"Alam mo wag kang feeling close ha!" puna ko sa kaniya pagkalabas ng banyo ko.
Oo! Banyo. Ko!
Nagulat nalang ako at may pinabuhat sjyang aparador papasok sa kwarto ko at lipat kwarto raw siya! Hindi ko naman mapigilan dahil...gusto ko din.
ng unti!
"Ang Mama at Papa dapat palaging magkasama~" dahilan pa niya ng sinita ko ang pamamasok niya ng biglaan.
Gggrrrrhhh... Out of nowhere bigla siyang aakto ng ganito? Anong nakain mo chong. Yung saging ko noh?
"M-magdamit ka nga!" naiirita kong saad habang nakatitig sa sizzling hot abs niya. Alam nyo bang mahilig din ako sa sisig? Wala masabi lang.
"Ayoko nga! Parang gusto mo yung ...view eh" maramdamin niyang sagot. Feel na feel ang bawat binibigkas niyang mga salita, inshort nag aassume. Hindi ko namalayan na hinahawakan ko na pala ang mala-pandisal sa dibdib niya.
"w-waaaahhhhhhhhhh!" tinakpan ko ang mukha dahil sa kahihiyan. Kinuha ang kutsilyo sa tabi at pinagsasaksak ang kamay. Agad kong dinukot ang mata saka binuhusan ng alcohol--chossss
"sshh...it is okey hon, ikakasal naman na tayo eh--
"w-what?! eh wala ngang TAYO!" malakas kong sigaw sa kaniya. Atsaka hindi ka muna ba manliligaw? o kaya kahit propose nalang kung talagang tinatamad ka.
"Hey, 'wag kang sumisigaw baka marindi ang baby at lumabas sa tiyan mo"natatawa niyang saad at niyakap pa ko ng mahigpit.
Hindi pa nakuntento! Inilapit pa ang katawan niya!
"A-ano yun?" kinakabahan kong saad ng may naramdaman ako sa likod ng kamay na--ano timitigas!
"Si...jr. goodmorning raw--
"yuck!" itinulak ko siya agad at naiiritang tumingin sa kaniya. Arte ko kunwari hindi ko pa nakita.
"M-magbibihis ka?! o Papalayasin kita dito!" sabay turo ko sa aparador niyang mas malaki pa sa lagayan ng damit ko!
"Eto na! eto na..hahaha" pakanta pa niyang aniya. Nanggigigil akong lumabas ng kwarto. Nanginginig pa ang kamay kong nasagi doon!
"Ang tanghaling tapat ay nagwawala ka nanaman hijah, baka makasama sa bata iyan.."bati sakin ni Manang sa sala
"Pinaglilihian ata si Kuya Jake, Manang hahaha" biro ng nagpapaypay na Nurse kay Amanda.
Nag-init ang pakiramdam ko. Dahil sa galit. Nag-liliyab na akong tumititig ng masama sa hindi manlang ako tignan na babae!
"Kapatid ka ba? "pang-aasar kong saad ngunit ako ang naasar ng nagtataka langa ako nitong tignan.
"po?" saad niya. Ayoko sa lahat ang mga slow, amp
"kapatid ka ba kako?!" sigaw ko rito.
"hijah.."saway ni Manang sakin
"Nino po?" abat! bumait ka? bumait?!
"ni Kuya Jake~ "pang gagaya at may landing tono ko katulad niyang malandi.
"H-ha? 'di po ah--
"ehh bakit may paKuya-kuya ka pa?! isa ka ring feeling close eh! paglihian kita d'yan makita mo" sigaw ko at nagmartsa papuntang kusina.
"bwisit!" reklamo ko pa habang marahas na nginunguya ang saging na mabilisan kong binalatan.
~
"Tinatanggap mo ba ako bilang asawa hirap at sarap sa--
"'wag mo ngang inuulit yung mga sinasabi ni Father!~" mariin kong bulong sa kahawak kamay ko ngayon ngunit napalakas a-ata
Oo, hindi na ako nagpaligaw. Para san pa diba? arte ko kasi hahah.
Tumahimik ang mga nagbubulungan, nag-iiyakan, at naghahagikhikan.
owh..no
"E-eherm, Hijah..." malumanay na pagpapatuloy ni Padre
"Tinatanggap mo b--
"O-opo! ay mean...opo Father.."putol ko sa pag-uulit ni Father dahil sinasabayan nanaman ito ng kumag
Halos siyam na buwan na. At ngayong buwan na toh at halos kapanganakan ko na rin. I mean buwan kung saan manganganak ako. Iyung lalabas si Baby ganun. Tatlong buwan ang lumipas bago ako pumayag na magpakasal talaga sa kaniya. Hindi dahil sa walang magiging tatay ang anak ko kundi ay ang...mahal ko talaga ang lalaking ito.
"Ngayon ko nagpagtanto ang tamang oras, lugar at panahon para sa pag-ibig. Tamang tao at tamang puso sa tamang mga salita, tamang pangako sa tamang mga haplos. Ngayon ko mamarkahan na ako'y malaya na nga walang pagdududa, walang alinlangan dahil lahat ng mga mali naging tama, wala namang mali na nanatiling mali. Lahat ng ito ay mabubura sa tamang pagkakataon. Ilang taon akong nagsilbing ballpen na walang ginawa kundi ang mamulat sa mundong lahat ng bagay ay nakukuha ng mabilisan. Agaran at polido hanggang sa 'di namamalayan na ang ballpen na ako ay mali-mali na pala ang tadhanang iginuguhit sa sariling mundo, e-ehem. At dumating ang mahiwagang lapis na katulad mo nagsisi ang ballpen kung bakit binalewala ang lapis na nagparamdam at nais pumasok noon sa buhay nito, nagsisi ang ballpen na ako, kung bakit parehong ballpen ang hinanap ko hindi pala lahat ng parehas ay bagay, hindi lahat ng pantay ang kulay ay magkapantay. Hindi pwedeng Ako at Ako dahil mas maganda pala ang Ako at Ikaw.
B-binura ng mahiwagang lapis ang kamalian ng ballpen. Iginuhit n'yang muli ng paunti-unti ng may tamang sukat at anggulo ang ballpen na wasak. May pag-asa pa pala ang lahat ng nawarak pwede pa palang tumayo ang lahat ng nasulampak. S-salamat at bumalik ka. Salamat dahil pinilit mong maging katulad kong ballpen para lang mapansin kita, patawad dahil binalewala kita noong mga panahong lapis ka pa pero alam mo?H-hindi ikaw ang nagbago hindi ka naging ballpen, kundi ako. Naging lapis akong katulad mo--at masaya ako dahil doon. Nagkaron ako ng pambura na hindi ko na kailangan pang matakot kung magkamali dahil kaya ko ng itama, na meron ka, na akin ka na lahat na ay naging tama, na mahal na mahal kita, salamat at dumating ka---*Tsup!
'wwwooohhhhh..ayieeeeeeeeee '
*clap *clap *clap *clap
nanatiling nakabuka ang mga mata ko dahil sa biglang paghalik sakin ni Cj sa papatapus kong mga salita para sa kaniya. Hindi talaga ako pinatapus?
Pinunasan niya ang sariling mga luha bago pinunasan ang akin.Ang pambura ko.
Gusto kong gumanti at ngumiti pero may iba akong nadama
"J-jake..." nakita ko ang pangamba sa mga mata ng asawa ko. Nataranta narin ang mga tao sa paligid. Yumuko lang ako at pinilit na tumayo. Inakay ako ni Cj at pilit na tinatanong kung anong mali
M-manganganak na ko!
"L-lalabas na s'ya!!" agad nag-sigawan ang mga tao ang iba'y ginaya ang isinigaw ko at nagsisi- 'lalabas na s'ya' silang lahat.
jusssmeeeeee...Ano manganganak pa ba ako o sigawan nalang?
"Ano ba! " sigaw ko kay Cj na muntik na kong mabitawan dahil nagtutumalon na ito. Pilit na isinisigaw ng Padre na idala na ko sa hospital pero paano kung yung asawa ko ang driver ko palagi?!
Ggaahhhhh!
~
D i y a sA/N: Manganganak na siyaaaaaa! Oh makisigaw na rin kayo. Kung trio n'o lang diba? hekhok
Magic: Pindutin ang star sa baba. Magkukulay orange yan. *wink
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Teen FictionPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...