Chapter Thirty Five

2.4K 65 11
                                    

Chapter Thirty Five

"Pangarap kong maging doctor or lawyer. Well, mukhang imposible ang lawyer kasi di ko afford. Since medicine iyong course na kinuha ko online, I hope someday maging doctor ako."

Mag eenroll uli ako ng panibagong session online para mas ma-fullfill ko iyong kagustuhan kong maging doctor. Nga lang, nahihiya naman akong sabihin sa sponsor ko. Pero siguro naman alam na nya iyon, may koneksyon iyon at siguro alam na nyang enrollan na uli para ngayong sem.

"Iyan ang gusto kong marinig na pangarap mo, hindi iyong hihiga ka sa maraming pera."

"Do you think I will fullfill my dream?"

"I am sure, baby doll. You can do it. Ako una mong pasyente ha."

"Bakit may sakit ka ba?"

"Iyong puso ko." He said cutely. Umirap ako at pinisil ang pisngi nya.

Ilang minuto pa kaming nagstay doon bago sya nag ayang ihahatid na ako pauwi. Masaya ako, at hindi naipagtataka iyon sa mga ngiti ko ngayon.

"Gusto mo mag-kape?" Bigla kong sabi nang ihinto nya ang sasakyan sa tapat ng apartment ko.

He looked at me and arched his brow. Ngumuso ako at pinisil iyong pisngi nya.

"I'm not inviting you to have sex with me, Hayme."

Natawa sya. "Well, dati kapag inaaya mo akong magkape, we always end up having sex."

"Gusto mo ba?"

Kinalas na nya iyong seatbelt namin.

"No. I just wanted to be with you." Aniya sa seryosong boses. "Let's go inside."

Kinagat ko iyong pang ibaba kong labi para pigilan ang ngisi ko at sumunod na sa kanya pababa.

Tahimik na naupo si Hayme sa maliit na dinning table ko doon habang matamang nakatitig sa ginagawa kong pagkilos. Nagpainit ako ng tubig at hinanda ang dalawang tasa. Binuksan ko ang isa sa mga cup board doon para kumuha ng powdered coffee.

"Chips o cookies?" I asked him.

"I prefer chips. Thank you,"

Kinuha ko iyong honey blend na chips. Pagkatapos ay tinimpla ko na iyong kape namin. Nilapag ko iyon sa harapan nya.

"Baby doll.." He softly whispered.

Nilingon ko sya matapos kong mabuksan iyong chips. Hayme cupped my face and gently kissed my lips. Napapikit ako sa rahan ng halik na ginawa nya, gumapang din ang kamay ko sa batok nya.

I don't know how long we kissed but when he pulled away, I saw Hayme's smiling.

Kinalabit ko iyong ilong nyang matangos.

"Akala ko ba ayaw mo? Bakit ka nanghihigop ng labi?"

"I just wanted to kissed you, Iara." Sinsero nyang sabi. Hinawakan nya iyong kamay ko at hinalikan naman iyong likod ng palad ko. "I love you."

Titig na titig ako sa kanya ngayon, iniisip ko kung panaginip ba ito o hindi. Because baby, this is just good to be truth.

"Where's my I love you?"

"I love you too, Mr. Director." Sagot ko ng mabilis.

Hayme smiled. Iyong totoong ngiti, hindi dahil inaassume ko pero dama at kita ko sa mata nya.

Pagkatapos ng sandali naming landian ay nagsimula na kaming magkape habang nag uusap. Ngayon ko lang halos napansin na kapag pala magkasama kami ni Hayme, sya iyong panay na nagkukwento sa pagitan namin. Dati kasi iyong isip ko kapag kasama ko sya, sex lang. Wala eh, ganun akong babae.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon