Bored
"Manang..." tawag kong muli sa kaniya isang araw habang naghuhugas siya ng pinagKainan
"Gusto mo pagupit? punta kasi ko salon ngayon,tara!" magiliw kong yaya sa kaniya.
Bakit ko ba siya inaaya?
Una ,dahil boring na boring na ko. Pangalawa, hindi ako pinapansin nitong Cj, ayaw akong ihatid!
Pangatlo, hindi pwede na si Katrian at ang bulok niyang sasakyan ang gamitin,pshhh! as in naman na pumayag na samahan ako nun--at no way in earth na yayain ko yung bruhang yun.
Pang-apat, wala si Alexion--pake-alam ko dun! pero ang paalam niya sakin ay saglit lang daw siya. Limang oras na ang lumipas
Pang-lima, no choice si Manang nalang talaga."Tara na kasi....eehhhh!" irita kong saad sinundan ko pa siya habang nagsusuklay kakatapus niyang maligo at andito parin ako nangungulit.
Inirapan ko si Amanda na naka Wheelchair. Baldado na siya at kitain niyo, yung panga ang pinaka naapektuhan ayun! 'di na makapagsalita. Tuturo turo nalang.
Tinuturo turo niya ako at pilit na kinakalabit ang Nurse niya."anong problema ,Donya?" malumanay kong saad at unti unting lumapit sa kaniya. Pilit naman siyang umaatras ngunit pinipigilan ng Nurse ito. Pinapakalma niya ito ngunit hindi siya natigil sa kakaturo sakin
"Kumalma po kayo. 'Di po yan mabuti sa lagay niyo.." pilit na saad nito pero hindi parin natinag ang Donya
"Nabagok ang ulo niyan, nababaliw na ata" kumento ko at tiningala ako nung Babae saka ngumiti.
"Ang ganda niyo naman po kasi, kahit sino talaga ay mababaliw haha" ani niya na nagpatawa din saakin. Pinanlisikan ko ng tingin si Donya Amanda saka palang siya tumigil
"Thanks" iniwan ko sila roon at hinarap muli si Manang na nagpupunas ng vase.
"Ma--
"Oo! na hijah! Jusko ka ,oo!" frustrated niyang putol sa pangungulit ko napatalon pa ko sa galak. Tumakbo ako ng kwarto at nag-ayus. Kinuwa ko na rin ang punch ko na may cards ni Alex saka umalis.
"Kasama ko si Manang at mamamalengke raw kami!" pamewang kong saad sa nakahalukipkip at masamang tingin na Cj sakin. Ano bang nagawa ko sayong mokong ka at ganiyan ka makaasta ngayon..hmpp!
"Maniwala sa mga kasinungalingan mo" ngisi niyang saad sa matiim akong tinitigan.
"Totoo nga!" irita kong sagot. Ang tagal kasi ni Manang sabi niya ay magbibihis lang s'ya eh.
"Ganyan pa ang mamamalengke? nakaheels? at ano yang suot mo napaka-ikli baka mamaya pagpumulot ka ng isda ay yang isda mo naman ang bumalandra--
"hoy! grabe ka na ha! kung ayaw mo kong ihatid! pwes ,ihatid mo si Manang at makikisakay nalang ako sa inyo!"
"edi ganun rin yun..tshh!" singhal niya pabalik. Lumaki ang butas ng ilong ko at bago makapagsalita ay nagmaterialise na si Manang sa gilid ko
"Ohh diba! Hindi mo ba ihahatid ang maganda mong Nanay taduhh!" sabay tapik ko pa sa balikat ni Manang...Nakadaster siya ngayon. Bagay!
Naningkit ang mga mata ni Cj sakin at naalala ko kung paano maningkit ang mga mata ni Donya Amanda sa tuwing iniinsulto ang kagandahan ko.
"A-ano?!" gulat kong saad ng dahan dahan niya kong lapitan
"Tara na." saka niya ko tinalikuran at binuksan ang pintuan sa harap
Ang lapit ng mukha niya sakin
Napalunok ako sa kaba.Sayang --ay! muntik na ...iiwww!
~
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Teen FictionPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...