Chapter Twenty Seven

2.3K 54 13
                                    

Chapter Twenty Seven

Napabuntong hininga ako nang makapasok ako sa bahay namin. Kitang kita ko kasi si Mama na sa sahig natutulog at puro bote ng alak ang nasa paligid nya.

Dumiretso ako sa kanya at nilapag ang paper bag na dala ko. Kakasikat palang ng araw pero heto na ang itsura nya. Tahimik ko nalang na inayos ang mga kalat doon, hindi ko na inabalang gisingin si Mama dahil paniguradong sampal ang aabutin ko kapag ginawa ko iyon.

Gumalaw na ako at naghugas ng mga pinggan. Inayos ko din iyong mga dala kong pagkain para sa kanya. Pagkatapos ay nagluto ako ng pananghalian ko. Ilang saglit pa ay pupungas pungas na syang pumasok sa kusina.

"Aba, mabuti naman at nagawa pa akong bisitahin ng anak ko."

"Ma, sinabihan na kitang huwag ng mag inom diba? At nabayaran mo na ba ang kuryente? Nagpadala ako ng pera kahapon."

"Ah, hindi pa naman due date noon. Nagkaayaan kagabi ng inuman."

"At ikaw ang taya? Mama naman."

"Minsan nalang ako mag inom ha."

"Kasi panay ka sa sugalan. Mama, mainit ka sa mga pulis ngayon. Paano pag nakulong ka na naman?"

Umupo si Mama at hinilot ang ulo nya.

"Eh di huwag mo akong piyansahan. Huwag kang mag alala at hindi na ako hihingi ng tulong sayo."

Umiling ako. "Kumain ka na, Mama. At kung may natira pang pera, magbayad ka na ng kuryente mamaya."

Sabay kaming kumain ni Mama, pero tahimik lang ako. Sya pa ang nagbukas ng topic namin na hiniling kong sana hindi nalang nya ginawa.

"Kumusta na iyong nobyo mo? Bakit hindi mo kasama?"

"Hindi ko nobyo iyon, Mama."

"Ay bakit? Gwapo iyon tyaka amoy mayaman."

"Ma. Kaibigan ko lang yun, kumain ka na jan."

"Bilisan mo at baka maunahan ka."

Binalewala ko nalang iyong sunod na mga pinagsasabi ni Mama. Mga puro lang iyon sa plano nya. Nang matapos kami ay nagligpit ako at naghugas.

"Nga pala, pahingi ng pamasahe at pangkain ha. Magbabayad na ako ng kuryente."

Inabutan ko ng limang daan si Mama. Ngumisi naman sya sa akin bago umalis.

Buong maghapon kong nilinis ang bahay namin. Naglaba na din ako at naligo. Hindi na ako dinapuan ng antok kaya pinasya kong mamasyal nalang muna. Bukas ng umaga pa naman ang uwi ko sa Makati uli.

"Joan, nasan ka?"

[Ay bes, wit akes sa bahay. Bakit?]

"Nandito ako sa Baguio. Aayain sana kitang lumabas."

[Ay sayang. May kliyente ako, baka bukas pa uwi ko. Di ka naman kasi nagpapasabi.]

"Okay lang. Sige, next time nalang."

Mula sa bahay ni Joan ay nilakad ko iyon doon sa may parke. Naupo ako sa may lilim at bumuntong hininga uli. Napabaling ako sa isang pamilya na nakaupo sa picnic table doon. I saw myself smiling.

Kumusta na kaya iyong mga kapatid ko? Mabuti pa sila kinuha ng mga Tatay nila, eh ako. Wala, naiwan ako magisa.

Isang busina ay nagpatili sa akin. Paglingon ko sa kanan ay nakita ko ang itim na escape na pagmamay ari ni Hayme. Umangat ang kilay ko at hinintay ang pagbukas ng drivers seat.

I had to stop myself from gasping hard as I saw Hayme. Simpleng grey shirt at black tokong short tyaka slippers ang suot nya. He's wearing a avaitor and his hair is slightly arranged.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon