"h-hoy! ano bang iniiyak iyak mo dyaan, s-si baby?" kinabahan ako dahil sa patuloy na pag-agos ng luha ng aking asawa ang nadatnan ko pagkamulat ng mga mata. Nginitian lang niya ako saka hinalikan ang nuo
"J-jake.." nanginginig kong saad.
"Shhh....please rest first--
"aray!" angil niya ng buong pwersa ko siyang sinapak. Napaatras pa ito sa lakas.
'kawawa naman si Kuya pogi'
'hihihi ang cute n'yang umaray...'
Dinig kong bulungan ng ilang nurse sa loob ng kwarto ko. At bakit nandito pa kayo? Nagulat ako ng lumabas ang Doctor na nag-paanak sakin sa isang pintuang nasa kwarto ko rin.
"Congratulation Mrs. and Mr. Natividad, a healthy baby girl!~" excited niyang saad saka inihiga saking tabi. Nakamaang lang akong tinitignan ang maputi kong anak. Ang pula ng labi. At yung ilong! Sinulyapan ko si Cj na nahuli kong pinupunasan nanaman ang mga mata. Nakuha ni Baby ang tangos ng ilong ng papa niya.
"Hi, baby "nakangiti kong pagod na saad. Gusto kong maiyak pero mas nangingibabaw ang ngiti sa labi ko. Parang ngayon lang lumabas lahat ng pagod ko. Parang napakakomportable ko. Parang naalis lahat ng sama ng loob.
"Hoy! Hindi ka ba mag ha-hi sa baby mo?" tawag ko sa asawang nakatulala lang saming mag-ina. Hawak hawak ang cellphone nito at parang tangang nag vivideo. Lumapit ito sakin saka paulit ulit na hinalikan sa labi.
"Thank you! thank you! thank you. Hooo thank y--
"o-oo na! hahaha, I love you too!" pang gagaya ko sa technique niya.
"I love you more" saka nagpatuloy siya sa pagkuha ng litrato sa anak.
"Anong ipapangalan natin?" inosenteng tanong nito habang hawak ng marahan ang maliit na kamay ng aming anghel
"Christine" pangunguna ko. Tinignan ako ng asawa
"Kasi Christian, kaya--ayun" nawawalang boses kong saad dahil sa mapanuksong titig niya.
"Elliesse"
"oh?" tugon ko ngunit tinawanan lang niya ko
"Christine Elliesse Natividad. Para kompleto" nakangiting saad niya.
"Hmm sige" nakangiti kong saad.
"Hi baby Cen" ani nito na nakapagpakunot ng nuo ko
"shen?"tanong ko rito
"C.E.N --Cen"sabay tango pa nito
"hi baby shen shen! " saka ko hinaplos ng daliri ang pisngi nito
"Hi tayo ng hi hahaha" wala sa sariling tawa niya.
Tumawa na rin ako.
Hindi ko matimbang ang saya ngayong araw na toh. Parang pagkatapus ng sandaling ito ay magiging masaya na ang magiging araw araw ko kasama ang mag-ama. Lilipat kami sa bahay ko sa Bulacan ngunit sadyang makulit itong asawa ko at nagpagawa pa ng panibago para saming tatlo. Dapat daw lalaki ang nag-uuwi ng asawa at hindi raw ang babae. Isang linggo muna kami rito sa Aurora bago lumuwas, magpapahinga muna kami ni Baby ng kaunti
"Mahal na mahal kita baby" tinignan ko ng nakangiti ang ama ng aking anak ng sakin pala ito nakatingin
"Ako ang baby mo?" kinikilig kong saad.
"hindi yung pader" pang aasar niyang saad. Sumimangot ako ngunit nakitawa rin sa kaniya kalaunan.
"Mahal din kita baby" sabay tingin sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Teen FictionPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...