First Step
"tss. Malandi ka rin talaga noh?" nabingi ang maganda kong tainga sa nakakainsultong tinig na iyun. Hindi ko siya hinarap .
Baka mapatay ko 'toh ng wala sa oras. Huwag n'yo kong pigilan.
"Bingi ka ba? o talagang guilty ka kas--
"Tumahimik ka kung ayaw mong mawalan ng hininga." malamig kong saad. Nakatalikod parin ako sa kaniya at pinagmamasdan ng mariin ang mga baka. Pagsinubukan akong atakihin nito habang nakatalikod. Ipapalapa ko siya sa mga bakang ito.
Kitain niya lang!
"h-hah?! hahaha. Di ka lang pala malandi, mamamatay ka rin!" akusa niya sakin. Eh kung patunayan ko kaya yang mga sinasabi niya dyan.
Aba! nanunubok yung bruha.
"Humarap ka nga sakin! takot ka noh--
"ohh? anong kailangan mo, katrian" malamig kong aniya. Sinigurado kong magugulat siya kaya ayun. Gulat nga!
Haharap daw hindi naman pala handa. Sinong takot ngayon! Upakan kita eh.
"Tss.." ani lang nito at tinitigan ako ng masama. Isang split ang layo namin sa isat isa pero kaya ko parin tong sipain kahit nasa ibang planeta pa siya. Boom. char.
Ganun ako kalupet--ay galit pala!
"Wag mo kong tignan ng ganyan...baka--
"ano?!" lakas loob na hamon nito. Nginisian ko lang siya na mas nagpasama ng mga tingin niya sakin. Takot na takot teh?
"Masuntok ko ang likod ng mga mata mo" maangas kong saad. Kumunot ang mga nuo niya na nagpangisi sakin lalo.
" W-what?! " inilingan ko lang siya at mas nainis siya dahil dun. Kalaunan ay ngumisi din katulad ko. Tss. Ano bang ginagawa ko pa sa harap ng higad na 'toh.
"Mang-aagaw ka talaga kahit kailan. Pati ang kung anong ginagawa ko ay --tsssk"
"M-mukang malalim ang pinanghuhugutan ahh..." makahulugan niyang saad. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
"Hugutin pa kita dyan~" bulong ko. Lumapit pa siya ng bahagya para marinig.
"May sinasabi ka ba?!" naiirita niyang saad. Ang boring niyang kaaway. Promise.
"Kung tanga ka ay maiisip mong wala. Kung hindi naman, sorry, tanga ka parin" pang-iinsulto ko sa kaniya. Ngayon ay pumapadyak padyak na siya at handa na kong sugurin.
"easy hahah" mahinahon kong tawa ...
"Y-you!! Crazy Bitch!" dinuro niya ako. Kumunot ang mga nuo ko at umambang lalapit sa kaniya kaya umatras siya. Takot. Amboring talaga.
"Layuan mo ko, kung ayaw mong iitsa kita pababa." madilim kong aniya.
"Y-you really are--crazy!!" agad niya kong tinalikuran na nakapagpatawa sakin ng malakas.
"eh, putek ka palang bruha ka ~" bulong ko at bumulong pa ng mas marami na nagpatawa sakin. Crazy pala ah. Tignan natin kung sino ang hindi mababaliw sa gagawin ko.
~
"Ohh, anong tinitingin tingin mo dyan" inosente kong saad ng matagpuan ko si katrian sa sala kasama si Alexion na masama ang tingin sakin. Magkaiba sila ng sofa na inuupuan nasa gilid siya ni Alex.
"Bitch~" bulong nito at hindi natanggal ang masamang titig sakin. Nagkibit balikat nalang ako at inilipat ang tingin sa 'Shone' na nakatitig pala sakin kanina pa
"Hi dhie" Dhie-natatagal ang buhay. Malambing kong aniya na nagpasinghal sa nagaalburutong Katrian. Nginitian niya ako saka nilapitan. Niyakap ko sya ng mahigpit. Sorang higpit. Hindi ka sana makahingang animal ka.
BINABASA MO ANG
I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔
Novela JuvenilPwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving love. Si Elliesse ay isang biktima ng masalimuot na pag-ibig. Maling tao. Maling panahon. Sa maling nar...