Tanga
"'Bat nandito ka nanaman." malamig na ani ni Cj na topless ngayon at pinupunasan ang munting sasakyan nito.
"Ipagdrive mo ko" desidido kong saad. Pinagtaasan lang nya ko ng kilay at nagpatuloy sa pagpupunas.
"trabaho mo 'yan..Kaya wala kang magagawa .Lets go" saka ako dumeretso sa kabilang side at sumakay ng shotgun.
Ang totoo pinipilit ko lang talagang maging matapang sa harap ng lalaking ito. Baka kasi isipin niyang 'eto nanaman si Elliesse na marupok' duh? whatever yun diba?
"San ba?" tanong nito ng umupo narin sa driverseat. Nginisian ko lang siya. Bakit pakiramdam ko gusto ko siyang kulitin at kausapin pa ng madami kaso ngalang ay pinaninindigan ko ang katarayan ko.
"Mall..." ani ko at walang gana lang tong tumango.
"Nagsawa ka na ba ng kwarto mo kaya ka gumagala ngayon?" marahang tanong nito habang abala ang atensyon sa daan.
"Oo" malamig kong tugon na nakapagpalingon sa kanya sakin.
"Tss! "ani nito at ibinalik sa daan ang tingin.
"Mag-kwento ka." saad ko .
"Anong maikukwento ko? eh mukang alam mo naman ...ang..lahat" mabagal nitong saad .Ngumisi ako .Parehas kaming sa daan ang tingin
"Nang tungkol sayo...Sa gusto mong babae" marahan kong saad.
"Maganda sya... Mahaba ang mga pilik mata..Hindi maputi at hindi rin naman ganong maitim--
"pwede mo namang sabihing katamtamang kulay diba? "
"tss..edi ikaw magkweto.." Reklamo nito. Tumawa ako ng bahagya at ako nga ang nakwento tungkol sa babaeng gusto nya.
"Matangos ang ilong...Maiksi ang buhok na kulot. Napakagaling nyang umarte sa sobrang kaarteha--
"hindi sya maarte!" depensa nya.
"Eh dun sya magaling diba! " sigaw ko pabalik.
"Edi sige! tuloy!" sigaw nito at kumunot ang nuo ko.
"Mahahaba ang legs! Mahinhin! at ..tanga" napatawa pa ko sa huling sinabi. Di ko namalayang napatawa rin sya.
"Tanga nga sya...Tangang tanga." tumango tango pa ito at bumaling sakin. Pinagtaasan ko sya ng kilay .
"Ang wirdo mo parin, kaasar!" singhap ko ng tumawa lang sya.
"Mag-kaaway kayo ng peter diba? Bat nandito ka parin?" tanong ko pero nabawi rin dahil pati nga si Manang ay tinulungan akong makatakas dati pero nandito parin sya.
"Tanga rin kasi ako eh" malamig nitong saad.
"ano bababa ka ba o magkukwentuhan nalang tayo?" di ko namalayang nasa Mall na pala kami.
"Hindi...Bababa tayong dalawa at magkukwentuhan habang nasa Mall" tango ko at lumabas na ng sasakyan.
Napangisi ako ng sumunod ito at pinaglaruan ang mga susi sa daliri.
"Ohh....look whos here" pinagmasdan ko ang babaeng nakashades at umiinom sa hawak nyang Choco Frappe
Nakita nya ako at lumaki ang mga mata nya ng makita kung sino ang nasa tabi ko.Gaano man kalaitim yang shades po ay kitang kita ko parin ang pangit mong mata!
.
"Hi ,bitch!" masungit na saad nito at iniiwas ang tingin sa lalaking nakatitig sa kanya."Dyan muna kayo...May bibilhin lang ako" ngisi ko at iniwan silang dalawa sa tapat ng bilihan doon.
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Teen FictionPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...