Chapter Five
Gusto kong magmura ngayon din!
His carefully kissing me back, and I'm savoring this moment. Ginapang ko ang kamay ko papunta sa batok nya at humigpit ang hawak doon.
I composed myself and slightly pulled away from our kiss. I saw him licked his lip. Ngumiti ako, uy good kisser.
"Good Night, Mr. Director.." I whispered between our lips. Pumisil sya sa baywang ko.
"Good Night," aniya.
Humiwalay ako sa pagkakahawak nya at saktong may papadaang taxi. Pinara ko iyon at huminto sa harap namin, he opened the door for me.
"Well, see you again." Hinaplos ko pa iyong panga nya bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Tumango sya at sinarado iyong pinto. I waved at him and smirked to myself.
Ha! Mission accomplished.
Walang traffic kaya almost twenty minutes ay nasa tapat na ako ng apartment ko. I am smilling wide right now. Dama ko pa iyong malambot nyang labi sa labi ko. Heh! Harot, Iara.
Umupo ako sa labas ng apartment ko at tinanaw ang buwan. Pumikit ako at bumuntong hininga. I once again open my eyes and stared at the moon. Bata palang ako, gustong gusto ko na iyong buwan. Palagi kong tinititigan iyon at nakikita ko nalang ang sarili kong magaan ang loob matapos tignan ang buwan.
"Masaya ka ba, Iara?" I asked myself.
Ilang saglit pa ay nagpasya na akong pumasok sa loob at di ko na inabalang buksan ang ilaw. Ni-lock ko lang iyong pinto at hinubad ang lahat ng damit ko. I walked naked inside my aprtment.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko at parang tangang ngumisi na naman. Damn, James Michael you invade my whole being with that just one kiss.
Next morning, hangover strikes. Ngunit binalewala ko iyon at tumayo na. I cooked breakfast still naked. Wala namang bisita ngayon. I'm used eating alone at pagkatapos ay naligo na ako at nagsuot ng white poloshirt and black slacks, and I paired it with my black pumps.
Sinecure ko iyong apartment bago ako muling nakipagsapalaran sa pagcocommute.
Tinawagan ko iyong number na nakalagay dun sa wanted waitress na nakita ko. Pero busy iyong linya kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa matapat ako sa Bachelor's Club. May nakalagay na closed pero may nakita akong babae sa loob.
I knocked trying to catch the attention of the woman inside. Lumingon naman sya sa pwesto ko.
"Yes?"
Pinakita ko iyong pinilas kong wanted waitress kahapon sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay.
"Mag iinquire sana ako. Available pa?"
Binuksan nya ng malaki iyong pinto. Pumasok ako.
"Pangalan?"
"Iara Magaling." Sagot ko pa. "Ikaw? Waitress ka?"
"Beverly. All around girl ako dito. Sumunod ka sa kin."
Pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ko bago tumalikod. Sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa isang office doon.
Sa loob ay may babaeng nasa late fifties na ang edad ang may katawagan sa cellphone at nakataas pa ang paa sa table nya.
"Madam, may mag iinquire na waitress." Ani Beverly.
"Wait, tawagan kita mamaya." Tinapos noong Madam iyong tawag sa cellphone at tumayo.
Ma-postura itong babae sa harapan ko ngayon. Na kahit may edad na ay maayos pa din sa sarili. Lumapit sya sa akin kaya ngumiti ako. Kapag kasi waitress dapat may pleasing personality.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."