"Ako ang Ama ""t-tsa?! hahaha...ULOL!!" hinding hindi na ko maniniwala sa mga kasinungalingan n'yo NATIVIDAD. Mga manggagamit, manloloko, mukhang pera, balahura. Mga BABOY!
Natigilan ako sa paninira sa kanila nanh magsalita ito.
"Nung araw na yun. Nasa bar ka diba? At madramang tumutula sa harapan. Nilapitan ako ng wasak na Elliesse. Ang lasing na lasing at parang wala sa isip na Elliesse." hindi ako umimik. Nasa veranda ako't nakatayo, nakatalikod sa kaniya habang s'ya ay nakaharap sa likod ko. Malayo s'ya saakin. Nasa hugis gitarang pintuan ko s'ya nakasandal.
"N-nagawa kong kunin ang pagkakataon k-kasi baka pag nabuntis kita ay saakin ka pumunta, papanagutan kita. Kahit hindi ka mabuntis, papanagutan kita, kahit 'di mo ko mapanagutan k-kahit napapansin mo lang ako kung may kailangan ka, kasi mahal kita. Sobra sobra" unti unti nanamang tumulo ang mga luha ko. Mahal mo bulol mo!
Manhid na ata ang mga mata ko.
Pati ang puso ko wala ng maramdaman
Umiiyak ako ng dahil sa wala. Basta nalang sila tumutulo.
Hinayaan ko ang mga luhang iyan. Hinding hindi kita pupunasan. Hahayan lang kita dyan. Mapapagod ka din..
"M-mahal na mahal kita Ellie..."
"Ako ang palagi mong kachat. Sinabi ko na may kompanya ako. Sinabi kong mayaman nga ako. Sinabi ko na ang pangalan ko ay Peteranious Alexion. Sinabi ko lahat ng may kinalaman sa kanya kasi wala naman akong maipagmamalaki sayo. H-hindi ako pinag-aral ng magulang ko. Ako ang nagpaaral sa sarili ko--
"Bakit 'di ka pinag-aral" matabang kong saad
"W-wala daw akong kinabukasan. Hanggang bukid lang ako. Ako dapat ang magmamana ng Kompanya dahil ako naman ang totoong anak pero ayaw saakin ng pareho kong magulang...haha~" mapait niyang aniya. Nakaramdam ako ng awa hindi para sa kanya para sa sarili ko..
Nagsinungaling sila. Nagsisinungaling nanaman ang isang Natividad sa harap ko
Mga sinungaling parin sila
"Ba't mo sinasabi ang mga toh ngayon..." dahan dahan kong saad
"D-dahil alam kong aalis ka na, gusto ko lang malaman mo na nagsisisi ako dahil sa takot ko kaya hindi kita naipaglaban. Mayaman ka at patapon lang ako sa pamilya. Alam kong ayaw mo sa tulad ko--
"Shut up. Hindi mo ko kilala" malamig kong saad.
"I-i love y-you~" pumiyok pa siya
Ngumisi ako sa kawalan
"Love? what is love anyway? Hindi alam kung anong pakiramdam ng mahal ka, ng minamahal ka, ng mahal ka ng sobra. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng may nagmamahal sayo." walang gana kong saad
"Bakit n'yo ko ginanito. Wala akong pake-alam sa kung anong kwenta ng pera para sa inyo. Ba't naman n'yo ko pinaglaruan." humagulhol na ko Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang sakit. Parang lalabas na nagmamakaawa ako at awa-awa ako. Puta~
Ang sakit sakit sakit
"G-give us chance Elliese..."
"Sorry...I can't"
" Please--
" I can't Cj. Leave me alone. Ayaw ko ng marinig ang mga kasinungalingan mo. "
"I'm sorry..."matigas na ingles niyang saad bago ko narinig ang marahang pagsarado ng pintu
Maghapon lang akong tulala
Hindi kumain
Hindi naligo
wala akong maramdaman . Namamahid ang aking buong katawan
Gusto kong lumaban pero para saan?
Gusto kong maghiganti pero hindi na kailangan
Sa huli rin naman ay ako ang talunan
Para san pa ang lumaban kung wala naman akong kalaban.
Hinawakan ko ang Tyan ko
Baby...Kumapit ka lang
Sisiguraduhin kong hindi na ako magkakamali ngayon
~
D i y a sA/N: B-baby whuuttt?!!
Buntis ba siya?
Buntis nanaman siya?
S-sinong Ama?

BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Genç KurguPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...