Chapter Eleven
Nagpalipas lang ako ng gabi kay Joan at kinwento ko na din ang ginawa ko. Natuwa sya dahil hindi ko na hinayaang pangunahan ako ng takot ko kay Yves.
Maaga palang ay nagpaalam na ako sa kanyang babalik na ng manila. Mabilis lang din akong nakabalik at bumaba na. Sa paglalakad kong iyon ay napadaan ako sa isang restaurant kung saan may okasyon ata kasi nagkakasiyahan sila.
Adrenaline rush in me. Lumakad ako papasok doon at walang pakialam sa iba. Busy naman sila sa kasiyahan nila at tamang nag gate crash lang ako. Kumulo ang tiyan ko at agad na lumapit sa lamesa. Dumampot ako ng dalawang chicken bago ko nakita iyong nakatitig sakin.
I smiled and turned my back. Okay, may nakapansin na sakin kaya aalis na ako.
Wala akong nilingon sa paglalakad ko at dire diretso lang ang lakad. My phone vibrated, si Candy. Tinatanong kung free ba ako ngayon para tumulong sa kanila.
Maaga pa naman at maiinip lang ako sa apartment kaya nireplyan kong free ako. Sinend sa akin ni Candy iyong address kung saan sila nag shooting ngayon. Nagtaxi na ako para mas mabilis akong makarating, at syempre baka isa si Hayme sa director.
Sa isang bahay or should I say, mansyon? Sabi isang eksena sa music video ngayon ang ishoshooting doon. Binati ko sina Candy at nakita kong si Charity uli ang bida doon.
Inasikaso ko sya tulad ng dati at ang ibang kasama sa music video. At pagkatapos, ay nakita ko si Hayme. Sya ang director ng music video.
"Rolling, 1 2 3 action!"
Inayos ko ang sarili ko at ang ibang kasama sa music video hanggang sa matapos ang shooting.
"Iara, thank you again." Ani Charity. "Ngayon lang kita nakita uli."
"Na-busy sa trabaho kasi."
"Oh! I see."
Exactly three pm ng magpack up ang lahat. Tumulong akong mag ayos sa team nila. Tumunog ang cellphone ko para sa isang text ni Shinubo.
"Hi Hayme." I waved at Hayme. Ngumiti naman sya. "May gagawin ka?"
"I'm working some reports. Why?"
"Ay. Aayain sana kita mag date." Nagpa-cute pa ako.
Tulad ng dati tinawanan nya lang ako at umiling. Bakit ang bilis mag move on ni Hayme sa naging landian namin dati?
Pumunta ako sa likod nya at nilapat ang kamay ko para sa isang masahe. I heard him groaned.
"Iara.."
"What? This is free."
Hinuli nya iyong kamay ko para patigilin. I smirked, I still had some affect on him. His phone rang.
"Excuse me,"
Naupo ako sa inuupuan nya at ngumuso. Bakit ang hirap na landiin nitong si Hayme? Ano, baka may girlfriend na?
"Hayme, pauwi ka na? Pwede pasabay kahit hanggang sa sakayan lang." Habol ko sa kanya noong nakita ko syang lumapit na sa sasakyan nya. Iniwan ko pa nga si Candy na kinakausap ako.
"Sure, kaso sa sakayan lang kita ibaba. I'm in a hurry."
"Okay lang, tara na."
Habang nasa biyahe ay panay na tumutunog iyong cellphone nya, nakita ko pang kumunot iyong noo nya. Gusto ko sana syang landiin kasi mukhang may problema kasi iba aura nya ngayon di tulad kanina.
"Ayan, dito nalang. Thank you at ingat ka." Kinalas ko na iyong seatbelt ko at bumaba na.
Hindi ko na tiningnan iyong itsura ni Hayme at dumiretso na agad sa sakayan ng jeep. My phone rang.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomansLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."