Chapter 10

4 2 0
                                        

FAITH's Point of View

Pag pasok pa lang namin para kaming binato ng mga kutsilyo sa sama ng mga tingin nila. Hindi galing kela Kate kundi sa dalawang Guidance Councillor. Nagpaiwan naman yung tatlo sa labas

Nginisihan ko sila na mas nag pa inis sa kanilang dalawa. Umupo kami sa kaharap na sofa ng inuupuan nila Kate. Naka tungo silang tatlo.

"What is this again Ms. Yro?" Tanong sakin ni Mrs. Aganan.

"What?" Pa- inosenteng tanong ko.

"At ikaw Ms. Tuazon. You're a transferee pero may record ka na agad" sabi naman ni Mrs. Cruz na kulang nalang kainin ng buhay si Jeyra. Di nakalampas sa paningin ko ang pagtaray ni Jeyra.

Nakaka inis tong dalawang witch na toh! Lagi nalang pag nakikita ko sila pinan didilatan nila ako ng mata.

"Pero sila yung nag umpisa" reklamo ni Jeyra.

"EDI SANA DI KA NALANG LUMABAN PARA WALA NG GULO" sigaw ni Mrs. Cruz.

"Maam, kahit na di siya man laban may gulo pa rin talaga na mangyayari. Tsaka bakit ba kami lang ang pinag sasabihan niyo? My bias ba kayo dito?!" Naka ngising sabi ko sa kanya.

Nag iwas tingin silang dalawa tapos maya maya ay humarap kela Kate.

"Ms. Ortigo, bakit mo ginawa yun kay Ms. Tuazon?!" Mahinahong tanong niya kay Kate.

"Sa amin kulang nalang bumuga ng apoy. Sa kanila mukhang Anghel" bulong ni Jeyra na di naka takas sa pan dinig ko.

Naka- tungo lang sila Kate at walang nag- abala sa kanila na sumagot. Napapikit nalang si Mrs. Cruz na halata mong nagpipigil ng galit.

"You are all suspended for 2weeks" sabi niya at binulyawan kaming lahat na lumabas na.

(***********)

"Ang duga, buti pa kayo free ng dalawang linggo" pagmamaktol ni Adrian. Nasa cottage na ulit kami.

"Suspended kami. SUSPENDED! Di mo ba gets yun? Di kami exempted sa mga Quizes at Activities" nang- gagalaiting sabi ni Jeyra.

Oo nga pala, hindi siya nawala sa ranking simula nung bata pa siya. Di ko nga alam bakit pumayag toh na sumali sa gang. Basta ang sabi ni Dean

"Lahat tayo may rason. Marami tayong katanungan na gustong masagot. Maging ikaw Faith, may dahilan ka kung bakit pinili mong maging isang gangster"

"FAITH!!" Bahagya akong napaigtad sa lakas ng sigaw sakin ni Jeyra.

"Bakit?" Mabilis na sagot ko.

Ang moddy ng babae na toh. Bakit nga ba ako pumayag na maging kaibigan ko toh? Hays

"Sabi ko samahan mo ko sa Cafeteria" sabi niya at hindi hinintay ang pagsang ayon ko. Hinili niya na lang ako bigla kaya di na ako nag abalang tumutol.

Pagdating namin sa Cafeteria nanlumo agad si Jeyra sa nakita niya.

"Ang haba ng pila" parang batang maktol niya.

Hinila ko siya dun sa pila. Pero pag dating namin dun mukhang walang naka pansin sa akin. Mga lapastangan! Andito ang reyna niyo.

"GORGEOUS FIRST" Sigaw ko at pinag tutulak yung mga nasa pila na ayaw kami pasingitin.

"Faith, nakakahiya" bulong ni Jeyra na naka yuko sa likod ko.

"HOY ANO BA! NA UNA KAMI" sigaw ng kung sinong lalake.

"Ate dalawang Guyabano Juice at dalawang Cheese Burger tsaka dalawang Ice Cream" nakangiting sabi ko sa staff dito.

Ngumiti din siya sakin at sinabi sa mga nag pre-prepare ng pagkain yung order ko.

"HOY MISS! PUMILA KA DITO SA LIKOD" sigaw na naman nung lalake at hinila yung likod ng Uniform ko.

"Hala OMG patay siya"

"Di niya ata kilala si Faith"

"Yan yung freshmen na siga"

"Naku tol, nanapak yang babaeng yan" 

"Miss, di naman porket maganda ka---" natigilan siya ng makita niya ako. Akala ko nakilala niya na kung sino ako dito sa school pero mali ang akala ko.

"Dapat matoto ka pa ring pumila" sabi niya at parang mina- manyak na ako ng mga tingin niya.

"Tapos ka na?" Pag tataray ko at tinalikuran siya.

"Tara na, baka di lang 2 weeks suspension ang abutin natin" sabi ni Jeyra na hawak na ngayon ang in- order namin. Take out kasi yun.

Mabilis kaming umalis sa cafeteria. Nabwe- bwesit pa rin ako sa lalaking yun. Halatang mas bata siya kesa sakin. Kaso nandoon pa rin ang katotohanan na mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan niya kesa sakin. Masasabi kong may itsura din siya. Sabagay lahat naman ata ng nag- aaral dito maganda at gwapo. Nabu- bully kasi ang mga kinulang sa itsura.

"Medyo kinilabutan ako sa isang yun. Ang laswa niya tumingin" sabi ni Jeyra.

"Don't mind him. He's just a piece of shit" sagot ko.

**************
Please Vote and Comment.

Written by: Peach_Daday

Wrong SuspicionWhere stories live. Discover now