Faith's Point of View
Nasa lap ko ngayon ang ulo ni Eimerson. Ang kulit kulit niya as in. Lumipat kasi ako sa mas mahabang sofa. At ayun humiga ang mokong.
"Daddy" biglang may batang babae na mukhang 2 years old ang pumasok sa library.
"Baby" sabi ni Eimerson at mabilis siyang sinalubong yung bata.
Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa sa nakikita ko ngayon. MAY ANAK SIYA?
Tuwa tuwa siyang nakikipag usap sa bata ngayon at tawa naman ng tawa yung bata. Chubby yung batang babae. Naka tube yun at maong shorts.
Ang bata bata pa pero kung pumorma akala mo teenager na.
"Eimerson? Pumasok ba dito sa Bella?" Tanong ni Tita na sobrang daming dalang pagkain ngayon.
Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya sa iba niyang dala. Nginitian niya naman ako and she mouthed 'Thank you'.
"Yeah she's here. Kinukulit niya na naman ako tungkol sa birthday niya" sabi ni Eimerson na nilalaro yung kamay nung bata.
"Is she your daughter?" tanong ko.
"Yes, she is" deretsong sagot niya na nakatingin pa rin sa bata.
Kulang na lang mabitawan ko yung tray na hawak ko. Medyo nahilo din ako dun sa narinig ko.
Tumango tango nalang ako para di ipahalata na affected ako.Di naman ako affected ah. Slight lang
"Sino ikaw?" sabi ng maliit na tinig kaya napatingin ako sa batang namemewang ngayon sa harapan ko. Natumba siya kaya napaupo siya sa sahig.
Medyo bulol pa nga siya magsalita eh. Di pa din siya gaanong fluent sa mga words na sinasabi niya.
"Im Faith" sagot ko din.
Mukhang maldita pa ata tong bata na toh. Naku napatol ako sa bata.
"Ikaw mommy ko?" Kunot noong tanong niya. Ang liit liit pa ng noo niya, na kunot na agad.
"No, Im not" sagot ko agad.
"Yes you are" singit ni Eimerson ng nakangiti.
Napanganga ako ng may yumakap sa binti ko. Yung batang Bella naka yakap ngayon sa binti ko at umiiyak.
"Hala bat ka naiyak? Wala namang akong ginagawa sayo ah" sabi ko at umupo para magkapantay kami.
Humihikbi pa siya habang pinupunasan ko yung luha niya.
"Tagal kita hintay eh" sabi niya at niyakap ako sa leeg.
Halos masakal ako kasi ang iiksi ng kamay niyang naka yakap sakin ngayon.
"Bella, you go to sleep muna ha?" Sabi ni Tita at kinuha sakin si Bella.
Naka labas na ulit sila pero nakatingin pa rin ako sa pinto kung saan sila lumabas.
"She's your daughter" sabi ni Eimerson at yinakap ako mula sa likod.
"Wala akong natatandaan na nagluwal ako ng bata" Pabalang na sagot ko.
"Rose is already dead. Siya ang tunay na ina ni Bella" sabi niya.
Kusang nagtuluan ang luha ko dahil sa narinig ko. Si Rose ang ina? Siya ang ama? May anak sila?
POTANGINA
"Babalik na ako sa hideout. Kailangan kong mag training" Sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap niya sakin.
"No, mamaya na"
"Please, Eimerson. Pakawalan mo na ako"
"Pinakawalan na kita noon. Di na mangyayari ulit yun ngayon."
Pigil na pigil ang pagsinghot ko kasi ayokong makita niya akong umiiyak.
"Makiki CR nalang. Naiihi na ako" sabi ko kaya kumalas siya sa yakap.
"Wag kang mag isip ng kung ano ano. Wala kaming naging relasyon ni Rose" - he said
Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng cr netong library. Napaupo ako sa sahig at saka humagulhol ng iyak.
Bakit ba ako umiiyak? Wala namang kami ah.
Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. May anak sila ni Rose.
Rose is the reason kaya ko siya tuluyang kinamuhian.
******Flashback******
4days na ang nakalipas simula ng mag umpisa ang burol ng mga magulang ko. Sobrang sakit, ang sakit na yung dalawang taong tanggap ka kung ano ka ay wala na. Halos wala na akong kain at tulog. Kulang nalang mag hukay ako ng sariling libingan para mamatay na rin.
"Kumain kana, baka pati sarili mo patayin mo na din" sabi ni Gab na may ilinapag na pagkain sa harapan ko.
"Wala akong gana" sabi ko.
"Ano ba Faith, isipin mo naman yung mga taong nag aalala sayo" sabi niya at pinilit akong kumain.
4days na silang patay. At 4 days ko na ding pina patay ang sarili ko. 4days ago ay ang araw ng kasal namin ni Eimerson. Umalis nun sila mommy para hanapin ang Run Away Groom ko.
Pero di ko inaasahan ang dumating saking balita. Pinaguho nun ang mundo ko.
"Faith bumangga yung kotse ng mga magulang mo sa isang truck. Dead on the spot sila"
Halos sirain ko lahat nun ng mahahawakan ko. Di ko matanggap. Si Mommy, si Daddy, pati si Tito! BAKIT?!!
Bakit sila pa? Bakit sa araw pa na dapat ay ginaganap ang kasal ko? Bakit di dumating yung groom ko? Bakit sa akin nangyayari ang mga toh?
Ang Unfair ng mundo sa akin.
"Nagluluksa din ngayon ang mga Firoa. Di ka man lang ba dadalaw sa kanila?" Tanong ni Gab sakin kaya nabalik ako sa ulirat.
Di ko nalang siya sinagot at lumabas na ng bahay. Dumating ako sa bahay nina Eimerson na wala sa sarili.
"Tita, condolence po" sabi ko at yinakap si tita Ema.
"Nandito po ba si Eimerson?" tanong ko sa kanya.
"Nasa garden" sagot niya kaya nag paalam akong pupuntahan ko lang si Eimerson.
Alam kong mapapa gaan niya ang loob ko gaya ng lagi niyang ginagawa sakin pag naiyak ako. Pero alam kong kailangan niya din ako kaya kailangan kong maging matatag. Ngumiti ako at nagpatuloy sa garden.
"Hmmm"
Napatakip ako sa bibig ko at kusang nagtuluan ang luha ko. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mag halikan sina Rose at Eimerson.
Wala ng t-shirt ngayon si Rose at nakaupo siya sa lap ni Eimerson. Para akong hinihiwa ng pinong pino dahil sa nakikita ko. Nakangiti pa si Rose habang naghahalikan sila.
Lalong nag init ang dugo ko kaya lumapit ako sa kanila at hinila ang buhok ni Rose. Halatang di niya ako napansin kaya gulat na gulat siya.
Kilalang mahinhin itong si Rose kaya walang panama sakin sa basagan ng ulo to.
"OMG bitawan mo ako. Ouch" Sabi niya.
Gigil na gigil ako sa kanya at halatang nasasaktan siya sa ginagawa kong paghila sa buhok niya.
"POTANGINA NIYONG DALAWA" sigaw ko habang umiiyak.
****************
A/N: Di ako marunong gumawa ng nakaka iyak na scene pasensya na. Di din ako marunong mag gawa ng Flashback😂
Please vote and commentWritten by; Peach_Daday

YOU ARE READING
Wrong Suspicion
Teen FictionA girl named Faith Rinah Yro who is addicted in doing silly things that will make her Aunt roar in anger. She even joined a program more like a gang, without even knowing what will be the risk of her decision. People know her as a bitch and a Queen...