CHAPTER 22

212 5 0
                                    

Cj's PoV

Dahan dahan akong umakyat ng hagdan .Tinignan ko ang relo kung anong oras na.

"2:36 a.m" madaling araw na kong nakauwi, pero kagaya ng pangako. Binilan ko si Elliesse ng Saging at ketchup na may ibang kulay.
Mahigpit kong hinawakan ang paperbag ng pinihit ko na ng dahan dahan ang pintuan niya.

Dim na ang ilaw pero kitang kita ko parin ang ganda at pagiging payapa ng maamo niyang mukha. Naawa ako ng maisip lahat ng pinagdaanan niya sa pamilya ko.

Bakit nandito ka parin sa kabila ng ng naranasan mo

What makes you stay?

Dahan dahan akong umupo sa gilid niya. Doon sa bandang madilim na side. Baka magising siya kung sa banda kung san siya nakaharap ako umupo. Napansin ko ang matagal ng pagbabago ng katawan niya. Hindi naman siya matakaw. Ibinaba ko ang dalang pagkain sa baba ng kama. Yakap parin nito yung kinaseselosan kong unan. Nakakaasar! Tinaggal ko ito at sa bawat galaw ko ay banayad lang at dahan dahan. Ayokong maalintana ang pagtulog ng anghel ko.

Naalala ko muli ang gabing lasing nanaman siya at kinuha ang katinuan ko. Pumintig ng malakas ang puso ko Paano kung... Panu kung may nabuo?
Nanginginig akong pumikit. Yun ba ang dahilan kung bakit ka nage-stay .
Sabihin mo, kasi ibibigay ko ang lahat. Masuklian lang ang pagmamahal na nais mo .Kung nais mo man ang pagmamahal ko. Puro kasi Alex ang alam kong nasa puso mo.

Bakit sa tuwing may magandang bagay na nangyayari saating dalawa ay palaging wala kang malay. Giging ka ng umaga at walang maalala, habang ako hindi malimutan ang bawat segundong ginagawa natin ng magkasama.

Haist! Pakiramdam ko tuloy nirape kita. Kumirot ng bahagya ang dibdib ko. Magagalit kaya siya kapag nalaman niya o alam niya, wala lang talagang halaga ito para sa kaniya. Sheyt. Humiga ako sa tabi niya. Ngunit tinanggal ko muna ang sapatos ko kaya nakasuit nalang ako ngayon. Dahan dahan kong iniaangat ang kaliwang kamay. Dahan-dahan na inangkin ang teretoryo ni Unan na yakap niya--

"H-holy..."naiiyak kong saad.

Umiiyak akong hinahaplos ang tiyan nito. Wala akong mapagsakyan ng saya. Nagulantang ako ng gumalaw siya at humarap sakin. "Jake~" malambing paniya nito kasabay ng pagyakap saakin. Lumunok ako saka tinignan ang mukha niyang nakasubsob sa dibdib ko.

Tulog siya!

At tinawag niya ang pangalan ko. Lumunok ako ng maraming beses.

Ang mag-ina ko~

Hinalikan ko ng hinalikan ang ulo niya habang nakayakap sa kaniya.
Ramdam na ramdam ko ang tyan niyang umbok ng unti sa tyan ko. Mahal na mahal kita Elliesse At mas minahal dahil karga mo ang bunga natin. Mahal na mahal kita. Magkayakap kami hanggang sa nakatulog ako sa tabi ng aking mag-ina.


~








Elliesse PoV

Unti unti kong iminulat ang mga mata pero niyakap muli ako ng antok. Hayyy ito na ata ang pinaka komportable at masarap na tulog ko. Inamoy amoy ko pa at idinukdok ang sarili sa yakap yakap kong unan.

"hhmmmm" gigil kong saad ng--wait!

Bakit ang tigas?!

Iminulat ko ng mas malaki ang mata.
"Wa-wahhhhhhhhh...Ba't ka nandito?!"

bogshh!

"ops?" hulog siya pagkatulak ko sa kaniya. Sinipa ko pa! Sarap na sarap ka sa kayap ko ahh. Ayan napala mo!

"Goodmorning" huskily niyang saad. Waaahhhh!! Umupo siya sa kama ko kaya tumalon ako paalis dun

"Hey, careful " iniunat pa ang mga kamay na animoy kaya ako nitong abutin. Hindi ka na Mr. Wirdo, ikaw na si Mr. Careful. Be careful with my heart ba peg mo, chong.

Nagpamewang ako sa harap niya. Nakabistida ako ngayon. Hindi mo naman masasabing daster pero yung nighties ko na bistida ang suot.

"At ano ngang ginagawa mo dito?!" pag tataray kong aniya. Nakanganga siyang tumititig sa kabuuan ko at nabigla ako ng may nakitang tumulong luha sa kaliwa niyang mata kasabay ng pagsarado ng bibig. Nanlaki ang mga mata ko ng humarap sa salamin. Kung san ako nakatalikod. May salamin kasing malaki doon. Hubog na hubog at kitang kitang ang tatlo at kalahati buwan ko ng umbok na tyan. Pagkaharap sa gawi niya ay bigla niya akong niyakap

"h-hindi parin ako makapaniwala" saad nito at lumuhod sakin. Hinalikan niya ng paulit ulit ang tyan ko. Itinulak ko siya dahil sa nakikiliti nga ako.

"C-cj" sabay atras sa kaniya.

"Please, 'wag mong ipagkait ang anak ko " nagmamakaawa nyang saad.
 
"Sigurado ka bang anak mo toh?" biro ko para mapigilan ang luha. Hindi naman ito natawa sa halip ay sumama pa ang tingin nito

Lumunok lang ako at iniiwas ang tingin sa kaniya. N-natatawa ako eh.?

"Tara! tara! ipaalam nating mag-kakaanak na tayo" sabik niyang saad hindi naisip na nakasuit pa siya, gulo gulo ang buhok, nakamedyas pa at ang pogi pogi! gggrrrhhhh

Nang gigigil ako. Pigilan nyo kooo!

"Hindi-- untag ko pero hinila niya ko palabas ng kwarto.

Hindi pa ko nakakapag-ayus! Kung ikaw ayus lang sayong lumabas ng ganyan ang itsura. Pwes, ibahin mo ko! pero wala na akong nagawa. Careful-careful daw pero kung makahila ngayon para gusto akong itapon sa kung saan!

"Hello? Oo, lahat ng trabahador pati na mga kapitbahay , Oo! ngayon na! hahaha oo nga" masayang saad nito sa telepono at hindi ko manlang napansin na nakapag dial pa toh habang pababa ng hagdan.

"Mom look!" sabay hawak niya sa tyan ko. Pinakita niya ang umbok sa harap ni Donya Amanda.

Lumaki ang mga mata nito at nang tumingin sakin ay umirap saka umiwas ng tingin. Tss. Inirapan ko rin siya. Irapan pala ang labanan ah. Gusto mo tanggalin ko pa mata ko ngayon at iikot ko eh, para mai-emphasize lang na nagr-roll eyes ako sayo. Kaimbiyerna ka. Nakamove on na ko't lahat lahat, bitter ka parin.

"Wow. Ate congrats! Kaya pala palagi mong tinatakpan ng Unan ah. Nakapacheck up na po ba kayo?" dere-deretsyong saad ng nurse na tagapag-alaga kay Amanda.

Kita ko ang paglaki ng mga mata ni Cj.

"O-oo nga noh? sa tingin mo healthy kaya ang baby namin? ano sa tingin mo?" tanong niya sa babae kaya iniwan ko nalang siya dun.

Ba't hindi ako ang tanungin mo eh ako ang buntis kumag ka! Magsama kayo!

"E-elliesse?!" natigilan ako sa ikalawang palapag ng hagdan dahil nasa harap ko na pala halos lahat ng tao sa  baryong ito.

Owhh...noo

"Hon!!" kumunot ang nuo ko sa tumawag sa likod.

San mo nakuha yan?!

"Sabi ko na nga ba eh!" magiliw na saad ng isang matanda dun habang ang iba ay nagsisimula ng magbulungan.

"Anak namin. Magkaka-anak na kami. Magiging tatay na ko at nanay naman siya. Magiging anak namin yung nasa tyan ny--

"o-oo na! oo na! tsk!" nahihiya kong saad sabay kurot sa tagiliran nito.  Sabay sabay na nagsibatian ang mga taong naroon at umuwi ang iba ng may galak habang ang iba ay humihikab pa.

"Inistorbo mo sila" bulong ko sa unti unting nagsisialisan ang mga tao.

"I love you too" kunurot ko nanaman siya ng iba ang isinagot nito. Bumulong ako sa kaniyang muli.

"Loko!"

~
D i y a s

Vote this kung matangkad ka. hekhok

I'M YOUR EX! [Season 1] COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon