Dear Diary,'Sa mga nagdaang araw
Naibsan ang palahaw
Ang mga ala-alang gumugunaw
Hindi na muling pumaibabawUnti-unti akong napamahal sa kanya
Sa ex-boss kong pafall rin pala
Mga mga gumugulo sa isipan tuwing kasama sya
Ay pilit tinatabunan ng panibang ala-ala'"Ohh kain ka pa hahaha!"
"Busog na nga ko eh! hahaha"
"M-mga bata ,bawal ang tumawa sa harap ng h-hapag" paalala ni Manang dahil sa nagkukulitan kami ni Shone sa mesa.
Hindi parin nagbabago ang pagkailap at ang makahulugang mga tingin nila. Tanging si Shone lang ang nakakausap ko ng maayos rito. At ayus lang sakin yun.
"Swimming?" aya niya ng matapus naming kumain.
"Sure!!" excited kong saad. Wala ng bihis bihis ay agad kaming tumakbo mula kusina at sabay tumalon sa kumikinang na pool sa umaga.
Sabay kaming nagtawanan ng tawagin siya ni manang.
"May bisita ka" malamig nitong tugon saka tumingin saakin ng may naaawa at nagbabantang mga mata.
Lumapit saakin mula sa tubig si Shone saka ako niyakap.
"Kung 'di pa ko nakabalik in 10minutes mhie ay umahon ka na okey?, i love you!" saka ako paulit ulit na hinalikan sa pisngi. Tumawa ako saka siya tinulak palayo.
"ano ba haha...oo na! bilis!" pagtataboy ko sa kaniya. Gusto ko ang halik niya kasu naiilang ako sa iling ni Manang sa gilid ng mga mata ko.
Lumangoy ako ng lumangoy. Hindi naman ganung kalamig ng tubig tsaka sakto lang dahil mainit ngayon dito sa Aurora.
Napuntahan na namin ang mga nag-gagandahang mga resort at beach sa lugar na ito. Mga laglag pangang Falls ,Dams at Rivers sagana sila sa magagandang tanawin. Hindi ko malilimutan iyung mga bundok na hugis 'defiti' ng 'moana' yung reyna ng kalikasan na nakahiga sa gitna ng katubigan ay meron din dito.
Kasabay ng pagmamahal ko sa kung anong hiwaga ng lugar na ito ay nahulog nga ako sa ex-boss ko. Hayss. Papogi siya ng papogi araw araw! wrawrr!
"Here i come!!" isang malakas sa splash ang bumulaga sa pool.
Tumambad saakin ang ngingisi ngising lalaki sa tabi ko.
"Oh ano naman yang nginingiti ngiti mo haha.Sino pala yung bisita mo?" ani ko sa kaniya. Inakbayan lang niya ako saka hinalikan ulit sa pisngi.
"Wala yun hahaha...namiss kita hmmmpp!" yumakap siya sa mula sa likuran ko ng mahigpit . Di ko maiwasang mapangiti sa pangyayare.
Kaya ko pa palang magmahal.
Kaya ko pa palang kalimutan ang sakit ng nakaraan .
Tiningala ko siya at inilapit naman niya ang mukha saakin para hindi ako mahirapan sa kakatingala sa kaniya.
"Thank you~" madamdamin kong saad. Ngumiti siya sakin at hinalikan sa labi.
Sa pagkakataong ito.
Alam ko na. At iaalay ko na.
Ako'y sa wakas malaya na
Mahal ko na ata siya.
"Mahal kita..." sabay ang ganti ko sa bawat halik na bigay niya.
Naputol lamang ang sandaling iyun sa hindi ko maipaliwanag na sakit. Biglang bumuhos ang mga luha ko at pilit kong pinapatigil ang sarili sa pagluha. Pinunasan ko ng pinunasan at pilit na ngumingiti sa harap niya.
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Novela JuvenilPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...