Kathang isip by Ben&Ben(music used)
'Di ba nga ito ang yong gusto
Oh ,ito'y lilisan na ako
Mga ala-ala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon
'Mga gabing di namamalayan oras ay lumilipasBawat sandaling lumalayag kung san man tayo mapadpad
Bawat ngiti na nadarama sa twing hawak ang yong kamay
Ito'y maling akala. Isang malaking sablay~Napapikit ako ng mariin habang pinipigilan ang mga luha.
'Di pa tumutulo ang unang patak ng tumakbo ako ng banyo."uuggrrhh!" mahina kong iniusal. Naduwal nanaman ako . Pangatlong araw na ito.
"H-hijah?" dahan dahan kung pinunasan ang labi pero hindi parin ako tumitingin sa nasa pintuan ng banyo ko. Nakayuko parin ako sa harap ng salamin sa lababo.
"May sakit ka ba? namumutla ka. Kumain ka kasi ng tama" mahinahong saad nito. Nilapitan na niya ako at marahang hinagod ang aking likod.
"Halika. Kakain na pinapatawag ka ni Cj" saka niya ako iniwan.
Marahan akong bumaba ng hagdan. Nasa telepono si Manang.
"Eh kailan ang balik niyo ni Katrian?" hininaan niya ang pananalita ng makita ako.
"A-ah sige, hahaha congrats anak. Ayus lang yan atleast sa asawa mo naman nanggaling" kitang kita ko ang saya sa mukha niya.
Masaya siya. Masaya sila. Edi kayo na. Kayo na ang masaya. nyeta.
"e-eh asan na yung kinuhaan niyo ng ...sperm~" mahinang bulong nito at tumingin pa sakin bago ibinalik ang tingin sa kawalan.
Nasa sofa kasi ako sa sala. Asa tabi naman siya ng t.v nakatayo sandaling itinigil muna ang pagpupunas roon.
Nakapikit lang ako habang nakaupo.
Nakikinig. Nagmamanman. Nag-iingat.,Naguguluhan. Hindi na ako pweng magpadalos dalos. Mahirap na ang masaktan. Hindi pa humihilom ang sugat sa kaibuturan--chos
"haha, oo nga pala. Oh, sige na anak. Congrats ulit uwi kayo haa sa madaling panahon. ahh ganun ba..sige sige "saad nito bago pinatay ang linya.
Buntis si Katrian.
Tatlong Linggo narin kasi ang lumipas mula ng malaman ko ang mga hindi ko pa alam. Sa simula ay wala naman talaga akong alam. Hindi ko masasabing wala akong pake-alam pero nasaktan ako. Gago, pinaglaruan ako eh.
Pero hindi naman ako magiging matatag at mapanagutan kung di ko yun naranasan. May mga bagay talaga na kailangan mong pagdaanan para matuto...
Masaklap ngalang yung napunta sakin..
"Kain na " malamig na tinig ni Cj ang narinig ko. Ah oo nga pala, isang linggo rin yang nawala. Pagbalik naka suit na. Clean cut at mukang may ipinagmamalaki na.
Akalain mo yun.
Mukang ayus na ang mga nasa paligid ko. Wala pang isang buwan. Tapus ako. Miserable parin.
Tumayo ako at sumunod sa kusina
Palaging ganito.
Palaging malamig ang atmospira namin sa isat isa. Sasabihan n'ya akong mahal ako pagkatapus iiwan din tss, sayo na yang pagmamahal mo chong. Mas kailangan mo 'yan.
"Kumusta" bati nito pagkaupo ko sa hapag. Sasagot na sana ako ng magsalita siyang muli
"sige..sige...Urgent ba?" napatingin ako sa kaniya. Okey? kala ko ako. Iba pala.
Tumikhim ako sa kawalan at sumandok nalang ng makakain. Kailangan kong magpakalusog. Kailangan ako ng baby ko.
Ako nalang ang aasahan niya.
Masakit ang magmahal sa taong hindi ka mahal. Pero mas masakit ang magmahal ng taong tapus ka ng mahalin.
~
"Hello?" panguna ko sa unknown number na tumawag sakin
"Ellie"medyo may pag-aalinlangan pa nitong sagot
"Katrian" malamig kong untag
"H-how are you?" saad nito at hindi ko iyun sinagot
"Alam kong di mo toh tatanggapin pero s-sorry ...Ginulo namin ang buhay mo. Dinamay ka namin sa gusot ng nakaraan. Pasensya ka na Elliesse." mahinahon ngunit sinsiro nyang aniya.
True ba yan? diba ay artista ka .Baka ine-echos mo ako.
Dahan dahan akong napangiti kahit na mapait.
Isa rin sa mga natutunan ko ay ang magpakumbaba at magpatawad. Ano nga bang magagawa ng paghihiganti kung alam mo namang ikaw rin sa huli ang masasaktan?
"S-sana ayus ka lang d'yan. Maging masaya ka sana. S-sorry sa mga pananakit kong nagawa--naming lahat. Ang totoo ay naiinggit ako sayo." suminghot ito sa kabilang linya at nanatili lang akong nakaupo sa kama at nakikinig
"Long time crush ko si Alex, hehe kasu 'di ako ang gusto n'ya noon. Busy s'ya sa pag-aaral. Habang kami ni Cj ang magkaibigan. Mahirap lang kami pero nagpursigi parin. Hanggang sa nakilala kita ng idala ka ni Alex sa Aurora. Yun din yung araw na nagconfess ako sa kaniya at bigla ka nalang lumitaw sa likod n'ya. Kaya, si Cj ang palaging pinagbubuhusan ko hahaha. Nahulog ako sa kan'ya pero isang gabi nalasing kaming tatlo. Namalayan ko nalang na nasa simbahan ako. I-ikinasal kami ni Alex habanag parehas na lasing at ikaw naiwan kay Cj ilang buwan ang lumipas ay buntis ka n-na. Pasensya ka na kung bakit ako nagsinungaling. Pasensya ka na talaga. "
Agad kong pinatay ang tawag.
Ang gabing yun.Wala akong matandaan kundi ang paghawak ni Alexion sa kamay ni Katrian saka umalis silang pareho. Dun ako nagduda, pumunta pa ko ng stage para lang tumula ng kung ano ano, nilapitan ko ang nakatitig na Cj. Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyare...
"B-bumabakat ka na baby haha" pinunasan ko ang tumulong luha kasabay ng paghimas ng tiyan.
May unting umbok na ito at wala paring nakakaalam na buntis ako.
Dalawang beses na rin akong nagpatingin sa Doctor .Malusog naman ang baby ko"Kumusta na kaya si Daddy? " naalala ko kung paano niya ko panlisikan ng mga mata, kung paano s'ya natahimik ng inaming ako ang dahilan ng pagiging paralisa ng kanyang kaawa awang ina.
Baby kinakabahan ako baka hindi niya isiping kaniya ka.
Baka ipagtabuyan ka niya kaya maghintay ka muna.
Mahal na mahal ka ni Mommy sana ay sapat na yun sayoPalagi kasing wala si Daddy eh...baka ano... baka may iba siya kaya--Hayaan mo na nga!
"hhmmm ~hhmm~ hmmm~" mahinahong kanta ko habanag hinihimas ang tyan.
Ngayon hindi na ko nag-iisa.
May dahilan ang pagbangon at ipaglaban ka.
Hindi na ko matatakot na mag-isa
Kakayanin ko basta ikaw ay kasama.
Kaya wag mo kong iiwan .Wag kang mawawala."Kaya natin toh..kahit wala sya.."
~
D i y a s
Vote this kung hindi ka marupok. hekhok
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Teen FictionPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...