Chapter Twenty Eight

2.2K 65 9
                                    

Chapter Twenty Eight

Nanginginig pa iyong mga kamay ko habang sakay kami ng ambulansya ni Hayme. Namumutla na sya at sa tingin ko, sobrang lalim noong pagkakasaksak ni Reymark sa kanya.

"Hayme..." mahina ko syang tinawag habang tinatakbo na sya papasok sa loob ng emergency room.

Wala akong nakuhang response. Pinatigil ako ng mga nurses at tinanaw ko nalang si Hayme bago isara ang pinto. Nanghihina na ako, lalo na noong makita ko iyong kamay ko na may bakas ng dugo.

Saglit akong umiyak sa isang tabi bago ko tinawagan si Shinubo.

"Shin.."

[Oh? Asan ka? Hinahanap ka ni Mayami.]

"Shin.." kumawala ang hikbi sa bibig ko.

[Iara! Putangina! Asan ka? Huwag kang umiyak ano ba!]

"Shin... si Hayme.."

[Ano? Ano? Puta, anong nangyari? Ginago--]

"Nasa hospital kami. Nasaksak sya."

[Hintayin mo ko jan.]

Minuto na ang lumipas pero wala pa ding lumalabas na doktor. Kuyom ang palad ko nang may lumapit sa aking nurse na lumabas galing operating room.

"Miss, anong balita?"

"On going pa po ang operasyon. Ito nga po pala iyong mga gamit noong pasiyente."

Tinanggap ko iyong ziplock kung saan laman iyong cellphone at wallet ni Hayme.

"Iara."

"Shin.." kinagat ko ang pang ibaba kong labi at sinalubong si Shinubo. "Sorry. Kasalanan ko."

"Huwag mong sisihin. Nakita mo ba kung sino ang sumaksak sa kanya?"

Tumango ako. Hinagilap ni Shinubo ang balikat ko at hinila ako para yakapin.

"Hindi ko alam, k-kasalanan ko kung bakit sya nasaksak."

"Kumalma ka nga. Umupo ka, papunta na si Mayami."

Inalalayan akong maupo ni Shin at lumuhod sya sa tapat ko. Pinahid nya iyong luhang kumawala sa mata ko.

"Magiging maayos si JM. Tinawagan ko na din sina Dad."

Bumuntong hininga ako at sumandal. Nanatiling nakatayo si Shinubo at may tinitipa sa cellphone nya. Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko, bawat takbo ng oras mas lalo akong kinakabahan.

Lalo na nung makita kong tumatakbo papalapit sa amin sina Mr. James Lausingco hawak si Mrs. Anne Marie Lausingco sa kamay.

"Shinubo, anong nangyari?" Bungad na tanong ni Mr. Lausingco.

"Dad, nasaksak si JM."

"Anong balita? May lumabas na ba na mga doktor?"

"Wala pa, Tita."

Yumuko ako. Ayokong ipakita sa magulang ni Hayme na ako ang dahilan kung bakit nasaksak ang anak nila.

"Magiging maayos din si JM, huwag ka ng mag alala." Rinig kong sabi ni Tita Anne Marie sa kanyang asawa.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng operating room. Nagkukumahig na lumapit ang pamilya ni Hayme doon. Tumayo ako at hindi na nakipagsiksikan pa.

"Sinong pamilya ng pasiyente?"

"Ako ang Ama nya. Doc, anong balita?" Tanong agad ni Mr. Lausingco.

"Ayos na ang pasiyente. Malalim ang sugat na natamo nya na kung hindi naagapan ay maaari syang magkaroon ng komplikado sa maraming pagkawala ng dugo."

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon