Chapter Thirty Eight
(Part 2)"Kung tititigan mo lang ako, umalis ka na. Ayoko ng may basura sa labas ng bahay namin."
"Hayme.. I'm sorry.""I don't need your sorry. Umalis ka na."
"Pakinggan mo lang ako. Mahal kita, totoo yun."
Tumaas ang kilay nya at humakbang paatras.
"Natakot ako na baka kamuhian mo ako dahil sa mga nakaraan ko kaya mas pinili kong itago nalang iyon, kasi ayokong mawala ka dahil mahal na mahal kita."
"And you think I would believe that, Iara? Nagsinungaling ka na sakin." His soft voice became cold. "Alam mong ayaw ko sa mga sinungaling. But what have you done? You lied also."
Napadako ang tingin nya sa labas at nakita ang sasakyan ni Zild. Umangat ang gilid ng labi nya at binalik ang nagyeyelong tingin sa akin.
"What now, Zild? Pati ba naman ikaw?"
"Hoy James Michael! Masakit ka na magsalita! Oo nga't naging trabaho ni Iara iyon pero tangina ka! Mahal ka nung tao!"
"Umalis ka na bago ko malimutang babae ka."
Mabilis syang tumalikod sa akin, hinablot ko iyong braso nya.
"Tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo, basta sabihin mong napatawad mo na ako."
Tinitigan nya ako. Wala na akong makitang softness sa mga mata nya.
"Nagsisisi akong nagmahal ako ng bayaring babae." Kinalas nya iyong kamay ko sa braso nya.
Nangilid ang luha ko.
"Luluhod ako para mapatawad mo. Just please believe me that I truly love you."
"Ayoko ng basura sa bahay namin." Matigas nyang sabi.
Tagusan sa puso ngunit pinili kong balewalain ang lahat. Hindi ko nilubayan ang pagtitig sa kanya habang unti unti akong lumuhod sa harapan nya.
"Iara ano ba! That shit doesn't deserve that kneeling!" Sigaw ni Mayami.
"James Michael,"
"Leave," tinuro nya iyong labas. "I don't want to see you anymore."
Bumagsak ang luha ko ng walang ano anong tinalikuran nya ako at pumasok sa loob ng bahay.
"Bullshit JM!" Sigaw na naman ni Mayami. "Tumayo ka na nga jan, Iara. Naiinis ako sayo."
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na.
"Halika na, antok na ako."
Sa biyahe pauwi, tahimik si Mayami na nakamasid sa akin. I gave her a small smile. Wala din namang imik si Zild sa tabi nya. I shut my mouth and silently feel my heart clenching.
Move on na, Iara. Si Hayme na mismo ang tumalikod sayo.
KAKAUWI ko palang pero yosi na agad ang hawak ko. Medyo napagod ako sa dami ng tao ngayon sa Club. Maaga kasing umuwi si Mayami at sinundo ni Zild.
Umirap ako sa kawalan at humithit sa yosi ko.
"So it's true? Hapunan mo lagi ang yosi at alak?"
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Shin na kakababa lang ng motor nya.
"Do you think it's healthy?"
"Ba't ka nandito?"
"To check on you."
Tumayo ako at tinapon ang yosi ko.
"Umalis ka na. Ayoko ng kausap."
"Dahil ano? Dahil kapatid ako ni JM? Bestfriend mo ako, Iara. I care for you."
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."