Simula

1.7K 17 0
                                    

Galit. Isang malalim na emosyon. Emosyon na kadalasan ay dahil sa paglabas ng samu't saring damdamin. Sabi nila, nagagalit ka lamang sa isang tao kung minsan na siyang naging bahagi ng buhay mo at sinaktan ka lamang.

Maaari rin bang magalit sa 'yo ang isang taong hindi mo naman kilala? O, kagaya sa sitwasyon ko, sa isang taong nagpapasweldo saakin!


''Sir pasens'ya na po talaga kayo. Aayusin ko nalang po itong mga ito'' nanginginig ang aking mga kamay na inabot isa-isa ang mga nagkalat na papeles sa sahig. Lumuhod na ako ng tuluyam at hindi sinubukan pang iaangat ang paningin sa mga nanlilisik na matang nakatigtig saakin ngayon.

''Stop playing innocent. Umamin ka nalang. Alam mong hindi kita tinanggap sa trabaho para lang mamulot ng mga basura!'' malamig hanggang sa pasigaw nitong aniya.

Painosente? sa kakaramput na binabayad saakin ng kompanyang ito para lang sa ganitong matanggap kong trato?! 

Dahan-dahan akong tumayo at saka tinignan deretso sa mata ang lalaking matagal ko ng pinagtitimpian.

Plask!

Wala siyang karapatang tawaging basura ang halos isang linggo kong pinagpuyatang reports para sa kaniya.

Hindi manlang ito kumurap sa lakas ng pagkakatama ng mga 'basura' niyang papeles sa mukha.

"Bakit ba galit na galit ka sa 'kin?!" tila nagunaw ang mundong sigaw ko habang siya'y sing-lamig ng yelo na bumalik sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair. Malakas pa ang loob na animong natutuwang makita akong ganito ang emosyon.

"Oo! ikaw ang boss pero hindi naman 'to makatarungan--"

"Ikaw! Ikaw ang hindi makatarungan Ellie!" bigla niyang sigaw pabalik dahilan para maghurumentado sa pagtibok ang puso ko. 


Dahil ba sa pagbato ko sa kaniya ng mga papel? sa pagsigaw ko? Maraming beses ko na siyang nahuhuli sa mga salitang ginagamit niya. Wala akong maintindihan, hindi konektado ang mga ito sa mga pangyayari

Naiwan akong tulala ng makita ang galit sa mga mata nito.


Bakit ganito kalakas ang epekto niya sa 'kin?


"I... I q-quit." nanginginig kong saad. Iniiwas ko ang tingin at pinag-iisipang humingi nalang ng tawad at huwag ng babalik dito kahit kailan.

Bakit siya galit? Ano ang kasalanan ko sa kaniya? Hindi pa naman malalim ang ugnayan naming dalawa, siya, bilang boss ko, at ako, bilang sekretarya niya. Wala akong makitang dahilan kung bakit palaging makulo ang dugo niya saakin.


So far, wala akong maalalang naging conflict sa trabaho ko. Marami ang nais makipag-deal at nag-aalok na maging shipping partner ang kompanya, walang problema. Unti-unti akong humahakbang paatras habang nasa malayo ang tingin nito. Wala saakin ang mali kundi nasa makitid na utak ng lalaking wala namang naiambag na mabuti sa buhay ko.


"No! You're not going anywhere!" Marahas siyang tumayo sa upuan niya at sa paisa-isang hakbang ay unti-unting lumapit sa 'kin. "Hindi na 'ko papayag." malamig niyang bigkas sa huling sinabi.

Mariin kong hinawakan ang puso ko. Ano'ng mayroon sa 'yo d'yan? He's just your boss! Damn it!

'Wag kang matakot Elisa! May cctv, may guard sa labas. Makauuwi ka ng ligtas pangako.

Tinignan ko ang mataas na pumps kong suot. Ihampas ko kaya sa kaniya 'to? pero baka ako naman ang makulong. Mamaya siguro kapag may dahilan na para irason sa police na sinasaktan ko siya gamit ang hills ko bilang self-defense.

''Ayaw mo talagang magsalita?'' bumalik sa katotohanan ang paligid nang bumalong ito.

''P-pasens'ya na ho pero walang akong masabi'' nagdadalawang isip kong saad. Asan na iyung tapang ko kanina? bakit nanginginig na naman ang tuhod ko't bakit kinakabahan ako?

"Pinatay mo ang anak ko. Sabihin mo paano kita mapapatawad?" may diin sa bawat pananalita niya, animo'y pinipigilan lamang ang sarili na sumigaw o magwala.


Sandale...

A-ano?

Agad akong natigilan sa sinabi niya at napatinging muli sa kaniya. Dahan-dahan ako nitong ikinulong sa magkabilang braso hanggang sa wala na akong maatrasan kung 'di ang malamig na pader.

Sa sobrang tutok ko sa mga susunod niyang gagawin ay nalimutan ko na ang nakai-intriga nitong bintang saakin.

"W-wala po akong pinatay--"

"Damn it! Paano mo nagagawa 'yan, ha? Ang umaktong parang wala kang kaalam-alam!"

Napatalon ako sa magkahalong gulat at takot nang malakas n'yang sinuntok ang pader, katabi lamang ng ulo ko.

Patay? Anong pinatay? Wala akong pinatay... May pamilya na pala siya? ni hindi ko nga alam kung ano takbo ng buhay niya tapus pagbibintangan pa niya akong mamamatay tao.

"A-ano'ng pinagsasasabi niyo?" naiiyak kong untas.

Bakit niya ako pinagbibintangan? Wala akong nagawang mali. Wala. Sa pagkaka-alala ko, wala.


'Hindi, Elie. Hindi ka dapat matakot sa tulad niya!' sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

Huminga ako ng malalim, iniipon ang natitirang lakas ng aking puso't isipan

"Sino ka ba?!" sigaw ko at kahit nanginginig ay marahas ko siyang itinulak palayo sa 'kin. Hindi na rin ako makakita ng maayos dahil sa luhang namuo sa gilid ng aking mga mata ngunit hindi ko na inalintana iyon. Mabilis konhg tinungo ang daan palabas sa kaniyang opisina nang biglang magbago ang ihip ng hangin.

Akala ko, makakalaya na ako. Akala ko, maililigtas ko na ang sarili ko. Pero ang mga salitang namutawi sa kanyang labi ay parang punyal na itinarak sa aking puso.

Isang malaking katanungan at hiwaga. Pangakong peksman na hindi ko siya kilala. Ngunit hindi naman siguro siya baliw nang banggitin ang mga salitang iyon.

"I'm your ex! and you killed our child!"

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright 2019 by _justYOURNics_

All rights reserved, including the right to reproduce this book or portions thereof in any form whatsoever.

Editing. 01-2021.

I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon