niyong tingnan na dalawa" sabi ni Eimerson ng nakangiti at pina andar na yung sadakyan.

******************
Please vote and comment

Written by; Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now