*PROLOGUE*

15.6K 215 14
                                    

Warning rated spg-18 .
For matured content and open minded only.
13 years old below please back off.
14-17 years old if your immatured back off too!.

*Trishanity Point of View*

"ANO BA TRISHA! Hindi ka ba iinom? Wag ka nga Kj dyan. Cheers!",sigaw ni Zhyne sa akin. Itinaas ng mga kaklase ko ang kanilang hawak na mga baso ganun din ang ginawa ko.

Andito kami sa bahay ng isa namin kaklase. Bakit kami andito? Niyaya ako ng kaibigan ko na si Zhyne makipagparty sa kaibigan niya, birthday daw kasi.

Ako nga pala si Rayne Trishanity Villaspin pero tinatawag nila akong Trisha, seventeen years old, Grade 12 na ako ngayon taon. Ilang kembot na lang matatapos ko na ang senior high sa Chandelier Savier Academy. Darating ang araw na magiging isang doctor o flight stewardess ako. Yey! Bakit ako masaya sa oras na makapagtapos na ako? Syempre hindi naman kami mayaman,pero hindi rin subrang hirap' in a middle class ganernnn!! Hahaha' , naging schollar  Lang naman ako sa school na ito kasi matalino ako. Kaya sa oras na makapagtapos ako matutulungan ko na sina mama at hindi na rin kami maghihirap. Hayy! Hirap kaya maging mahirap.

"Zhyne kailangan ko ng bumalik sa dorm. Madami pa ako gagawin na assignment at project eh! Saka mapapagalitan ako ni mama kapag nalaman niyang umiinom ako!"

"Eh kill joy naman pala itong kaibigan mo Zhyne eh", sabi nung gwapong lalaki, CK daw ang pangalan.

" Hayy naku! Wag ka nga Kj dyan Trisha. Ngayon lang tuh ok! At saka hindi naman kita isusumbong kay tita. Sige na uminom ka na. Let's enjoy!" Sagot sakin ni Zhyne.

"Pero——"

"Wala ng pero-pero! Kapag di mo ininom yan kalimutan mo ng may bestfriend ka pa"

Wala akong nagawa kun'di ang inumin ang mga alak na binibigay nila sa akin hanggang sa nadala na din ako sa kanila, inom lang ako ng inom. Ang lakas ng music  tinalo pa ang isang club. Nakikisali na din ako sa kanilang mga kwentuhan at tawanan.

  'Masaya pala yung ganito!'—saad ko sa sarili ko. First time kung uminom at magparty kasi naman palaging libro at pag-aralan ang inuuna ko 'syempre para maabot ko ang pangarap ko'

  "Oyy, Trisha lasing na si Zhyne oh. Dito na lang kayo matulog may isa pa naman na vacant room dito. Halika samahan mo ako, ihatid natin siya sa room", sabi ni Claire 'yung may-ari ng bahay at may paparty'.

Wala na akong nagawa kun'di sumunod sa kanya. Nakita ko si Zhyne na inaalalayan nung dalawang lalaki, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kalasing. Binuksan ni Clair yung ikalawang pinto sa second floor.

" Ihiga niyo na dyan si Zhyne." Agad naman ihiniga nung dalawang lalaki si Zhyne saka lumabas ng kwarto. Lumapit ako kay Zhyne para kumutan siya. Buti hindi siya nagsuka, nakapikit lang mata niya habang naghihilik.tsk tulog na agad!

"Okay lang ba Trisha na dito kayo matulog?" Tanung sa akin ni Claire.

"Ahmf o-okay lang naman. Okay lang ba kung matutulog na din ako? Marami na rin kasi akong nainom eh."

"Hah? Marami na ba yan? Straight ka pa nga maglakad eh. Don't be KJ Trisha. Lets know each other. Halika na sa labas iinom pa tayo wala naman pasok bukas eh,tara!"

"Pero——"

"No but, let's go. Hayaan mo si Zhyne dyan" hinila na niya ako palabas kaya wala na din ako nagawa.

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon