Chapter Two
Hila hila ako ni Joan papunta sa isang building kung saan doon daw ang raket namin. Nagtataka akong alas otso palang ay nandito na kami. Usually kasi gabi kami rumaraket ni Joan, pero mukhang iba ito ngayon ah.
"Jusko. Malelate na tayo."
"Akala ko kasi gabi pa ang raket natin."
"Ay hindi no. Minsan naman dapat gumawa tayo ng marangal." Bumukas ang pinto ng elevator.
"Ano ba tong raket natin?"
"Magvolunteer tayong assistant sa mga shoots. Tapos mamaya, marunong ka naman magsayaw diba? Dance instructor naman tayo sa isang concert bukas."
"Saan mo naman nakuha itong raket na ito?"
"Kay Shinubo. Iyong lalaki sa bahay."
"Ah." So ito ata iyong kapalit noong kagabi.
Matalino din iyong hamal na iyon ah, ginamit ang koneksyon.
Nakarating kami sa 7th floor. Kumatok lang si Joan sa double doors at hinila na naman ako papasok. Nadatnan ko doon ang apat na babae.
"Joan, kanina pa namin kayo hinihintay." Ani noong matandang babae. "Sa Pasay lang din iyong location ng first shoot ngayon. Alam nyo na gagawin?"
"Yes Mamshie." sagot ni Joan. "Ay Mamshie, friend ko. Si Iara."
"Blue talaga kulay ng buhok mo?" Tanong noong isang babae na nakasalamin.
Akala ko walang makakapansin nung buhok ko pero napansin nya. Shocks, nalimutan ko palang maglagay ng wig. Kahapon kasi may suot akong black wig kaya walang nakapansin masyado.
"Ah, opo."
"Ang galing! Masakit yan no? Kasi ibebleach?" Tumayo sya at nilapitan ako. "Anyway, I'm so rude. Rocky Montez."
"Hi Madam."
Sakay kami ng isang van papunta sa pasay kung saan daw isoshoot ang isang eksena sa teleserye ngayon. Sa van palang binibriefing na ako ni Joan sa artistang aasikasuhin ko. Panay lang naman ang tango ko.
"I like your hair," ani Candy, iyong make up artist daw.
"Salamat." Tipid akong ngumiti. Gusto ko naman itong buhok ko, kaya lang agaw atensyon talaga sya.
Nilapitan na ako nung producer at tinuro iyong artista na aasikasuhin ko. Tumango ako at lumapit na doon.
"Good Morning, Ma'am."
"Good Morning." Bati nya pabalik. Actually, kilala ko ito. Sikat na sikat ito dahil sa pagiging kontrabida nya sa mga teleserye or pelikula.
Si Laureen Ann Go.
"Ito na po iyong kape nyo, matcha."
"Thank you," nagsecond look sya sa akin. Siguro gawa nung buhok ko. Last month lang kasi ako nagpakulay kaya siguro matingkad pa at kapansin pansin.
"Five minutes po bago kayo sumalang." Tumango lang sya.
Ginawa ko ang dapat gawin. Masuyo akong nakaalalay sa bawat kilos ni Miss Laureen. Nakakamangha nga at napahusay nyang actress.
Nasundan ang raket naming iyon ni Joan. At kapag bakante kami, balik kami sa pagiging pick up girl. Sawa sawa si Mama sa pera dahil malaki ang kinikita ko sa raket namin. Kaso, halos isang linggo, iba iba ang lalaki nya. May ibang matino, ibang mukhang pera at mga manyak.
Wala naman na akong pakialam sa buhay ni Mama, hinihiling ko nalang na sana umalis na sya para hindi ako nahihirapan.
Pa-dalawang taon na ako sa trabaho ko bilang volunteer assistant sa mga shoots at pagiging dance instructor. My hair is still blue, walang nagbago.
Isang gabi, tulad ng dati kong gawain. Sa bahay uli ako ni Joan tutulog dahil ayoko sa bahay. Kumatok ako sa pinto ng bahay ni Joan nang may tangay na yosi. Saglit pa akong natigilan kasi si Shinubo itong nagbukas.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."