Chapter Forty Two
I woke up with a total hangover. Pumikit ako ng mariin at bumangon. Saglit akong natigilan at inamoy ang sarili ko. Mabilis kong minulat ang mata ko.
Tangina! Bakit amoy Hayme ako?
Nakita kong nasa loob ako ng kwarto ko at iyon pa din ang suot ko. Pero bakit amoy Hayme ako?
Inisip kong mabuti ang pinaggagawa ko kagabi at nang may maalala, halos mapamura ako!
Tumayo ako at lumabas sa kwarto. Masakit ang ulo ko pero nagwawala na ang tiyan ko.
I cooked for myself. Pinilig ko ang ulo ko dahil naalala ko na naman ang ginawa kong pagmamakaawa kay Hayme kagabi. Tanginang alak talaga oh.
Tahimik akong nag aalmusal kahit pa pasado alas dose na. Iniinda ko ang ulo ko. Tumunog ang cellphone ko.
Singkit:
Gising ka na? Masakit ulo mo ano.Ako:
Oo putangina ka.I sipped on my coffee.
Singkit:
Tss. Ginawa mo na naman uli.Alam ko, puta naman eh! Nakakahiya. Pangalawang beses ko nang ginawa ang magmakaawa at umiyak sa harap ni Hayme.
Naglinis lang ako ng bahay bago ako nag ayos sa pagpasok sa trabaho ko.
"Iara?" It was Mayami. "Kumain ka na ba? May dala akong pagkain."
Lumabas ako sa kwarto at nakita syang nakaupo na sa dinning. She smiled and I pouted.
"Anong ginawa ko kagabi?"
Kumibit balikat sya at nag ayos na ng pagkain namin.
"Umiyak tas nagmakaawa kay James Michael. Sinubukan kitang pigilan pero ayaw mong magpapigil. Sinamahan ko pa nga si JM dito para ilagay ka sa kama mo kasi lasing na lasing ka."
Umupo na ako at kumain.
"Tapos?"
"Binantayan ka nya muna bago sya umuwi."
Napakurap kurap ako at agad na tumibok ang puso ko. So that explain's why I smelled like him.
"Jusko. Nakakahiya."
"Hayaan mo't sanay na iyon. Dalawang beses mo nang ginawa sa kanya iyon, Iara."
Sumunod na mga araw. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin pagkatapos noong ginawa ko.
Hindi ko nga sya sinusulyapan sa Shooting. Nahihiya ako. Tangina naman.
Nagkaroon ng short break. Umupo ako sa motor ko at nagsindi ng sigarilyo. Pero mabilis kong tinapon iyon ng makita kong lumapit si Hayme sa sasakyan nya. Ininom ko nalang iyong coke ko.
Lumapit sya sa pwesto ko kaya napayos ako ng upo. Muntik pa nga akong malaglag sa motor.
"Have you eaten already?" He casually asked.
"Ahm, biscuit lang."
Inabutan nya ako ng plastic container.
"Carbonara. Luto ni Mommy." Dalawa iyon. "Nalaman nya kasing nakakasama kita sa shooting so she prepared that for you."
Tahimik kong tinanggap iyon. Tumayo sya sa gilid ko at nagsimula nang kumain din. Amoy na amoy ko iyong perfume nya.
"She's your sponsor, right? My mom?"
"Ah, nito ko lang din nalaman." I started eating too. "Pasabi, salamat dito."
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Tinuon ko nalang iyong atensyon ko sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."