Chapter Fourteen
Kinabit ko iyong seatbelt at umayos ng upo. Hayme started the engine. Sinundan ng mata ko iyong pag-flex ng braso nya noong ginalaw nya iyong kambyo. Men, ang tigas talaga.
"San kayo magkikita?" Tanong nya.
"Starmall." Sagot ko. "May appointment kami sa isang dance studio."
"So you dance also?"
Tumango tango ako. "Yes. I can dance well, lalo na sa kama."
Nasamid sya dahil sa sinabi ko. Natawa ako at pinagkrus ang mga binti ko. Hinimas ko iyong likod nya.
"Ayos ka lang? Mukhang gulat na gulat ka pa."
"No. Hindi lang ako makapaniwala. You are really different."
"Di naman ako alien, babae din ako. Blue nga lang yung buhok ko." Sinamantala ko na para pisilin iyong braso nya. Umangat na naman iyong gilid ng labi nya. "Madalas ka din sa gym?"
"Once a week. Dati thrice, eh nagkatrabaho na. Medyo hectic na schedule."
"Wala namang nagbago, matigas pa din itong braso mo." Sabi ko uli sabay pisil uli sa braso nya. I heard him groaned.
"Careful, Iara. Baka may magalit."
I lick my lips. "Hindi ko na kasalanan kung may magalit man yan."
"It's your responsibility. Ikaw ang dahilan kung bakit nagalit."
Umismid ako at tumuwid na ng upo.
"Binitin mo nga ako." Sabi ko ng nakanguso.
"Kelan?" Tumaas ang kilay nya nang may pagngisi. "Ah. Iyon ba? Naisip ko lang na iyon lang ang habol mo sakin kaya wala ng thrill sayo kapag pinatulan kita agad agad. As I can see through you, you want adventure. But I want more..."
My breathing hitched. Lumunok ako.
"You want more?"
"Not more than friends. I warned you already Iara, kapag nagsimula ako, baka umayaw ka agad."
"Sabi ko nga sayo, I'm an angel with a shotgun. Kung ano man yan, di ko uurungan."
Ngumisi sya. Teka lang, Iara ano ba pinagsasabi mo?
Pagkatapos ay hindi na sya umimik pa at nagfocus nalang sa pagmamaneho. Buti at walang traffic kaya mabilis kaming nakarating sa Starmall.
Lala:
Nasa labas lang ako.Malayo palang ay nasipat ko na sya. Nakasimpleng tshirt at jagger pants din si Lala.
"Dito nalang. Salamat, Hayme."
"Ihahatid ko na kayo sa pupuntahan nyo."
Napahinto ako sa tangka kong paghalik sa pisngi nya dahil sa sinabi nya.
"Baka makaistorbo kami, Hayme."
"It's okay, wala naman na akong gagawin."
"Alright." Lumapit ako sa kanya, tumitig sya sa gagawin ko.
Pinindot ko iyong busina para ipaalam kay Lala na nandito na ako. Binaba ko din iyong bintana at kinawayan si Lala.
"Pst! Lala!"
Mabilis na tumaas ang kilay nya sa akin at lumapit.
"Taray. Naka-kotse ang ate mo."
"Sakay ka na, may driver tayo ngayon."
"Sino?" SInilip nya iyong nasa driver's seat. "Oh! Hi, JM."
Hayme nodded his head. Sumakay na din naman si Lala sa backseat. Nagsimula na si Hayme magmaneho uli. My phone beep.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."