Dream
"Tumakbo ka na bilis!!--
"Hindi! hija dahan dahan ang anak m--
"Ellies!!"
agad akong nagtatakbo ng mabilis ng marinig ang galit na sigaw na iyun.
Masakit ang mga paa sa pasa at ang balat na mag sugat dahil sa mainit na sinag ng araw ng katanghaliang iyun.
"Sakay na!! Bilis!!" sumampa ako ng 'kulong-kulong' o motor na may sidecar pero walang bubong.
"Hahh!! " bigla akong napa-upo at niyakap ng mahigpit ang kumot. Kinagat ko ang laylayan nito at natatakot na umiyak.
Hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Ni Hindi ko na maalala ang boses ngunit ang salita at kung paano ako natakot, galit ,at awa sa sarili ng mga oras na yun.
Tandang tanda ko kung gaano ko kagustong makatakas sa lugar na yun. Kung gaano ko kinamumuhian ang kung sinong humahabol sakin.
Tandang tanda ko ang pakiramdam. Ang sakit mula sa mga pasa. Tandang tanda ko ang lahat maliban sa kung sino at ano ang mga tauhang lumabas sa panaginip ko.
Magdamag akong umiyak ng umiyak.
Nakaupo lang ako habang yakap yakap ang tuhod. Pinagmasdan ko mula sa labas ang unti unting pagsinag ng araw.Bakit ganito ang nangyayare saakin
Namumugto ang mga mata ko. Alam ko kahit hindi ko nakikita. Ramdam ko ang paghapdi nito.
Ngunit hindi parin iyun naging isang matibay na rason para tumigil ang mga luha sa pagbuhos.Akala ko ba ay makakatakas na ko. Hanggang dito ba naman ay hahabulin parin ako ng bangungot ng nakaraan.
Ano nga ba ang nakaraang iyun.
anong nangyare. Bakit...
Bakit gustong gusto ko ang makalimot.
Ano ba talaga ang nangyare.
"Aaarrrgggghhhhhh!" inis kong sigaw at pilit na sinabunutan ang makapal na kumot na siyang bumabalot saakin.
Pasensya ka na kumot na damay ka pa. Ganun pala talaga 'noh, kung sino pang-kumo-comfort sayo ito pang masasaktan mo.
"hays" baliw na ata ako. Ani sa isipan.
Tamad akong sinulyapan ang pintong bumukas.
Iniluwa nito ang agad na nagulat kong ex-boss. Nakaramdam ako ng awa para saking sarili dahil sa reaksyon niya.Dali dali niya kong niyakap na parang wala ng bukas pa.
Hinagod ang likod ko na mas lalong nagpaiyak pa saakin.
Isang anyo pa ang nakita ko sa nakabukas na pintuanYung matandang naghatid sa kwarto ko kahapon.
Malungkot itong umiling ng umiling saakin. Na animoy hindi nya gusto ang imaheng nakikita sa harapan niya.
Nakaramdam ako ng matinding kuryusidad.
Napawi ang lahat ng makaramdam ng halik saaking nuo. Tinitigan ko ang namumula niyang mga mata.
Panakinggan ko ang paulit ulit nyang mga salita
'Sorry sorry Elliesa Mahal na mahal kita'
~~
"Hindi mo na ko naaalala? h-hu?!" tawa nito at binalingan ako ng masamang tingin.
Napaatras ako ng napaatras para lang hindi siya tuluyang makalapit sakin
Masamang ngumisi ito sakin. Sumusulyap ako sa may pintuan nagbabakasakaling lilitaw ang lalakeng kanina ko pa hinihintay ngunit walang nagpakita.
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Novela JuvenilPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...