FAITH's Point of View
Sa buong buhay ko isang babae palang ang naging kaibigan ko. At yun ay ang Mommy ko. Usually kasi lalake talaga ang mga nagiging kaibigan ko. Di kasi ako marunong pano paki tunguhan ang mga babae.
Tulad ngayon, tahimik kaming kumakain ni Jeyra. Di naman kasi kami close para mag usap ng mag usap.
"Ahh Faith, ilan taon kana?" Pag basag niya sa katahimikan.
"21, ikw?" Sagot ko naman. Ang awkward kasi pag wala man lang samin nagsasalita.
"19, diba dapat college kana kasi yung edad mo eh" alanganing sabi niya.
"Kasi tumigil ako ng pag aaral. At dalawang besses akong nag 2nd year" natatawang sagot ko. Naalala ko kasi kung ano yung mga kalokohang pinag-gagawa ko.
"Huh? Bakit?" Curious na tanong niya.
"Basta long story" sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Ito pala yung cream na binigay nung nurse. Ipahid mo yan sa mukha mo, para mabilis na mawala yung pasa" sabi niya at may iinabot sakin na bilog.
"Salamat" sabi ko at ngumiti
"You know? I want you to be my friend" deretsang sabi niya.
Medyo natigilan naman ako sa sinabi niya. Linapag ko yung hawak kong kutsara at tiningan siya.
"Then let's be friends" sabi ko at inabot yung kamay ko sa kanya.
Tinanggap niya naman yun ng may ngiti sa labi.
"Sabi ng mag hintay dun eh! Sayang yung nilakad ko pabalik sa clinic" sabi ni Adrian at padabog na naghila ng upuan sa tabi ko.
"Pasensya na, gutom na kami parehas eh" sabi ni Jeyra.
Kumain na lang kami at hindi na pinansin yung pagdadabog ni Adrian. Ano ba kasing pinag lalaban niya? Duh, nandito na kaya siya.
(************)
Days have pass at lagi kaming mag kasama ni Jeyra. Madami akong nalaman sa kanya. At na realize ko na mas maganda pa rin talaga na may kaibigan kang babae. Kasi may time na may mga bagay na di mo masabi sa kaibigan mong lalake.
Madalas na din ang training namin regarding sa gang namin. Registered na din ang grupo namin sa Under World. Madaming maliliit na gang na ang napabagsak ng gang namin. Malaking issue din sa Under World ang pagsasama sama ni Eimerson, Adrian, Rex at Deanmark sa iisang gang. At hanggang ngayon di pa rin kami kilalang member ng sorority sa Underworld.
Pero tulad rin ng dati pumpuslit ako sa VIP pass para makapasok sa arena. Lagi akong nanu- nood ng laban nila. At talaga ngang magagaling ang mga ka members ko.
Di na kami madalas magkita kita nina Adrian dito sa school kasi busy sa mga activities ngayon ang mga college students. May college din kasi sa school na toh. Sa right side kasi nandun ang mga building para sa college students habang sa left naman ang saming mga highschool. Sobrang lawak kasi ng school na toh.
"Babe, okay ka lang?" Tanong sakin ni Jeyra.
Babe yan ang tawagan namin. May napagtripan kasi kami nung isang araw.
**▶FLASHBACK◀**
Habang kumakain kami sa foodcourt netong mall may lumapit saming dalawang lalaki. At mukha silang mga adik.
"Hi mga miss may kasama ba kayo?" Nakangiting sabi niya. May isa siyang ipin na kulay gold.
"Oo meron, ito siya oh" sabi ko sabay turo kay Jeyra na tinarayan lang sila.
Natawa naman sila parehas at tumingin ulit samin. Parang nawalan tuloy ako ng ganang kumain.
"May shota naba kayo?" Tanong naman nung isa at hinawakan niya yung kamay ni Jeyra.
Mabilis naman na nagalaw ni Jeyra yun at isinapak dun sa mukha nung lalake.
"Pare matapang pala eh" natatawang kumento nung isa.
"Ikaw miss may shota ka na ba?" Tanong naman sakin ng isa.
"Meron, jowa ko tong kasama ko eh. Diba babe?" Sabi ko kay Jeyra at hinawakan yung kamay niya.
Nagulat siya nung una pero sinabayan niya din yung trip ko.
"Yes babe" sabi din ni Jeyra at hinalikan yung pisnge ko.
"Tangina mga bisexual pala toh eh" sabi nung isa at hinila yung kasama niya para umalis.
Tawa naman kami ng tawa ni Jeyra nung nakalayo na yung dalawa.
"Tara babe uwi na tayo" sabi ni Jeyra sakin kaya medyo natawa ako.
Inemphasis niya kasi yung word na babe.
"Ok babe" sagot ko.
**▶END OF FLASHBACK◀**
"Huy Faith, ano bang nangyayari sayo?" Nag aalalang tanong ni Jeyra.
"Ha? Ok lang ako" sabi ko at nginitian siya.
Napakamot ako sa left side ng dibdib ko. Nandun kasi yung tatto ko. Gumagaling na kasi yung sugat dun kaya kumakati na din.
Ahas siya na naka lingkis sa bulaklak na rose. Yun ang simbolo ng gang namin. Ng Sorority Gang.
Sa halos isang buwan na nagexist itong grupo namin mukhang mahihirapan pa rin talaga si Jeyra na lumaban pag nag kataon. Si DeanMark mismo ang nag tre- train sa kanya.
Kilala kasi tong si Dean na walang awa kapag nasa laban. Kaya sa training ganun din ginagawa niya kay Jeyra. Si Rex naman laging late sa 5pm meetup ng grupo. Kaya lagi siyang nabibigyan ng punishment.
**************
Please Vote and CommentWritten by; Peach_Daday
YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Fiksi RemajaA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...