Prologue
"Game na?" Tanong ni Beverly sa amin.
"Kanina pa. Sino ba ang target natin ngayon?"
"Kilalang business man to, galingan nyo ha." Kumindat pa sya.
Tinapos ko ang paglalagay ko ng red lipstick at tinago na iyon sa bag ko. Isa isa na kaming bumaba sa van na sasakyan namin at naghiwa hiwalay na.
Pumasok ako sa kilalang restaurant dito ngayon sa Pasay. I swayed my hips in a sensual way bago ko nasipat ang target ko ngayong gabi.
Nginitian ko iyong waiter nang makapasok ako sa loob ng restaurant. I composed myself and breathe heavily.
Confident akong lumakad sa harap noong matandang business man at kunyaring napilayan para mapansin nya ako.
"Ouch,"
"Miss, ayos ka lang?"
"I'm fine Sir, medyo na-sprain ata iyong ankle ko."
Hindi ko napigilang ngumisi nang alalayan ako ni Mr. Prado paupo sa table nya. He even check my angkle at simantala ko iyon para lagyan ng gamot pampatulog ang kape na iniinom nya. Thirty minutes bago umepekto iyon.
"Okay na ako. Thank you, Mr?"
"Jun Prado."
"Okay, thank you Mr. Jun Prado, naistorbo pa ata kita." I gave him my slutry smile.
"May kasama ka ba? Mind if you want to join me?" See? Madaming nababaliw sa ngiti ko.
"Sure. Anyway, I'm Josephine Cristobal."
"Nice to meet you."
Ginawa ko ang dapat na gawin ang kilalanin sya at ang kwentuhin. Matapos namin kumain na dalawa ay sabay na kaming lumabas ng restaurant. He insisted to drove me home, pumayag ako.
Pagsakay sa sasakyan nya ay nakita kong umepekto na ang gamot na nilagay ko. Ngumisi ako.
"Ayos ka lang ba?"
"Medyo nahilo lang ako."
"Gusto mo, ako na magdrive." Umiling sya.
"No. Ipahinga ko lang saglit."
"Sige, ikaw bahala. Hintayin kita."
Bumilang ako ng sampo sa daliri ko bago ko tuluyang nakita na bagsak na si Mr. Prado. Mas lumawak ang ngisi ko at sinimulan na ang pagkuha ng pera nya sa wallet at pati ATM, swerte naman ako dahil walang passcode ang cellphone nya at nandoon lahat ng savings nya.
"Sorry Mr. Prado, I just badly need the money." Hinalikan ko pa sya sa pisngi bago ako lumabas ng kotse na parang walang nangyari.
Syempre, kumuha na agad ako ng pera sa atm nya, don't worry nagtira naman ako. Tyaka nireset ko na agad iyong cellphone nya. Pagkatapos ay umuwi na ako sa apartment ko at diretso higa sa kama.
You're doing good, Iara. Kaya mo iyan.
Tinabi ko iyong cellphone at maya maya pa ay tumayo. Sisilipin ko lang si Mayami sa bahay nya.
Bago ako tuluyang makatawid papunta sa bahay ni Mayami ay may dumaang balot kaya bumili muna ako at tuluyan ng kinatok ang bahay ni Mayami.
"Iara naman. Masisira iyong pinto."
"May dala akong balut. Anong ginagawa mo?" Naupo din ako sa sofa.
"Reports ng sales ko." Sagot nya. Inabutan ko sya ng balut.
"Aba, mukhang malaki ang magiging kumisyon mo nan. Baka naman, bebe."
Tinawanan nya lang ako at inilingan.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."