CHAPTER 15

207 3 0
                                    

Amanda Natividad

"Kuya." panimula ko sa tawag.

"yes my dearest sister?" nanunuya nitong saad.

"owh. Akalain mo yun kilala pa ko ng mahal kong kapatid" nanunuya ko ring saad.

"Tssh! malamang nag-iisa kang babae so sino pa ba ang tatawag ng kuya sak--

Tatlo kaming magkakapatid. Well, pag-isa ka na sa mga mayayaman na nilalang sa buong mundo. Ang salitang 'pamilya' ay salita nalang.

Ang salitang 'pagmamahal' ay isang bagay nalang para sa kanila. Puro pera lang ang iikot sa mga buhay ng mga taong ito. Himala kung meron pang pinahahalagahan ang pamilya sa dami ng pera mo? Baka makalimutan mong may asawa ka pa eh.

Ganun kami.

Hindi naman sa hiwalay na si Mom at Dad. Hiwalay sila ng literal. Like nasa ibang bansa silang pareho. Magkaibang bansa. Para san? para sa pera.

Kaya nga ang dali akong itapon ng Nanay ko eh. Dahil lang sa Natividad ako umibig.

Natividad.

"Amanda Natividad is Alive" deretsyahan kong saad. Bumuntong hininga lang ito bago sumagot

"We know."

"what?! hinayaan nyo!" sigaw ko dito. Tumawa lang ito ng mahina sa kabilang linya.

"anong gusto mong gawin namin?! Patayin siya?! hindi tayo mamamatay tao El! Hindi tayo sila." umirap ako sa kawalan.

"I want her to vanish Kuya. Kung di ikaw ang gagawa., edi ako!" saka ko marahas na pinindot ang end button

"Oh.Amanda ,hi" ngisi kong saad ng makita siya sa pintuan kong nakabukas. Nakanganga ito habang tulala. Kalaunan ay itinuro ako at tinakpan ang bibig. Narinig niya ata?
Napangisi ako sa kaisipang iyon.

Narinig niya

Naglakad ako ng dahan-dahan sa papalapit kaniya. Palapit ng palapit ng palapit habang siya ay atras ng atras ng atras

"Y-you!" akusa nito sakin. Natuwa ako kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"H-h-how dare yo--

"No!! How!Dare!You!" madiin at malakas kong sigaw sa dito na mas nagpanginig sa kaniya at hindi namalayan ang mataas na hagdan sa likod.

Dalawang dipa ang layo namin sa isat isa. Ngumisi ako ng ilang atras nalang ay mahuhulog ito sa hagdan.

"Maghihiganti ako. Makikita mo Donya Amanda! Hhhhhhaaaaaaaa!!!" malakas kong sigaw sa harapan niya ng biglang bumukas ng marahas ang pinto. Kasabay ng pagkahulog at sigaw ng Ina ni Alexion.

"M-mommy!!" agad niya itong dinaluhan. Ang kaawa-awang matanda na duguan ngayon.

Pilay ka ngayon.

Sabi ki sayo mas gaganda ang marmol mong hagdan ng may bahid ng iyung mga dugo

"Ellies!!" sigaw nito at unti unting humagulhol. Agad ko sila tinakbo at nilapitan.

"Call Cj! Dali!!" sigaw nito at binuhat ang Amanda ngayon na walang malay.
Tumakbo ako palabas ng bahay at ng makalabas na ay bumagal ang takbo.

Rumarampa na ko ngayon.

"C...j" bungad ko sa lalaking kausap ang isa sa mga trabahador ng hacienda

"oohh" tamad ako nitong hinarap tinignan din ako ng kausap niya. Ningitian ko naman ito ngunit nag-iwas lamang ng tingin at mukhang nailang pa. Hindi ko nalang pinansin.

"Si Donya Amanda." dahan dahan kong ani

"ohh." malamig na ani nyang muli

"Dalin daw ng Hospital" tamad kong usal.

"ohh--what?! why?!" agaran niyang sigaw hindi na niya ko hinantay at mabilis nitong sinalubong si Alex na nahihirapang buhatin ang Ina palabas ng bahay.

"Dyos miyo!" bulalas ng Lalaking medyo may katandaan na kausap ni Cj kanina.

"buti sa kaniya" bulong ko at 'di inisip na baka marinig ni Manong. Walang gana lang ako nitong nilingon saka nagsalita.

"Kawawang Jake" ani nito saka ako iniwan.

Bakit naman si Cj ang makakawawa? Si Alex ang kawawa hahaha

~













"Bakit 'di ka sumunod?" inosenteng saad ng epal na Katrian. Ngumisi lang ako sa kawalan.

"Bakit naman ako susunod?baka matuluyan ko lang yun~" bulong ko .

"Hindi i mean...Kay Tita  "

"Anong mean mean?! " irita kong saad. Lumayo layo ka sakin at ang init init ha!

"Na isusugod sa Hospital" ani nito. Nag-ngitngit ang mga ngipin ko sa sobrang inis dahil yun lang pala ang ibig niyang sabihin. Hindi pa niya dineretsyo. May pa 'i mean' ' i mean' pa siyang nalalaman.

"Alam mo. Kung wala ka lang ding magagawang magan--

"naaawa ako sayo" buntong hininga nyang saad. Napangiwi ako sa sinabi nya. Bumibingo ka na saakin ah!

"Nakakaalala ka na diba "normal na tono niyang ani. Napakaseryoso niya naman ata ngayon.

"Ano naman sayo. Malandi ka parin naman at pok pok makaalala man ako hindi" sagot ko at nagsimula ng maglakad papasok ng bahay nasusunog ako sa init ng araw lalo pa't alagad ng  impyerno ang kasama ko.

"Makaalala ka man o hindi! wala ka paring kaalam-alam ,Ellies. Walang kwenta ang paghihiganti mo." Pahabol niyang saad napangisi nalang ako sa kawalan .

Hindi kailanman mawawalan ng kwenta ang taong nagihiganti para sa hustisya, Katrian

"Manang..." bati ko sa seryosong mukha niya habang naglilinis ng mga naiwang dugo mula sa kaawa awang Amanda kanina.

"Bakit mo toh ginagawa~"malumanay niyang kanta. Habang pinipilipit ang tela sa timba

"Para san ang ...lahat~" madrama niyang patuloy. Umupo ako ng sala at pinakinggan siya. 'Di ko pa naririnig kantang yan kaya interesado ako.

"Wala ka namang alam...wala kang kinalaman...nagmahal ka lang~" napatulala ako sa kanta niya. 'Di naman maganda hindi rin pangit pero parang may malalim na kahulugan.

"Imulat ang totoong nga mata~
Nakikinig ka nga ba talaga~
Buksan ang iyong palad ~
Baka ikaw...sa huli..ang may...sayad~hhhmm...hmm hmm" sa inis ko ay napatayo ako at dumeretso sa kusina.

Mariin akong uminom ng tubig saka marahas itong ibinaba sa lamesa.

"Hijah. Anong problema " bungad ni Manang habang buhat buhat ang timba na pinanglilinis kanina. Nilingon pa nito ang basong hawak ko ng mariin

Pansin ko ang kakaibang hairstyle niya ngayon. Sa dating simpleng puyod lang ngayon ay bahagyang nakatirintas at nakasabit ito sa kaliwang balikat niya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Mukha kaming nagtititigan ,nagtititigan naman talaga kami.

"May kahawig ka Manang" wala sa sarili kong saad at naiwas lamang siya ng tingin.

"s-sige maiwan muna kita riyan " saka siya nawala sa harapan ko.

"May kahawig eh. May kahawig ka" bulong kong muli. Napailing nalang ako ng hindi ki maisip kung sino ba iyung kahawig ni Manang.

~
D i y a s

A/N: Parehas rin ba sa inyo? Si Miss Maja Salvador ang naiimagine kay Elliesse.Hihihi

If yoy enjoyed this chapter, please support it by voting

Thank you.

I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon