FAITH's Point of View
Maaga akong nagising kaya dumeretso ako dito sa Headquarters namin. Di mo aakalaing HQ ng isang gang, kasi simpleng two storey house lang siya eh. 2months na din kaming pabalik balik dito.
"Faith?" tawag sakin ni Adrian pag- pasok ko sa loob.
"Adrian, what are you doing here?" I asked him.
"Nandito ako tuwing umaga------" Naputol yung sasabihin niya nung may pumasok ulit sa pinto.
"AKIN NA KASI YAN. BWESIT NAMAN EH" sigaw ni Jeyra habang hinahabol si DeanMark.
"Ayaw mo kasi mamigay. Akin na toh" sabi ni DeanMark at umakyat sa hagdan.
Nag- stay lang siya dun sa hagdanan habang kumakain ng chocolates. Lakas ng topak ng mga tao ngayon ah.
"ANG INGAY NIYO" sigaw naman ng kung sino mula sala.
Napalingon naman kami dun at nandun si Rex na mukhang kagigising lang pero naka uniform naman na siya.
"What the hell are you all doing here?!" sabi naman ng kung sino sa taas.
"Pwede naman kami dito diba?" sarcastic na sabi ko.
Sa mga buwan na madalas kaming magkaka-sama, medyo okay na ang treatment ko kay Eimerson.
"Fine" sabi niya at bumaba.
Dumeretso siya sa kusina na sinundan naman ni Rex. Kaming apat naman pumunta ng sala. Nakita ko pa kung pano pingutin ni Jeyra yung tenga ni Dean nung nagka lapit sila.
"Namiss kita" sabi ni Adrian.
"Luh, magkakasama naman tayo kagabi ah" sabi ko sa kanya.
"Di na kasi ako updated sa buhay mo eh" sabi niya.
"Sus" sabi ko at sinundot yung tagiliran niya. Napangiti naman siya dahil dun.
"Tulungan niyo daw mag luto si Eimerson" sabi ni Rex habang nagpapapak ng milo.
Milo? O__o
"Di ako marunong mag luto" -Dean
"Me too" - Jeyra
"Me three" Adrian
Sabay sabay naman silang napatingin sakin.
"Bwesit" sabi ko at tuamayo
Nagtawanan sila kaya tinarayan ko sila. Happy sila eh noh?
Sabay kaming pumunta ni Rex sa kusina. Naramdaman kong inakbayan niya ako kaya napalingon ako sa kanya.
"Faith" sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko at ilinagay yung kamay ko sa bewang niya.
"Gusto ko ng Ham. Ipagluto mo ako huh" sabi niya sakto naman nakapasok kami ng kusina.
"Ubos na yung Ham" sabi ni Eimerson.
"Tocino nalang" sabi ni Rex na naka akbay pa rin sakin.
"Ubos na din" sabi ni Eimerson at tinarayan ako.
Luh?? O_o
"Kahit ano na lang" sabi ni Rex at lumabas na ng kusina.
"Ano bang lulutuin? Bakit kailangan mo pa ng tulong?" Tanong ko.
"Wala, sige makipag akbayan ka nalang dun kay Rex" sabi niya habang naghihiwa ng kamatis.
Nanlaki yung mata ko nung nahiwa siya. Agad akong lumapit sa kanya at tinanggal sa kamay niya yung kutsilyo.
Dadabog dabog pa kasi habang naghihiwa. Duh kutsilyo kaya hawak niya.
"Hugasan natin yang sugat mo" sabi ko at hinila siya.
May naalala tuloy ako.
**FLASHBACK**
Four years ago"Di ka kasi nag iingat eh" sermon ko sa kanya.
Nahiwa kasi yung kamay niya nung nag hihiwa siya ng gulay.
"Sorry na, gusto lang naman kitang ipag luto ng almusal eh" sabi ko.
He kissed my cheeks and back hugged me.
"Mag iingat ka din kasi" sabi ko.
"Sorry na po. Iloveyou" sabi niya at hinalikan ulit yung pisnge ko.
"Iloveyoutoo" sagot ko.
**ENG OF FLASHBACK**
I felt a sudden escape of tears from my eyes. Agad ko namang pinunasan yun kaso nag sunod sunod naman.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Eimerson sakin at hinarap ako sa kanya.
"Yeah, lagi naman akong okay eh" sabi ko at di maiwasan ang pag singhot.
"Then why are you crying?" Tanong niya na hinahabol ang paningin ko.
"Tears of joy, ang saya ko kasi nasugatan ka" sabi ko. Napansin ko naman na nag iba yung expression niya.
"Tell me the truth Rinah" sabi niya.
Nung narinig ko yung pangalan na yun mula sa kanya. Ayun nag labasan lalo yung mga taksil kong luha.
"It's nothing" sabi ko ng may pag hikbi na.
Bigla niya na lang ako niyakap. Mas lalong lumakas yung pag iyak ko. Mukha na nga akong tanga dito eh. Siya naman eto concern citizen na may pag hagod pa sa likod ko.
Bakit ba ako umiiyak ng bongga? Alaala lang naman yun ah
"Im sorry" sabi niya.
**********
Please Vote and CommentWritten by; Peach_Daday

YOU ARE READING
Wrong Suspicion
TienerfictieA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...