Chapter Thirty
I salute at Hayme when he faced me. Actually, naisip ko lang na dapat umakto ako ng normal sa pagitan namin.
Kakalabas nya lang sa hospital last week at hindi ko inexpect na magtatrabaho na agad sya. Rumaket kasi ako uli noong tinext ako ni Candy, at ayun nga nakita ko si Hayme dito.
"Musta? Pwede ka ng magwork?"
"Yes. Ikaw? Musta?"
"Okay naman. Ahm, Hayme... gusto ko lang magsorry kasi dahil sakin, napahamak ka."
"It's not your fault." Yumuko sya kasabay ng pagngiwi.
"Hindi ka pa ata okay eh. Dapat nagpapahinga ka muna, baka bumukas iyang tahi mo."
"I'm not here for work, Iara. Nandito ako dahil tinext ako ni Gray na nandito ka ngayon." Hinarap nya ako, napalunok naman ako. "Iniiwasan mo ba ako?"
"Ha? Hindi no. Bakit naman kita iiwasan."
"I'm just making sure. I'll wait for you,"
"Huwag na. Umuwi ka na, may tahi ka sa tagiliran po." Mahina ko tinapik ang balikat nya. "Tyaka bakit ba palagi mong iniisip na iniiwasan kita kapag hindi tayo nagkita or hindi ko nasagot iyong tawag mo. Hindi ba pwedeng busy lang?"
Mariin syang tumitig sa akin. Nakaramdam ako ng ilang, at mabilis na nagreact ang puso ko kaya ngumiti nalang ako sa kanya.
Well he's true to his words. Naghintay nga sya hanggang sa magpack up ang shooting. May iilang nangamusta sa kanya, naramdaman ko naman iyong hiya. Ako iyong dahilan noon, kahit sabihin nilang hindi ako. Dama ko eh.
"Saan tayo?" Aniya. "Samgyup?"
Umiling lang ako at kinabit ang seatbelt ko.
"Pakihatid nalang ako."
"Oh, okay."
Hindi kami nagimikan habang nasa biyahe. Nakasilip lang ako bintana habang lihim na sinusuway ang puso kong walang humpay sa pagkabog.
"Hayme," tawag ko sa kanya. "Pahinto mo nga dito saglit."
"Saan?"
"Dito."
Pinahinto nya at nilingon ako. Kinalas ko ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. Sinilip nya ako mula sa pwesto nya. May driver nga pala sya ngayon, dahil bawal pa syang magmaneho.
"Iara,"
"Una ka na kung gusto mo."
Bumaba din sya. "Manong, pakibili kami ng pagkain po."
"Sige po, Sir."
Umayos sya ng tayo at hinarap ako. Tinagilid ko ang ulo ko nang pagmasdan sya.
"Hindi mo naman ako kailangang samahan dito, baka mapahamak ka na naman."
Pinasadahan nya ng tingin ang paligid.
"This place seems to be safe. Let's sit here." Prente syang naupo sa may kahoy na upuan doon sa gilid ng punong malaki.
Tiningala ko naman ang langit. Ngumiti ako at tinitigan ang nagtatalong liwanag at dilim. Mamaya lang sisilip na ang buwan.
"Sarap ng hangin oh." Kumento ko ng humangin ng mahina.
"Sit here, baby doll."
Ipinuyod ko ang buhok ko at tumabi sa kanya. Hindi maalis ang mata ko sa paligid, lalo pa't isa isa nang bumubukas ang ilaw sa parke.
"Alam mo, gustong gusto kong pumupunta sa mga ganitong parke. Tapos titigan ko iyong buwan." Pagkwento ko. "Tapos mag isa lang ako."
"You used to be alone everytime."
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."