Chapter 22

2 3 0
                                        

Eimerson's Point Of View.

"WAAAAHHH HUHUHU TAMA NA" iyak ni Faith at inilayo sakin yung binti niya.

Para siyang bata na tuwing lalapit ang kamay ko sa kanya ay itutulak niya palayo. Pffft pinagdadamot niya yung binti niya.

"Dali na, baka mag peklat yan sige ka" sabi ko at hinawakan yung braso niya.

Kaso nagpupumiglas siya. Iyak pa din siya ng iyak.

"Ayoko na nga eh" sabi niya na tuloy tuloy ang pag landas ng luha sa pisnge niya.

"Unti nalang oh, sige na para matapos na" sabi ko.

Minsan na din akong nalagyan ng ganitong uri ng cream. And I admit it hurts like hell. Sobrang hapdi na parang sinusunog ang laman mo sa loob.

"Oh ayan! Ang saya mo eh noh? Ang saya mo pag nasasaktan mo ako" sabi niya na nagpatigil sakin.

Seryoso ko siyang tiningnan na humihikbi pa rin ngayon. Ano bang gusto niyang palabasin?

"We already talk about this right?" Naka kunot ang noong tanong ko sa kanya.

"Ewan" sabi niya na nakatingin sa ibang direksyon.

"Faith? Look at me" sabi ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisnge niya.

Pero dahil wais tong babaeng ito, sa iba pa rin siya nakatingin kahit na hawak ko ang pisnge niya.

"Meron pa ba akong ibang kasalan sayo?!" Seryosong tanong ko.

Napalunok ako ng tingnan niya ako sa mata. Seryoso na ang mukha niya ngayon. Damn! This girl is making me nervous.

"Oh! Di mo alam?" Sarcastic na sabi niya at marahas na tinanggal ang kamay kong nakahawak sa pisnge niya.

Iika pa siyang naglakad. Napansin niyang sumunod ako sa kanya kaya mas binilisan niya yunh lakad niya.

"Ayos ah, mukha kang na ano. Alam mo na" sabi ni Rex kaya tinulak siya ng malakas ni Faith.

"Fuck you!" Sigaw sa kanya ni Faith.

Napahinto ako ng yakapin siya ni Rex. Tawa pa ng tawa si Rex habang yakap yakap siya. Para akong na estatwa sa eksenang nakikita ko.

It's breaking me into pieces

"Sorry na" sabi ni Rex at inakbayan si Faith saka sila nagpatuloy sa paglalakad.

"Lagi mo na akong inaaway netong mga nakaraang araw." Naka pout na sabi ni Faith.

++++++++++++++++++++++++

Faith's Point of View

Nagtatawanan kami ni Rex ng bigla akong umangat sa lupa.

"Oh, Eimerson?" Gulat na sabi ni Rex ng makita si Eimerson.

Buhat buhat ako ng Eimerson ngayon ng pa- bridal style.

"Put. Me. Down." May diin sa bawat salitang sabi ko.

"Akin na muna siya. Ay mali akin pala talaga siya" sabi ni Eimerson at naglakad na pa -akyat ng hagdanan.

Nanlaki ang mata ko ng pumasok kami sa kwarto niya at ni-lock niya yung pinto.

"Wait,what are we doing here?" Kinakabahang tanong ko.

Ilinapag niya ako sa kama at pumatong siya sakin. Lalong kumabog yung dibdib ko sa kaba.

"Para ayusin ang dapat ay matagal ng na ayos" sabi niya at mas ilinapit sa mukha ko yung mukha niya.

"Ahh" kinakabahang sabi ko.

Bigla siyang nagnakaw ng smack sakin at umupo ng maayos sa kama. Napa- upo din ako at tiningnan siya ng masama. Ang laki laki ng ngiti ng mokong ngayon.

"Im going out" sabi ko at tumakbo papunta sa pinto.

Kaso nauna siya sa may pinto. Nasa mukha niya pa rin yung nakaka inis niyang ngiti.

Nakakainis daw, duh diyan ka kaya na fall

Kita mo na? Pati konsensya ko bwesit na rin. Hinila niya ako at ako na ang nakasandal sa pinto ngayon. Nasa magkabilang gilid ko din yung mga kamay niya.

"Isa pa kaya" sabi niya.

Hahalikan na naman sana ako ng talipandas kaya tinakpan ko yung bunganga niya. Napangiwi ako ng halikan niya yung kamay ko.

"Let me go out. Please" sabi ko sa kanya.

"Sorry" nakangiting sabi niya.

Ano ba! Ang pogi mo eh noh?

"For what?" Seryosong sabi ko.

Niyakap niya na lang ako bigla kaya nagulat ako. Lagi na lang akong nagugulat baka atakehin na ako sa puso neto.

"Para sa lahat ng kasalanan ko sayo" sagot niya at hinalikan ang buhok ko.

"Ok, just please let me go out" sabi ko.

"Not unless you'll let me court you again" sabi niya na nagpatigil sa akin.

"What?" halos walang boses kong sabi.

"No, whether you like it or not. Im now courting you" sabi niya

"Are you crazy?!" Singhal ko sa kanya at pinilit na itulak siya kaso mas humigpit yung yakap niya sakin.

"Maybe?" Sagot niya.

"EIMERSON!" gigil na sigaw ko sa pangalan niya.

"Yes?" Malambing niyang tanong.

"Ginagago mo ba ako?!" Sabi ko at sinikmuraan siya.

"Oww shit! What was that for?" Sabi niya na naka hawak sa sikmura niya ngayon.

"Para sa kabaliwan mo" sabi ko at tuluyan ng lumabas sa kwarto niya.

Kung di ako lumabas dun baka bumigay na ang lola niyo. Ang pogi kaya ng nilalang na yun.

*********************

Please Vote and Comment.

Written by; Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now