Hint
"A-anong sabi?--" hindi niya pinatapus ang gusto kong sabihin ng bigla niya akong yakapin at maya-maya ay narinig ko ang sunod-sunod niyang paghikbi
What the? ako ba ang dahilan ng pag-iyak neto?
"S-sorry.sorry.sorry.sorry!sorry!sorry " sunod sunod niyang ani tinutulak ko siya palayo sakin para makita ang mukha ngunit mas dinidiin pa niya ang sarili sakin habang nakayakap.
"S-shone?" tawag ko ng humupa na ang hikbi niya.
Gumalaw ang braso niya saking leeg pinunasan niya ang mukha at nakayuko nagbitiw sa yakap.
"w-w-whats wrong?" tanung ko at iniangat ang mukha niya. Agad nanamang bumuhos ang luha niya ng makita akong nag-aalala.
"I-i didn't know. I should've! known! i'm sorry. Please forgive me...Please come back!" may galit ang reaksyon saakin ay nakatingin siya.
"Anong sinasabi mo" malamig kong untas. Dinudurog ang puso kong pinapanood siyang umiiyak. Naaawa narin at nagbubulungan ang mga nakakakita samin.
"Baka may cancer?o kaya nalaglag yung bata nung misis..nagsosorry eh" nagsialisan ang mga usasera at usarero ng tignan ito ng lalaking kasama ko ng may masamang tingin.
Ako dapat ang gagawa nun eh
pero mas mataray itong boss ko kaya wala kayo rito ahah!Nanlambot ako ng halikan niya ang nuo ko. Wala talaga akong clue sa mga pinaggagagawa nito. Nanaginip ata ako. Kung oo, sana huwag na kong magising.
"S-sabihin mo na naman ba na e-ex k-kita?--"
"sshhh! maghanda ka na pupunta tayo ng aurora" parang uto-uto akong tumango sa kaniya.
Kung panaginip man ito handa akong hindi na magising talaga, promise!
Tahimik kaming bumalik ng bahay. Hindi ko na tinanong kung anong sinabi ng Doctor Doqueza na sinasabi niya kaya umiyak siya ng makita ako. Siguradong alam na niya ang kalagayan ko ngayon. Nagsisisi siguro sa sandamakmak na trabahong pinagawa niya sakin noon. Kulang nalang gawin nuya kong janitress niya.
Bakit kailangan ko pang sumama sa kaniya? Una, Hindi na ako ang secretary niya .Pangalawa, Bakit nga ba?
Pero naisip ko na, isa na rin itong hakbang para makalimutan ko na ng tuluyan ang nakaraan. Hindi ko alam scene by scene pero ang pakiramdam at emosyon sa mga iyun ay tandang tanda ko.
Pagod na pagod na ako.Gusto kong makatakas mula roon. Kaya ito na rin siguro ang daan papunta para man lang makalimutan ko yung sakit. Kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit.
Ngayong mga nagdaang araw napansin ko ang pagbabago ko.
Hindi na ko palaban hindi na ko nagtataray sa kaniya. Simula ng gabing iyon ng patahanin niya ako ay gumaan ng pilit ang loob ko sa kaniya. Binalewala ko ang pagkaka-irita sa tuwing nakikita siya.Tinanggap ko na..
Kailangan pala ng iba..
Kailangan ng kasama para makalimut ka
Sana makalimot na nga
~~~
"Ready?" pilit giliw niyang saad. Hindi mo ko malilinlang, alam kong may bumabagabag sayo. Mariin ko siyang pinagmasdan saka tumango habang hila-hila ang maleta.
Sa byahe patungo ng Aurora ay nakakapagod. 8hours mula rito sa bulacan. Nakatulog ako at gumigising na lamang pag gigisingin niya ko't stop over dahil kakain.
Pagkarating sa Baler ay nakatanggap ako ng init at pangungulila sa mga mata ng taong dumadapo sakin. Parang nais nila akong lapitan at yakapin ng mahigpit ngunit lumalayo na lamang pagnakikita ang kasama ko. Hanggang dito ba naman ay nakakatakot itong lalaking ito? Bakit parang kilala nila 'ko?
Mas lumala ang pagsalubong ng mga tao samin ng makarating kami ng Dilasag. Lahat ng nakakakita samin sa tuwing bababa kami upang magmeryenda o kaya naman ay may kinakausap si Shone ay hindi matanggal ang titig sakin ng mga tao. May kahawig ba akong artista?
Nagulat silang lahat ng bigla akong pumukit at ininda ang sakit sa Ulo. Malapit na akong matumba ng masalo ako ni Shone.
Nagbulungan ang mga tao roon ngunit hindi ko na lamang pinansin dahil sumakay narin kaming sasakyan.
"S-senyorita!--
"Pagod siya manang. Paki-hatid sa kwarto at tawagin lahat ng kasambahay may mahalaga akong sasabihin" pagpuputol ng kasama ko sa matandang sumalubong samin sa malaking mansyon.
Hinawakan niya ang likod at kamay ko para igiya sa hagdan. Sumulyap ako sa lalaking nasa likuran at nakatayo siya habang nakatitig sa pag-alis ko.
"S-s-senyorita bakit b-bumalik pa kayo --ay! bat ngayon lang kayo b-bumalik?" ani ng magiliw na matanda sakin.
Kunot nuo ko siyang tinignan. Pinagsingkitan ko ito ng mata at inaalala kung pamilyar ba ito sakin ngunit malinaw na ngayon ko lang ito nakita. Salungat sa nararamdaman kong mabigat at kinakabahan.
Bakit para naman akong kriminal at may atraso sa mga tao dito.
"H-hindi pa ho ko nakakapunta dito, m-manang" ani ko ng buksan niya ang pintuan ng kwarto. Pagkapasok ay may malaking kama malawak na silid at hugis gitarang bintana. Ang ganda! Sa lahat ng nakita ko sa byahe ay dito gumaan ang loob ko. Naisip ko agad ang sariling kwarto sa Bulacan. Dapat mayroon din yung ganto.
"H-h-ha?" nagtataka niyang saad na parang ngayon lang naka recover sa isinagot ko kanina.
"Idinala ako rito ng ex-boss ko si Sir Shone--
"d-diba alex ang tawag mo sa kan--
"Manang! kailangan na niyang magpahinga. Lets go." malalim at may diin na tinig ang narinig namin sa pintuan. Kita ko ang pagkakilabot sa mukha ng matanda at ngumiti ng mapait sakin. Nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata nkya.
"Sana hindi ka na lang bumalik..hija~" bulong nito sakin pagkahaplos ng pisngi ko.
Bigla ay nakaramdam ako ng bigat sa aking puso . Hinawakan ko ito ng mariin. Iginala ko ang paningin sa kulay kahel na silid. May flat t.v sa dingding kaharap ng malaking kamang kinauupuan ko. Sa gilid nito ay may lagayan ng mga libro.
Sa tabi ng aking kama ay may munting lamesa na may vase na walang bulaklak. Sa kabilang gilid ay may pintuan sa hindi kalayuan. Pagkatapus ay malaking bintanang hugis gitara. May glass door ito at pagkalabas mo doon ay veranda na.
Napakaganda ngunit hindi na kayang sumabay ng damdamin ko kagaya ng kanina. Lungkot at pighati ang naramdaman ko lalo na ng makita ang nakataob na picture frame sa taas ng lagayan ng mga libro. Mababa lang naman ang cabinet hanggang tuhod ko lang ito.
"a-ah!!" pag-inda ko sa sakit nananuot saking ulo. Isang 'ako' ang nasa litratong iyun! Payat at mahaba ang straight na buhok. Taliwas sa ngayong medyo may kakurbahan kong katawan ,maputi ako hindi gaya sa larawan na medyo kulay kayumanggi. Mahaba rin ang buhok ko ngunit medyo wavy naman ito at hindi itim ang kulay. Basag ang picture frame na iyun at ...h-h-hindi ko maalala k-kung kailan at saan at kung bakit ako nandyan o kung ako nga ba talaga yan.
Kaya ba ganito ang mga nararamdaman ko sa lugar na ito? Mula sa mga tao at sa mga paligid. Tumatakas nga ba ako sa nakaraan.
"S-shone" nagtataka kong ibinulong.
Wala akong litrato noong bata pa ako pero nakikita ko naman ang mukha ko sa salamin kaya napagkumpara ko ito.
"Akala ko nagpapahinga ka na" umalingawngaw sa buong silid ang pagkabasag pa lalo ng pictureFrame na hawak ko ng mai-hagis ko ito sa pagkagulat sa biglang nagsalita.
"S-sino ka ?"
~
D i y a s
A/N: Ano nga kaya ang dahilan bakit nasa Aurora sila?
Dito na kaya makaka-alalang muli si Elliesse?
If you enjoyed this chapter, please support it by voting.
Lovelove
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Novela JuvenilPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...