CHAPTER 21

211 3 0
                                    

Maghapon lang akong halos tulog sa kama. Ewan ko ba. Ngayong mga linggong ito ay palagi akong nakakaramdam ng antok.
Paglalabas ako ay sinisigurado kong hindi babakat ang tyan ko. Kahit napapansin ng mga trabahador ang pananaba ko ay hindi naman nila ito pinansin pa ...ng todo.

Lumabas ako ng kwarto na yakap yakap ang unan.

"Palagi nakadikit sayo ang unan na yan ah" biro ng bagong taga-pagalaga kay Amanda

"Nahulog kami sa isat isa. hahaha" birong tawa ko rin saka ningitian ng mapait ang matanda. Napangiwi ako ng tinalikuran sila.
Nag-iinit ang ulo ko sa tuwing nakikita yung matandang yun.

Pinaglilihian ko ata. Jusko.

"Manang!" sigaw ko ng makaupo sa kusina

"Bakit ba parati kang nasigaw Elliesse, ha" bungad nito na may hawak pang timba.

"e-ehh. Yung ano po. Saging na may ketchup? asan na yung ketchup?" tanong ko rito

"Anong masarap sa saging na isinasawsaw mo sa ketchup hijah, Ubos na" saka nya ko tinalukuran.

Biglang bumuhos ang emosyon sakin.
Animong may malaking rebelasyong magiging dahilan ng pagkawala ko sa sarili.
Parang gusto kong sabunutan si Manang bigla. Paano niya nasabi ng ganun kabilis amg bagay na yun. Hindi manlang niya ako dinahan-dahan. Kunware, 'Ah yung pinakamasarap sa buong mundong saging na sinasawsaw mo sa ketchup? Bibili ako mamaya ng sobrang dami'

"waaaahhhhhh Manang naman ehhh! alam ko tinatago n'yo lang yun!" malakas kong sigaw sa buong kusina.

Kung hindi ko masira ang buhay mo. Airdrums nalang Manang!

"wwaaahhh--ah?" napatingin ako sa naglapag ng isang bagong ketchup sa harap ko atsaka isang plastik ng saging

"J-jake. Hhmm...thanks!" ani ko saka ipinaloob sa supot ang ketchup kasama ng mga saging at mahigpit na niyakap ang unan bago tumungo paakyat muli ng kwarto

"Careful Elliesse!" sigaw n'ya na nagpairap sakin.

"Duhh. Careful careful eh ano naman kung mahulog ako. Bakit masasalo mo ba ko? psshh!" bulong ko saka isinarado ang sariling pinto

"May pa careful--careful Elliesse pang nalalaman. Samantalang nung nahulog na ko sa kan'ya hindi naman
ako nasalo. Buluukk! sayo na yang careful mo at baka mapokpok ko sayo itong ketchup ko!" ani ko habang binabalatan ang saging saka pinapatakan ng ketchup

Wala pang Tatlong araw ay naubos ko nanaman iyun.

Napalunok ako ng magkaharap kami ng Cj sa hapag.

"Palagi mong kasama ang unan na yan..nagjsishaxk na ako~" hindi ko narinig masyado ang sinabi nya kaya nagkibit balikat nalang ako saka iniayos ang unan sa lap ko

"A-ah..Cj" panimula ko ng matapos na akong kumain. Nakatayo na ko sa gilid n'ya. Umatras ako ng humarap ito sakin at deretso agad ang mata sa Unan na yakap yakap ko

"Hmm?" uminom pa ito ng tubig pero pinagmamasdan naman ngayon ang pagbabago ng katawan ko saka sinulyapan ang plato kong hindi halos nakalahati ang kinain. Eh wala kasing saging!

"What is it?" saka palang s'ya tumingin sa mga mata ko. Agad akong kinilabutan. Parang gusto ko siyang takbuhin at punuin ng halik sa mukha.

Napalunok ako sa sariling iniisip!

Never!

"A-ahh. Ano pabili uli ng saging at ahhmm..ketchup?" dahan dahan ko siyang nginitian para naman pampalubag ng loob baka bilhan ako ulit

Pinanliitan ako nito ng mga mata.

"B-babayaran ko rin pag nakalabas ako ng bahay na 'toh!!" agad kong malakas na bawi.

I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon