CHAPTER 2

797 10 0
                                    

Goodmorning!

"Mag-iingat ka dito ,Hija" paalam ni manang. Dalawang buwan siya sa probinsya nila para magbakasyon .

Kumaway ako sa papalayong taxi at nagulat ng may maaninag akong ...

"Shek! shek! shek! shek!" taranta kong saad at pumasok agad ng gate.

Nakita ko ang Ex ko daw na ngayon ay totoong X na kasi Ex-boss ko siya. Chill siyang naglalakad at nagsisipol sipol pa mukang galin sa jogging? pero wala akong pake hindi matanggal sa isip ko iyung outfit niya.

May rubber sa nuo. Nakaheadset. Pawis na pawis sa ilalim ng maluwang niyang sando.

Kailangan ko ng makaalis dito bago ko pa siya--ano bastaa!

Sumakay ako ng sasakyan ko at agad iyung pinatunog.

Pero naalala ko nakasara pa yung gate.

Sinapo ang nuong lumabas ulit ng sasakyan at dahan dahang maingat kong binuksan ang gate. Bakit ba kasi manual ito! Kailangan ko ng ipahightech ang mga bagay bagay sa paligid ko. Malapit na unti na--

"Goodmornin--

"Ay Demonyitong boss!!" tili ko na nagpakunot ng nuo niya

"eherm!" tikhim nito na nagpaayus sa pagtayo ko. Itinago ko sa likod ang nanginginig kong mga kamay.

"D-d-demonyitong b-b-bus ...bus!" saad ko sa kahihiyang natamo. Sorry pampublikong sasakyan nadamay ka pa huhuh.

"Anyway ,Goodmornin--

"Ahh sige p-po b-bye!" tumalikod na ko sa kaniya ng tawagin nanaman niya ko.

Pumikit ako ng mariin sa pang gigigil. Bat ba nanaman nandito yan!

Sa malayong village pa yan nakatira ah! At may sarili siyang village para pag-joggingan .
Hindi na ba niya papatahimikin ang buhay ko grrhhh!

Kaya nga ko umalis ng--hayssttt!!

"Yes?!" nanunuyang ngiti ang ibinigay ko. Halatang plastik talaga.

Pero mas sumingkit lang ang mata niya ng ngitian ako pabalik. Grrh!

"Goodmorning!" mabilis niyang saad na nakapagpatango sakin ng dahan dahan

"T-tapus?" sabi ko ng marinig ang nature sa sobrang tahimik naming dalawa.

"Wala na. Palagi mo kasing pinuputol yung goodmor--

"O-opo Opo na haha! Sige na good na yung ..morrnniinngg~" mas pinasingkit ko pa ang mata ko at pinagdikit ang mga ngipin para maisip niyang naiirita ako sa kaniya

Walang good sa morning letche!

"Sige haa?...Alis na kooo" malumanay at matinid kong saad. Kunot nuo lang niya kong pinapanood na animong wierd lahat ng nakikita niya.

Padarag akong pumasok muli ng kutse at pinaatras ito.

Nang matapat na sa kaniya ang bintana ko ay binuksan ko ito ng kalahati. Baka kasi matarayan sakin.

Pero naalala ko. Wala pala akong guard kaya matik na ako nanaman ang magsasara ng gate. wahhh!

Tawagan ko na kaya muna si manang ,pabalikin ko at ipasara yung gate. Byahe nalang uli pag nasara na--hayst! Pero nakalayo na yun.

"haaayy!" pagod kong sigaw ng sa wakas nasara ko rin yang malaking gate. Papagawa ako bago yung di remote na!

Pinanood niya lahat ng galaw ko at nginitian ko siya ng pilit. Sumakay ulit ako drivers seat ng makitang dumaan siya sa harap at binuksan ang pintuan ko.

I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon