Not me
"H-huh?! You makin' me laugh Ellies!!" malakas na umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ang sigaw niya.
"Tsk!" ngisi ko saka siya hinarap
"Bakit hindi mo ba masabe kung ano siya sa buhay mo?"
"Trabaho lang sa business!! Anong akala mo sakin ha!" pumadyak siya papalapit sakin at nagulat ng di manlang ako umatras.
"Ok." nakangisi kong saad. Kumunot ang mga nuo nito
"Bakit parang hindi ka naniniwala--
"eh ano naman sayo? Wala din namang magaggawa ang paniniwala diba? Pag naniwala ba ko. May magbabago ba? Iiwasan mo ba sya?" hamon ko dito ngunit sa halip ma sagutin ay iniba nito ang topic. Nice try ,asshole!
"Eh ikaw! bat palagi kayong magkasama ni Jake?! hah!" tango niya sakin na parang napakalaking kasalanan na ang pagsama sa trabahante niya.
"Ano naman sayo?"inosente kong tanong.
"Girlfriend kita! At meron sakin yun...Baka mamaya ay kung ano ng ginagawa nyong dalaw--
*pak
"Nababaliw ka na ,Alex..sion" pinatagal ko muna bago binanggit ang shone sa pangalan niya. Kabahan ka ng hayop ka!
Kating kati na kong gumanti sayo!
Hinawakan niya ng mariin ang pisngi at sa kabilang side parin nakatingin.
Lumapit ako sa tenga niyang nakaharap sakin at dun bumulong....
"Wag ako, Shone. Maawa ka sa sarili mo." makahulugan kong saad saka siya iniwan dung tulala.
~~
"Uyy! Cj nagpapahinga?" ilang araw ko ring nilalapitan ang kumag na toh ehh. Hindi dahil sa gusto kong inisin si Alex pero pwede na rin. Gusto ko ring ibalik ang pagiging magkaibigan namin eh.
Pero ayun nga. Wala akong nakukuhang magandang sign sa kaniya para maibalik yun. Ang taray kasi niya. Parang napaka-laki ng atraso ko tss.
Tamad lang niya akong tinignan. Parang bulaklak na nakalimutan nyang diligan kaya ngayon ay tamad na tamad na sya
"Paano ba ang umibig? ng tama sa tamang panahon at sa tamang tao" saad ko at itinukod ang mga braso sa kahoy na bakod .Naka-upo sya sa munting bench sa ilalim ng malaking puno. Nagsisilbing pagitan ang puno may malaking square na area na nababakuran ng kahoy na siyang kulungan ng mga baka. Parang mga 'Toro' na handang sumugod sa oras na buksan mo ang pintuan.
Hindi siya sumagot kaya pinanood ko nalang ang mga baka at nagsalita. Okey na yung malamang nakikinig sya. Unting suyo at unting share thought lang dito bibigay yan!
"Pano natin malalaman kung tama ba yung panahon at tao kung magmamahal tayo? Ikaw, 'di mo ba naisipang lumagay narin sa tahimik kasama yung mahal mo--
"wala pa kong maipagmamalalaki sa kanya."Agad niyang lamig na tugon. Sabi ko na nga ba!
Umakto akong hindi natuwa sa pagsagot niya.
Tumitig naman ako sa nakahahalinang mukha nitong pawisan ngunit hindi parin maaalis doon ang alindog. Warww! Ang daming nagkakandarapa sa lalaking 'toh pero ang sungit.Bakit kapagka Gwapo ay 'di mo manlang mapangiti. Masyadong mataas ang tingin sa sarili hmp!
At kapagkaPangit naman ay napaka landi. Hindi ko tinutukoy ang Ex-boss kong malanding walang pinipiling romantikong na lugar para magtaksil. Iww~ walang taste.
"Bakit. Kapagwala ka bang pera. Hindi kana pwedeng magmahal?" saka ako sumulyap muli sa mga bakang payapa na kumakain ng damo.
"Oo" malalim niyang sagot.
"Wala ng mas sasaya kapag mahal n'yo ang isang tao kasi para Sakin ,Kahit wala ng pera basta kasama ang mahal ko masaya na k--
"Hindi sa lahat ng pagkakataon kayang iangat ng pagmamahal ang lahat." putol n'yang muli. Kumunot ang nuo ko. Paano n'ya nasabi yan kung hindi pa naman pala sya nagmamahal? Lumandi siguro ito ng palihim. Hmmm..
Napatulala naman ako sa mga sumunod niyang mga salita.
~
"Paano mo nasasabi yang mga yan eh parang 'di ka pa nagmahal?" tanong ko sa kaniya sabay balik ulit ang mga tingin sa baka.
"Lumaki ako sa isang baryo na puno ng pagmamahal pero kahit isa sa mga
pamilyang nasa baryong iyon ay walang umangat.""Hindi sila nagpursige kasi ang mahalaga mahal nila ang isat isa pero hindi rason ang 'mahal kita'. Ikaw pagpinili mo ang taong pagmamahal lang ang kayang ibigay sayo at hindi ang magandang buhay makokontento ka ba? magiging masaya ka ba?"
"oo naman! Bilang nalang sa darili ang mga taong kayang magmahal, ng totoo" agad kong sagot.
Narinig ko ang pagngisi n'ya kaya sumingkit ng bahagya ang mga mata ko
"Pagnagutom ka ba at walang makain mabubusog ka ba pagsinabi niyang 'Kainin mo muna ang pagmamahal ko ah?'. Pagmay gusto ka bang bag at mamahaling sapatos magtitiis ka nalang ba sa 'magkasya ka muna sa pagmamahal ko ah?'. Pagnagkaanak kayo. At gusto nilang mag-aral pero wala kayong kakayahan para ibigay yun, kaya mo bang sabihin sa kanilang 'bastat mahal natin ang isat-isa ay sapat na yun'. Kasi kung ako? di ko yun kaya, hanggat buhay ako ay aahon ako sa mundong ito." hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya inisip kong mabuti, kung bakit ang lalim ng hugot niya. Kumain ba siya ng karne ng mga malulusog na bakang ito? Kailangan ko na rin atang magpakatay ng isa.
"Hindi ko kasalanan na ipinanganak ako ng mahirap. Ang kasalanan ay ang mamatay ng hindi nakakamit ang pangarap" ramdam ko ang pagtayo niya sa pwesto at agad ko siyang nilingon. May pagka-makata pala itong si chong.
"Sino ba yang babae na gusto mo at napaka inspirado mo naman ata?" tanong ko at binalewala ang pangamba na hindi n'ya ako sagutin.
"Babaeng nagmahal sa maling panahon at sa maling tao." saka niya ako tinalikuran
At sino yun?
Goshhhh! Huwag mong sabihing si Katrian nanaman!
Mga walang taste!
~
D i y a sA/N: Paano daw magmahal oh! hahaha
If you enjoyed this chapter, please support it by voting. Loveyou~
Thank yoy for reading!
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Teen FictionPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...