Chapter Twenty Nine
Nilampasan ako ni Mr. Lausingco Sr. at hindi na nilingon. Nasapo ko naman ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"Mr. Lausingco.." mabilis kong pagtawag sa kanya.
Nahinto ang paghakbang ni Mr. Lausingco Sr. at hinarap ako. Kinuyom ko ng mabuti iyong mga kamay ko sa gilid ko.
"Pasensya na po na dahil sa akin, nalagay sa pahamak ang buhay ni James Michael. Naiintindihan ko po kayo bilang isang magulang..." yumuko pa ako. "Pasensya na po uli."
Ayan. Talikod na, Iara. Nasabi mo na iyong dapat mong sabihin. Okay na yun.
Pumihit ako ng mabilis patalikod. Nagpasalamat pa ako nang bumukas agad iyong pinto ng elevator. Pumasok ako doon at napasandal sa dingding.
Totoo naman. Hindi ako magugulat kung hihingi sya ng pabor na layuan ko muna si Hayme. Naiintindihan ko dahil magulang sya. Nakakainggit lang si Hayme at may ganoon syang magulang. Sana all.
"Iara!"
Kanina pa ako mulat bago pa kumatok si Mayami sa pinto. Kanina pa din ako mukhang bangag na nakatitig sa kisame. Ang dami kong iniisip ngayon pero pakiramdam ko lumilipad naman iyong isip ko sa kung saan.
"Iara! Gising ka na?!"
Bumuga ako ng hangin at tamad na tumayo. Nakanguso ako kay Mayami.
"Ang baho mo na." Aniya. "Halika, kumain na tayo."
Hinayaan kong pumasok sya sa bahay. Tahimik akong naupo sa tabi nya.
"Hinanap kita sa Bachelor's club kagabi pero hindi ka daw pumasok." Panimula nya. "Tyaka nagtext si Shin, dumalaw ka daw sa ospital. Nasalinan na ata ng dugo si JM mo."
"Hayaan mo sila. Wala ako sa mood lumabas."
"May nangyari ba? Simula noong umuwi ka noong gabing unang bisita mo kay JM, mukha ka nang bangag."
Hindi ko binigyang pansin si Mayami at pinagpatuloy lang iyong pagkain ko.
"Hello, Iara? Parang kumakausap lang ako ng pader ah."
"Anong oras pasok mo sa trabaho?"
"Ngayon na. Sinabayan lang kitang kumain."
"Ako na maghuhugas. Lumayas ka na at baka ako pa ang sisihin mo kapag nahuli ka."
Nanliit iyong mga mata ni Mayami sakin habang nagliligpit ako.
"Ayos ka lang ba talaga? Maayos na naman daw si JM ah."
"Umalis ka na nga."
"Sige, papasok ka ba mamaya? Itext mo daw si Bev."
Tumango tango nalang ako at naghugas na. Pagkatapos ay naglinis na din ako ng bahay. Sinilip ko pa iyong kalendaryo at nakita kong araw na para sa pagdating ng bagong stocks.
Mga bandang tanghali iyon kaya inalis ko muna iyong sarili ko at ilang saglit pa ay lumapit na ako sa pinto. Pagbukas ko, hindi na ako nagulat nang makitang may limang paper bags doon. Pinasok ko sila lahat at inayos sa kusina.
NAKANGISI kong pinagmamasdan iyong bago kong mga hikaw. Sa kanan ay halos mapuno na iyon dahil may bago akong pinabutasan.
Dumaan na muna ako sa milk tea shop bago ko saglit na naaalala ang nangyari, tatlong araw ang lumipas. Umalis na din agad ako sa milk tea shop at naglakad lakad na.
Pasakay na ako ng jeep nang mapagsino ko iyong lalaking nakatayo sa waiting shed na humihithit ng sigarilyo nya. Kumalam ang katawan ko sa galit at dumampot ng bato na ipampupukpuk ko sa ulo ni Reymark Arenas. Aba't ang kapal pa din naman ng mukha nyang magpagala gala dito ano?
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
Storie d'amoreLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."