CHAPTER 10

230 7 0
                                    

Mothers Day special

"Hello Mom? M-mommy!" saad ko sa telepono.

Hindi ko alam kung tama pa ba o gumagana pa itong dating house number namin. I just want to try, i really miss my family. Nabuhayan ako ng may sumagot.

"Yes? Who is this" matinis ngunit malamig niyang aniya.

Di ko napigilan ang luha at napaupo ako sa lapag. Nasa kwarto parin ako rito sa Aurora at wala akong balak lumabas habang hindi nakakausap ang Mommy o ang Daddy ko.

"i-i miss you Mom. I-i-i'm sorry ..please forgive me" madamdamin kong pinipigilan ang paghagulhol ngunit sadyang ang hirap pigilan.

"I-im talking to?" nanlalambot niyang saad. Mas umiyak ako ng todo. Hindi ako makapaniwalang hindi manlang niya nahulaang 'anak' nya ang kausap.

Nung nalaman nitong may lihim kaming relasyon ng isang Natividad ay ipinagtabuyan nya agad ako sa pamilya

"M-mom?" puno ng pangungulila kong saad.

Mas umiyak ako ng walang sumasagot.

"Mom are you busy?" lakas loob kong saad pero mas nanlambot ako ng hininga nga lang ang naririnig ko.

"I-i want you to listen--" tinakpan ko agad ang bibig ko dahil lumabas ang matinding paghikbi roon. Kumalma ako ng mabilisan bago nagpatuloy sa pagsalita.

"M-mahal na mahal na mahal kita Mom. I want you to know that you are the greatest of all the great. Patawad sa lahat ng p-pagkukulang ko. Patawad dahil nabulag ako sa pagmamahal. Ayaw ko sa twing nagkakasagutan tayo. M-mommy nasasaktan din ako sa twing na didissapoint ko kayo. Nagagalit din ako sa sarili ko sa twing nakikita ko kayong nahihirapan ni Daddy sakin. I-i lost my memory--but don't worry...I clearly remembered everything now. Sorry dahil 'di ko kayo natawagan haha..Isat kalahating taon din ata Mommy noh. Hindi ko alam kung alam niyo o hindi pero gusto kong malaman n'yo na pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko. Kayo ang lahat saakin Mommy, kayo ni Daddy. Please fo--" sobrang lakas ng hagulhol ko ng maputol ang linya. Sa kabila nun ay thankful parin ako dahil nakinig sya. Hinalikan ko ang screen ng Cellphone ko at binulungan iyon. Baka sakali kasi ay hindi pala nya pinatay. Baka marinig pa nya.

Baka may pake-alam na sya sakin ngayon. Taliwas sa palagi nyang sinasabi na 'i don't give a fuck' nung mga araw na nag-aaway kami ni Shone at wala akong matakbuhan kundi sya. Baka mapatay kasi ni Daddy ang kasintahan pag dun ako lumapit.

baka maisip n'ya na mahal ko talaga sya .

Mahal na mahal ko sya. Matinding paghihirap ang pagbubuntis niya kaya nga ako lang ang anak nila ni Daddy dahil hindi kaya ni Mommy ang magbuntis pa.

maliban sa dalawa ko pang stepbrothers na anak ng papa ko sa una at pangalawa niyang kasintahan.

Sorry Mom.

Iloveyou.

"I love you mommy, happy mothers day~"

~~


Kinaumagahan

napabalikwas ako ng higa dahil sa malakas na pagbukas ng pinto.

"Ano yung nalaman kong umalis ka daw nung nakaraang linggo!? at sa'n ka naman nagpunta?! bakit 'di ka nagpaalam!" malakas na sigaw niya. Tamad akong umupo at ngumisi ng palihim.

Galit na galit?Wala na bang mas igagalit yan?
Tss, walang wala yan sa galit ko!

"Owh! I'm sorry~" nanunuya kong saad at malambing natumingin sa namumula niyang mukha.

You'd never change Alexion.

"Sa'n ka nga nagpunta!" kahit humina ang pagkakasigaw n'ya ay mariin parin naman ito at may sangkap ng galit.

"eh ikaw? San ka nga ba nagpupupunta, Shone?" inosente kong tanong hindi inintindi ang sa kaniya.

My plan for now is to pretend that i can't still remember anything. Kaya baka pag Alex ang itinawag sa kanya ay magtaka siya.

Paglalaruan ko muna ang kainosentehan niya ngayon. Kung paano niyang pinaglaruan ako.

Napangisi ako ng hindi siya nakasagot. Estatwa siyang nakatingin sa headboard ng kama. Animong nakikita niya roon ang halikan nila ng kabit niya. Tss. Tumayo ako at iniwan siya roon. Maagnas ka sana dyan!

"Goodmorning manang!" maligaya kong saad at bumuntong hininga ng mapait lang itong ngumiti. Eto naman palaging stress kapagka nakikita ako.

"Kamusta ang pagsunod mo kay Peter nung nakaraang linggo. Hindi kita natanong dahil 'di ka naman lumalabas ng kwarto mo pagkatapus nun" ramdam ko ang presensya ni Alex sa likuran kaya umupo ako na parang wala lang ang tanong ni Manang. Kahit kating kati na kong ikwento kung gaano siya sarap na sarap sa halikan nila nung Katrian na yun. Iyun pa naman ang pinaka-mahabang sinabi ni Manang sakin. Sayang~

Kalaunan. Hindi ko ring napigilang dumaldal.

"Hmm. Wala naman manang. This place have a nice beaches~ huh." saad ko at diniinan ang salitang 'beaches' yeah bitch!

"Saan?!" agad na singit ni Alex mula sa likuran at umupo sa harap ko. Magkatapat kami ngayon ng long table sa kusina

"Dipasa...leng?" tanong ko pabalik sa kanya. He swallowed hard na nagpayuko sakin para ngumisi. Swallow your spit dumbass!

"o-oh..really?" wala sa sarili niyang tanong. I cleared my throat bago nagsalitang muli

"Yes, pero i got bored so...Cj and i, just hanged up and enjoyed the beach~" madiin at makahulugan kong muling saad sa 'beach'

Matalim niyang tinignan ang tinidor . Sana maisip mong isaksak sa sarili mo  ng hindi na ko mahirapan.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit iba ang asal niya sa twing galit sya. Pshh! Gustong gusto ko na nga syang barilin ngayon sa sobrang galit ko eh. Pero magiging madali lang ang buhay niya kung ganun.

Gusto ko yung dahan dahan lang. Pangmatagalang sakit kumbaga.

"honey, can you hand me  ketchup" sabay turo ko sa ketchup na abot ko naman pero gusto kong sya ang mag-abot sakin nito.

Ibabasag ko lang sa ulo mo.

"Here" ani nito at binuksan pa para sakin

"thanks Hon~" malambing kong saad. Tumikhim pa sya at maging si Manang sa biglaang asal ko. Malandi ba masyado?

Malagkit akong sumusulyap sa kaniya. At malambing na ngumuya. I surely laugh very hard pagkatapus nito hahahah.

"Oh. Katrian! hijah, pasok." umalingawngaw sa loob ng bahay ang pagbukas ng pinto.

My dearest bestfriend ...Katty...

katty dah makati hihih. Amp!

"hello, dear~" malambing kong saad saka lumapit sa nakatayo ng Alexion para harapin ang bisita. 

Ipinulupot ko ang buong braso sa bewang ng lalaking katabi at nanunuyang tumingin sa nakangangang Katrian na ngayon ay tumikhim at ngumisi nalang.

"Hmm! Honey, medyo mabaho ka na. You should take a bath--no! we .should. take a bath~ sabay na tayo hihih " magiliw kong ani pagkatapus amuyin kunwari ang braso niya. Kung may pinaka O.A na tawag sa pag-arte ko ,yun na yun

Makahulugan lang na nagtititigan ang dalawa. Habang si Manang naman sa tabi ay malamig kaming pinapanood. Animong nanonood ng magkaharap na nag-aagawan ng lalaking hindi naman kagwapuhan.

"Mauna ka na." wala sa sariling saad ng lalaki sa tabi ko .Tumango lang ako at hinalikan siya sa pisngi.

"okey~ I love you" paalam ko sa kaniya at sinulyapan pa ang naiinis ng Katrian ngayon. Halatang nagseselos ka, engot.

Hah! Kailangan kong magtoothbrush ng maraming beses.

Gggrhhh!

~
D i y a s

A/N: Nagsisimula na! Hihihi.

If you enjoyed this chapter, please support it by voting

Thank you for reading mga kaEx!

I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon