What the hell is he talking about?
Ang kaninang magulo kong isipan ay mas lalong gumulo dahil sa sinabi niya.
"E-ex? Child?" Kumunot ang noo ko, pilit na hinahalukay sa utak ko ang alaalang iyan-- pero wala!
"What are you talking about?! That's ridiculous!" naguguluhang sigaw ko.
"I-I can't believe it. I'm confused, Mhie." Mukhang naguluhan din siya sa reaksyon ko.
And now! Mas wierd na ang mga pinagsasasabi niya.
May sakit ba siya? Lasing? Baka naman nananaginip ako? O baka siya?
What's happening?!
Sa sobrang gulo ng sitwasyon ay mas gugustuhin ko nalang na lumayo sa lalaking 'to.
"A-aalis na ako, sir." Akma na akong aalis nang hinigit niya ulit ko papalapit sa kanya.
Nahilo ako bigla. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga pinagsasabi niya o dahil ba sa biglaan naming galaw.
"Argh!" Hinawakan ko ng sobrang higpit ang ano mang bagay na maaabot ng kamay ko dahil baka ay mabuwal ako, at 'pag minamalas ka nga naman, mga braso niya pa ang naabot ko. No choice, hilong-hilo na ako.
Agad akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Bakit ko nararamdaman ito? Bakit?
Huling narinig ko na lamang ay ang paulit-ulit na sigaw niya ng 'Mhie' at mura bago ako nawalan ng malay.
Para akong baliw, parang napakarami kong ininom na gamot. Hindi para malunasan ang sakit kung 'di para sirain ang sarili.
A-ano ba talaga ang nangyari sa 'kin?
Katulad nalang sa panaginip, nagising din ako na nasa loob ospital...
...na walang maalala.
Ang kaibahan lang ngayon ay naaalala ko ang komprontasyon namin ng boss ko kaninang umaga. Pero hindi ko alam kung bakit.
"B-bakit napakalaki ng galit mo sa 'kin?" mahinang usal ko nang maaninag ang mala-anghel niyang mukha pagmulat ng aking mga mata.
Umiling lamang siya at patuloy na hinaplos ang aking buhok.
"I didn't kill anyone... at wala akong matandaang nagkaroon ng karelasyon. I don't have a c-child and I--"
"Shh. Rest. Please..." pigil niya sa 'kin. "Let's talk some other time. Kapag maayos ka na."
It's all wierd again. His sweetness, the way he cares and the way he talks, the way he looks... it's all wierd.
Magkaibang-magkaiba sa tuwing sinisigawan at pinapahiya niya ako. Sa tuwing pinapahirapan niya ako sa kompanya niya.
Sana ganyan ka na no'ng una pa lang.
"Sleep." marahan niyang wika.
At heto na naman...
Ang marahas ay naging marahan.
Ang palaging nagmamadali ay nagdahan-dahan.
Lahat ay nagbago.
Lahat ay naging kakaiba.
Papaano niya nasabing nagkaanak kami at ex ko siya?
Kung ni isang tagpo na kasama siya... ay hindi ko maalala?
Weird.
Dalawang araw matapos ang sitwasyong iyon ay hindi ko inaasahan na maabutan ko siya sa labas ng bahay ko.
"Be my girl... again." rinig ko sa huling lintanya niya. Mahabang buntong-hininga pa muna ang pinakawalan niya bago siya humarap sa pintuan ko-- sa akin.
"Oh God!" bulalas niya sa sobrang pagkagulat nang makita ako. He even jumped in shock. Nang mapakalma na ang sarili ay saka siya tumikhim bago ako binati.
Pero bakit ba siya nandito?
As what I've said, it's been two days mula no'ng nangyari sa hospital at nagresign na talaga ako sa pagiging sekretarya niya. Kaya pa naman akong buhayin ng linggo-linggong pera na natatanggap ko sa tapat ng pintuan ng bahay ko.
Nagsimula ito noong dinala ako sa bahay na 'to ng mga hindi ko kilalang naka-black suit na lalaki.
Wala akong maalala noon at hindi ko maintindihan ang nangyayari. Pero natuto nalang akong mabuhay ng normal kahit wala akong maalala.
Maliban sa pangalan ko, ay wala na akong maalala. Binigyan ko na nga lang ng apelyedo ang sarili ko dahil nasama rin 'yon sa nakalimutan ko.
Tapos, sinubukan kong pumasok sa isang kompanya dahil sa ayaw kong umasa na lamang sa limpak-limpak na perang natatanggap sa 'di kilalang tao.
"So... ba't kayo napagawi dito, sir?" saad ko nang makapasok na kami at inimuwestra sa kanya ang mahabang sofa.
Inilibot niya ang paningin sa aking sala.
Hindi 'to amusement park para ma-amuse ka boss. Tss. Kahit papaano ay nirerespeto ko pa rin siya sa kabila ng mga ginawa niya sa 'king kalokohan.
"Y-you have a nice taste, huh?"
Hindi ko narinig ang iba pa niyang dinagdag, ang naintindihan ko lang ay ang salitang... 'dream'.
Tumango na lamang ako at pinakuhanan siya ng juice sa kasambahay ko.
Mayroon akong isa. Kasi walang magbabantay sa bahay kapag nasa trabaho ako eh. Pero iniisip ko ngayon na pagbakasyunin muna siya. Besides, wala naman na 'kong trabaho.
Tinignan ko ng pasiring ang boss kong inililibot pa rin ang paningin sa buong sala ng bahay ko.
Tss.
"Bakit ka nga pala uli nagawi dito, sir?" tanong kong muli pagkatapos niyang humigop ng juice. Uhaw na uhaw?
"A-ah. Ano--"
"Para sakin ba 'yang bulaklak, sir?" putol ko sa sasabihin niya sabay tingin sa hawak-hawak niyang bulaklak. Taas-kilay ko itong pinagmasdan.
Maganda pa naman sana. Kaso pangit ang ugali ng may hawak kaya... 'wag na.
"A-ah. Ano-- wala! May nagpabili lang. O-oo." natataranta niyang pagdadahilan at pilit pang tumawa.
Napakunot ang noo ko at pilit na lamang tinanguan ang paliwanag niya. Sayang. 'Yong bulaklak kasi na hawak niya... 'yon 'yon!
"Eh bakit ka nga uli nandito?!" Ngayon ay medyo nilakasan ko na ang boses ko. Paulit-ulit eh.
"Ha? E-ewan?!" Tinanong rin niya ang sarili.
Shek! Pumikit ako ng mariin, tinitimpi ang sarili. This is crazy. He's crazy!
"So..." Huminga muna ako ng malalim. "Hindi mo po alam kung ba't nasa tapat ka mismo ng pintuan ng bahay ko? Nakatawid ka sa gate at bakuran ko sir nang hindi mo namamalaya ?" inis kong wika sa kanya.
At ngayon ay mababakas ang kaba at takot sa pagmumukha niya.
"O-oo?" sagot na lamang niya na parang hindi na niya alam ang gagawin.
"Eh 'di...."
Inabangan niya ang sasabihin ko at tumigil sa paulit-ulit na paglunok.
Bumuga ako ng hangin at matalim siyang tinitigan. "Makakalabas ka ng bahay ko! Kung saan ka man pumasok ng 'di mo alam, sir. Now na!"
Tumawa ako ng bigla siyang tumayo at parang tangang mabilis na naglakad, o halos tumakbo na, palabas ng bahay.
Hindi bagay sa tulad niyang naka-suit ang matakot. Epic fail ang mukha niya. Para siyang manliligaw na tinutukan ng baril ng tatay. Pasalamat siya at medyo pogi siya sa paningin ko ngayon. At saka, wala akong baril.
Pero... Hays. Kaya ko ba siyang saktan? Kahit sa dami ng kalokohan niya sa akin, masasaktan ko ba siya?
Ah, basta! 'Di ko pa rin siya type 'no!
~D i y a s
A/N: Elliese , Ellisa, Ellie, Elliesse, El. Iisa lang pong tao iyan. Any idea kung bakit?
If you enjoyed the chapter, please support it by voting.
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Подростковая литератураPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...