Chapter 19

2 2 0
                                        

Faith's Point of View

3days na ang nakalipas simula noong araw na nag away kami ni Adrian. 3 days na din akong grounded at di makalabas man lang ng bahay. Nalaman kasi nila Tita at kuya George na suspended ako ng 2 weeks. Kaya bawal din akong lumabas ng bahay sa loob ng dalawang linggo.

Prino- problema ko pa nga yung sa pag punta namin ng Underworld bukas ng gabi. Di ko alam pano ako makakalabas dito kung puro security guard ang nasa paligid ng bahay. Sinigurado talaga nila na di ako makakalabas.

"Miss Yro? Saan po kayo pupunta?" Tanong nung guard na mapansing pababa ako sa hagdan.

"SA KUSINA! BAKIT IPINAG-BAWAL NA DIN BA NA KUMAIN AKO?!" Pa bulayaw na sagot ko sa kanya.

"Ahh hindi po. Sige kumain na po kayo" sabi niya at yumuko sa akin.

Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng cake at Tubig. Padabog akong kumain ng may mapansin ako sa labas.

Nakaharap kasi ako sa pinto ng kusina na papunta sa garden. Gawa yun sa salamin kaya kitang kita sa labas.

Kitang kita ko dun kung pano sunod sunod na tumalon sina Dean, Adrian at Rex papasok.

"What are they doing here?" tanong ko sa sarili ko at tumayo.

"Nanay Mina, paligpit po neto please" sabi ko sa kasambahay dito at tumakbo pa labas.

Paglabas ko ng garden nakita ko silang nagsisik- sikan sa gilid. May paparating kasi na dalawang guard.

"Ahh maam bakit po kayo nandito?" tanong sakin nung isa.

"Nagpapahangin lang, pwede bang iwan niyo muna ako dito?" Pagtataray ko sa kanila.

Nag-alangan pa muna sila bago ako iniwan.

"Ganon ba ako ka ganda para di nila pag katiwalaan?" Sabi ko at tumaray sa kawalan.

"HUY! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko kaya lumabas sila sa pinatataguan nila.

Nagtaka naman ako ng mag-umpisa ng umakyat ulit sa pader si Dean.

"Sumama ka sa amin" sabi ni Adrian at hinila ako palapit sa pader.

"Teka sandali, baka ma- abutan nila tayo dito" sabi ko. Halata naman kasi na sa pader kami dadaan palabas.

"Kaya nga wag ka na mag inarte para maka alis na tayo dito" sabi ni Adrian.

Nang maka akyat si Dean sumunod naman agad si Rex. Tapos binuhat ako ni Adrian para maka akyat din. Iinabot ni Rex at Dean yung kamay nila kaya di ako ganon nahirapan na umakyat.

"Tumalon kana Dean, saluhin mo si Faith sa baba" sabi ni Rex na tinutulungan din si Adrian ngayon na umakyat.

"AHHH SHIT" daing ni Dean kasi natapilok siya nung nag landing siya sa baba.

Palpak

"Hays kahit kelan talaga, ang tanga mo" sabi ni Adrian at tumalon na din pababa. Ang bilis niya umakyat.

Kami nalang ni Rex ngayon ang nasa taas ng bakod.

"Bakit kasi ganyan na naman soot mo eh" kamot batok na sabi ni Rex.

Naka t-shirt at short lang kasi ako ngayon. Malay ko ba kasi nag mag aakyat bakod gang kami ngayon.

"Atleast nga may soot diba?" Sabi ko sa kanya.

"HUY ANO BA! TUMALON NA KAYO! BAKA MAY MAKA KITA PA SA INYO JAN EH" sigaw ni Dean.

Napatingin ako sa baba at di ko maiwasan ang kabahan. Tumalon din naman ako ka agad nung tumalon si Rex. Pumikit nalang din ako at ihinanda ang sarili ko kung sakaling di maayos ang landing ko.

"Ang bigat mo" sabi ni Adrian na namumula ang mukha ngayon.

Mukhang napalakas ang pag bagsak ko sa braso niya.

"Ang kapal naman ng mukha mo.  47 nga lang timbang ko eh" sabi ko at pumasok sa kotse na nasa tapat namin.

Nasa loob nun si Jeyra na kumakain ng chocolate. Ang hilig neto sa chocolates.

"Kamusta ang pag akyat sa pader? Di nila ako pinasama eh. Mukhang ma-enjoy pa naman ata yun" sabi ni Jeyra na bahagyang sumasayaw.

May nakapalsak kasi sa isang tenga niya na earphones. Halatang halata din ang kulay ng buhok niya.

"Ang ganda ng kinalabasan ng buhok mo. Ang tingkad ng kulay" sabi ko. Ngumiti lang naman siya.

Parehas kaming may kulay green na buhok ngayon. Pero kalahati lang yung akin yung sa kanya parang highlight.

"Pota ang sakit ng paa ko" sabi ni Dean ng maka pasok sa sasakyan at tumabi samin ni Jeyra. Bale nasa gitna nila akong dalawa ngayon.

"Patingnan mo yan baka may na dislocate na buto" sabi ko.

"Nasa Hideout na daw si Eimerson" sabi ni Rex na kasabay sa pag pasok sa sasakyan si Adrian.

Si Adrian ang driver tas sa tabi niya sa Rex. Kaming tatlo naman dito sa likod.

(*************)

Halos 20minutes na kaming nasa biyahe. Medyo malayo kasi yung hideout namin sa bahay ko. Tsaka idagdag mo pa yung traffic.

"Kanina ko pa napapansin na naka sunod satin yung mga kotseng yun" sabi ko

"Oo nga, medyo creepy na nga eh" sabi din ni Jeyra.

"Shit! Oo nga" sabi ni Dean.

"Mag ready lang kayo. Baka mapasabak tayo sa gulo" sabi ni Rex.

Binigyan niya din kami ng tig iisang baril. Nakapag training na kami ni Jeyra. Kaya siguro naman kahit isa lang sa kanila may matatamaan ako. KUNG ka away nga sila. Mas sanay kasi ako sa sapakan lang eh.

Iliniko ni Adrian yung kotse papasok sa isang highway papunta ata sa isang probinsya. Walang ibang pumapasok na sasakyan dito. Tanging ang sasakyan lang namin at yung sumusunod samin ang naghahabulan dito ngayon.

"AHHHHHH" tili ni Jeyra.

Bumangga yung sasakyan namin sa isa pang sasakyan. Nawalan ng  malay si Adrian. Nauntog kasi ng malakas yung ulo niya sa manibela.

"Bullshit! Adrian, gumising ka. Tangina ayan na sila" tarantang sabi ni Rex.

"Yumuko kayo! Yuko dali" tarantang sabi din ni Dean.

Sinunod naman namin agad ni Jeyra yun. Tinakluban niya kami agad ng itim na tela.

"Im scared Faith" sabi ni Jeyra na nakahawak sa kamay ko ngayon.

Ang lamig lamig ng kamay niya. Narinig ko din ang pagka basag ng bintana sa may bandang kay Rex.

Hindi pwedeng lagi nalang kaming ganto. Kailangan din namin lumaban

****************
Please vote and comment

Written by; Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now