CHAPTER 17

185 5 0
                                    

"M-manang ?" gulat kong usal ng humarap siya sakin. Napaka-ganda niya pala. Mas lumabas ang ganda niya kahit matanda na ay may karisma parin pala s'yang tinatago.

Nagpagupit s'ya hanggang balikat...

wait...

"Kayo po ba ang nag-alaga kay Alexion ?i mean mula bata" saad ko habang palabas kami ng salon na iyun

"a-ahh oo naman ,syempre" sagot nito sakin.

"ahh kaya pala magkamukhang magkamukha kayo. Kasi sabi nila pag sayo na lumaki ang bata eh magiging magkamukha daw kayo haha" kwento na nakapagpamula sa kaniya ng pisngi

"hay naku kang bata ka haha" tawa niya pabalik. Ala Una palang kaya wala pa si--ang sundo! ayokong banggitin ang pangalan nya. Naiirita ako.

Umupo muna kami ni Manang sa may mang-inasal saka umorder ng halo-halo.

"Alam n'yo Manang. Ang sungit sungit ng anak n'yo." sabay tango ko pa habang tinitignan ang labas baka kasi andyan na siya. Hindi ako excited

"Hahaha...Oo nga" sagot lang nito at nagpatuloy na sa pag-kain

Marami ba kaming napagkwentuhan tungkol sa mokong na yun at palagi namang iba ang sagot niya. Taliwas sa pagpapakilala ko sa kaniya

"At alam mo ba palagi ko yung nakikitang  hawak ang cellphone, kung hindi nagpapatugtog ay ewan ko nalang" natigilan ako sa maruming iniisip shh!shh! stop that! Sa sobrang kaabuyan nun ay baka hindi niya alam ang mga online site para sa ano--hehehe. Wala joke lang

"h-ha? eh bihira lang yun magcellphone, Tuwing may importanteng tawag lang ganu--

"wait ngalang  Manang"pigil ko sa kaniya.

"Sino ba kasi yang tinutukoy mo?" ani naman nito sakin

Kumunot ang nuo ko. Sabi ko nung una ay 'anak' eh sino pa ba ang anak niya.

"Si ano..Cj" ehhh! sabing ayokong banggitin ang pangalan na yan eh grrr!

"ha? eh si Alex ang tinutukoy ko--

"eh diba--haysstt! Manang naman eh anak ang sabi ko hindi anak-anakan" kaya pala hindi kami magkaintindihan kanina pa.

Pero sa chat kami unang nagkakilala ni Shone sa pagkakaalala ko. So importante ako? noon.

Parehas na dummy(not real) account ang gamit namin . Then, nagkakilala at ayun nga. Hanggang sa nagkikita na kami hanggang trahedya sa pamilya ko, pinalayas at iniuwi niya ko ng Aurora dahil doon.

Paanong di sya mahilig magCellphone eh halos 24/7 nakakapagreply yun palagi. Animong mga teenagers kung maglanturan

"Ohh, ayan na pala si Jake!" bulalas ni Manang. Napatuwid ako sa pagkakaupo at tama nga andyan na siya!

Dali-dali akong tumingin kay Manang at pinigilan itong tumayo.

"Wait!" saad ko at iminuwestra ang mukha sa kaniya.

"ayus lang po ba? maganda ba na nagpatrim ako manang? ayun ba yang pagkakaplantsa? "sunod sunod kong tanong sa kanya. Tumango sya ng tumango

"oo maganda.." ngumiti pa muna siya bago lumabas. Haysss...Okey na toh--at wait lang ba't ako kinakabahan sa looks ko? Maganda ako. At kahit kalbo pa ko ay maganda ako.

Di man ako maligo maganda parin ako..Sumunod ako kay Manang palabas ng Inasal. Habang naglalakad ay pinapalakas ko ang loob ko.

Magandang maganda ako. Di man ako magmake-up .
May damit o hubad man
Maganda ako
maganda ako sa kahit anong anggulo.
Kahit anong anggulo--ang gulo ko ha! pero magand--

I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon